Galit na galit si Ranne nang malaman mula kay Nay Loling na sinisante ng kanilang amo si Nestor. "Ho? Kailan pa ho?" "Kaninang umaga. Dumaan pa siya dito. Ayaw ngang sabihin eh, pero ang inamin niya rin sa huli na sinisante siya ni Octavo. At ikaw lang ang maaring makatulong sa kanya. Iyan ay ayon sa kanya." "Sa anong kadahilanan daw?" "Tawagan mo na lang kaya siya nang magkausap kayo. Kasi ilang beses niya talagang inuulit na tanging ikaw lang daw ang mga makakatulong sa kanya." "Sige po, at tawagan ko siya kaagad. Salamat po sa pag abiso, Nay." Mabilis niyang tinawagan ang numero ni Nestor, at nang sagotin nito ang tawag ay agad niyang itong tinanong, "Totoo ba na sinesante ka ni Sir Octavo?" "Hindi, nasa probinsya nga ako ngayon. Pinauwi lang naman ako ng magaling nating amo!"

