"ATE BAKIT ANG DAMI MONG DALANG DAMIT PERO PURO TSHIRT!" reklamo ni Alicia sa kanya. "Eh, sa wala akong damit na iba!" iritado niyang wika, at tinignan ng masama ang pinsan. "Saka hindi naman ako mag fashion show doon kundi maging alalay. Napipilitan lang nga ako na sumama kung di lang si Madam Leonie mismo ang nagsabi, sa palagay mo ba sasama ako?!" Napailing na lang si Alice, at binigyan ang pinsan ng nakakalokong tingin. " 'Wag ka nga diyan, alam kong attracted ka din kay Sir Octavo. Ang sa akin lang, these are all men shirts! Wala ka man lang T-shirt na ang design at cut ay pambabae! Saka maliban sa kulay na halos itim at blue, ay puro plain pa! Bumili ka man lang sana kahit tank top. Tignan mo itong short mo, cargo short pa! Babae ka ba talaga or tomboy?!" Pinanlakihan niya ng mat

