Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga habang tinitignan si Ranne na inihahanda ang kanyang mga kailangan. Dapat sana ay masaya siya dahil nagawa niyang papayagin ito sa kanyang nais subalit parang pinagsisisihan niya na ang ginawa. Naglakad si Ranne patungo sa kanya. "Here, drink this," walang kabuhay-buhay na sabi nito sa kanya. And his voice is like a business tone. Ramdam niya talagang wala sa mood ang pakikipag-usap nito sa kanya. Basta agad lang itong inabot sa kanya ang gamot na iinumin. "Balikan na lang kita, after thirty minutes. Nasa kusina lang ako kung may kailangan ka." Matamlay na napatango si Octavo at sinundan lang nito ng tingin si Ranne. Gusto niya itong asarin subalit parang hindi niya kayang magawa. Subalit nang dagli siya nitong nilingon at pinagsabihan sa se

