Halos nabulabog ang buong kabahayan ng marinig nila ang malakas na tunog mula sa kusina. Halos hindi makapaniwala si Flora nang makita niya ang kanyang anak na si Ranne na nakapatong kay Octavo, na walang malay na nakahiga sa may sahig. "Anong nangyari?!" usisa ni Flora, at tinulungan si Ranne na tumayo. "Bigla ho siyang nawala ng nawalan ng malay," sabi ni Ranne, at tinignan ang ina. "Nay, pakitawag naman si Nestor nng maitayo natin siya." Naguguluhan na tinignan siya ng ina. "Tapatin mo nga ako, bakit ba siya nawalan ng malay?" "Sinagot ko na siya, Nay. Sabi ninyo kasi sagotin ko na. Hindi ko naman alam na posible pala mawalan ng malay ang isang lalaki kapag sinagot na ng babae," inosenteng wika ni Ranne, at inayos ang saliri. Napailing at tumawa ng mahina ang kanyang ina. "Masyad

