~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
" anak tapos ka na ba jan sa pag aayos ng sarili mo?" narinig kong sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko
" lalabas na!" pasigaw ko ring sagot ngunit habang sinasabi ko yun ay patuloy parin ako sa pag susuklay ng buhok ko. Ngayong araw na kasi gaganapin ang photoshoot ko hindi ko pa nga na sabi kay Enzo ang tungkol dito. Nga pala dalawang araw na rin ang nakalipas nung umalis sila Enzo papuntang California. Nag kaayos na kaming dalawa bago pa siya nakasakay sa eroplano. Madalas nag tatawagan naman kami hindi ko alam kung kailan talaga siya uuwi ayaw niya kasing sabihin para daw surprise. Ang OA lang no?
" lets go?" sabi ko kila daddy at mommy nung nakababa na ako
Isang van ang ginamit naming sasakyan ngayon ang dami kasing dalang gamit si mommy hindi ko na tinanong kung ano yun dahil wala naman akong pakealam. Pagkaupong pagkaupo ko sa van ay nilagay ko kaagad ang earphone sa tenga ko tsaka pinikit ang aking mga mata. Mag damag na naman kasi kaming nagkausap ni Enzo.
~ ~ ~
" baby gising na andito na tayo" narinig kong boses ni dad kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata
" hmm? asan tayo? *yawn*" kung hindi sila mommy tsaka daddy ang kasama ko ngayon tatawag talaga ako kaagad ng police nung makita ko ang lugar. Pano ba naman kasi parang isa siyang malaking warehouse na luma. Yung parati mong makikita sa movie na kung saan dinadala ang mga hostage
"dito tayo mag shohoot?" mataray kong tanong kay dad
Gusto ko na atang umuwi na lang. Naisip ko kasi na sa oras na lalabas ako ng van ay marami ng lamok ang kakagat sakin. My precious skin
Only Belo touches my skin. Who touches yours?
" yes anak kaya bumaba ka na bago pa lumabas si mommy mo. Excited na kasi siyang kunan ka ng litrato" nakangiting sabi ni dad sakin habang ako naman ay -.^ na lang.
Si mommy na eexcite?? Isang himala ata ang nangyayari ngayon. Ni minsan kasi hindi ko pa nakita si mommy na naging excited. Parati lang siyang naka poker face.
Ngunit sa bandang huli ay napapayag na rin ako ni daddy lumabas ng van.
Pag pasok na pasok ko ng warehouse ay literal akong napanganga. As in!! Walang halong biro. Hindi ko kasi akalain na ganito pala kaganda ang loob ng warehouse. Pano kaya nila nagawa ito?? Kung ano ka dumi sa labas ng warehouse ay yun din ang kinalinis sa loob nito. Yung akala mong parang haunted sa labas mala palasyo naman sa loob
Infairness na impress ako dito
Agad kong natanaw si mommy na busy sa pag seset up shoot. Habang nag lalakad kami patungo kay mommy ay panay ang bati samin ng mga staff
" Bie ano nang gagawin namin ni Dianne?" pagkuha ni dad ng atensyon ni mommy.
Huminto muna si mommy sa ginagawa niya tsaka niya kami hinarap
" ihatid mo muna si Dianne dun sa waiting room alam na nila ang gagawin kay Dianne pagkatapos bumalik ka dito para matulungan ako sa pag aayos."
Teka teka si mommy ba talaga ang kausap namin ni dad ngayon? May iseseryoso pa pala si mommy
Pagkatapos niyang sabihin yun ay balik trabaho na naman siya kaya naman umalis na kami ni dad papunta sa waiting room daw.
" wag kang magtaka sa mommy mo. Ganun lang talaga kapag nasa trabaho siya nagiging seryoso tsaka stricto sa mga nag tatrabaho sakanya. Gusto niya maayos ang lahat walang palpak." napatingin ako kay dad nginitian niya lang ako
Pumasok kami sa isang room at sa tingin ko ito na yung waiting room na sinabi ni mommy kanina. May isang babae ang lumapit samin
" good morning po Mr. Valdez and Ms Valdez" bati pa niya
" kayo na ang bahala sa anak ko at light make up lang para sakanya. Ayaw kong matakpan ng makeup ang kagandahan ng anak ko Okay?"
" yes po sir" agad na sagot ng staff
" good" lumingon siya sakin "anak maiwan na muna kita dito. Tatawagin ka na lang namin kapag maayos na ang lahat" tumango ako bilang sagot kay dad.
Nung makalabas na si dad ng waiting room ay agad humarap sakin ang babae " umupo ka na po miss Valdez" sabi pa niya habang tinuturo ang isang empty chair sa harap ng isang malaking salamin na pinalilibutan ng ilaw. Yung katulad sa mga celebrities. Tahimik naman akong umupo tsaka agad na inumpisahan ng babae ang pag lalagay ng kung anu ano sa mukha ko
30 minuto pa lang ang nakalipas ay na hahalata ko na ang pag babago sa mukha ko. Nagustuhan ko yung ginagawa niya sakin dahil sobrang hindi mapapansin na naka makeup ako ngayon ngunit mahahalata mo na medjo umiba ang aura nang mukha ko. Basta sabihin na lang natin na mas gumanda pa ako lalo.
" done. Ang ganda mo Miss Valdez." nakangiti niyang sabi.
~ ~ ~
"Anak act normal okay? Don't pressure yourself papangit lang ang mga litrato mo" paalala ni mom akin bago mag umpisa ang shoot. Mas lalo akong ninerbyos dahil ni hindi ko nga alam ang dapat kong gawin dito
*click*
Wait wait wait kapeng mainit. Mag uumpisa na ba talaga? Hindi pa ako ready! Hindi ko pa nga alam ang dapat kong gawin. Tatayo lang ba talaga ako dito? Mag boblogger ba ako.
Ilagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Chin up. Tingin sa kaliwa
*click*
Tingin sa kanan
*click*
Ano pa ba??
Arghh! Sana hindi na lang ako pumayag dito. Ang hirap pala!! Kung suntukan lang sana ito edi masaya
" okay nice! Next scene tayo!"
Baliw ba si mommy? Anong nice sa ginawa ko??
May lumapit na namang babae sakin "Miss Valdez punta po ulit tayo ng dressing room para makapagbihis kana for the next scene"
After 20 minutes ay lumabas na ako ulit but with a different outfit this time. Tumungo kami malapit sa nalaking bintana ng warehouse. Hindi ko nga napansin na meron palang ganito kanina.
" anak try to lean on that wall." pag instruct sakin ni mommy kaya sinunod ko yun.
Medjo mas naging comportable na ako kesa kanina. Kasabay ng pag pindot ni mommy ng kanyang slr ay ang pag change pose ko.
(--> picture ay nasa gilid)
Nakailang frames pa ang kinuha ni mommy bago natapos ang shoot.
" that's it. Good job everyone" sigaw ni dad tsaka nag palakpakan ang lahat ng mga tao pati ako nakisabay narin sa palakpakan.
" you did a great job Dianne" nakangiting puri sakin ni dad nung makalapit ako sakanila ni mom
Ngumiti lang ako sakanya dahil mukhang binobola lang ako ni dad. Wala naman akong ginawa kung hindi ang umupo. Ang sabihin niya magaling lang talaga si mommy kumuha ng mga larawan.
" nagugutom ka na ba? Saan mo gustong kumain?" tanong ni dad sakin
"Kahit saan" walang gana kong sagot. Nakakaramdam na kasi ako ng pagod idagdag niyo pa ang pananakit ng paa ko dahil sa suot kong 5 inches killer heels
" alright. Pero dadaan muna tayo sa company may naiwan akong importanteng papeles dun"
" k"
"Bie iwanan mo yan. Ako na lang ang mag dadala ng mga yan sa van." sabi pa niya kay mommy
~ ~ ~
| COMPANY BUILDING |
Derederecho ako sa paglalakad papasok ng building. Badtrip na naman dahil sa mokong Enzo na yun. Hanggang ngayon kasi hindi parin siya nag paparamdam. Alam ko namang busy siya eh pero sana nag text man lang siya sakin.
> ___ _< as if I care
"tsssk" sabi ko bago lumabas ng cr. malapit nang mag time at lagot ako kay Enzo pag nalaman niyang late na naman ako sa klase ko. may usapan kasi kami na kapag malelate ako kahit isang beses lang ay meron siyang idedare sakin.
~ ~ ~
nandito ako ngayon sa caf nag hahanap ng bakanteng mauupuan namin habang si Nerd ay nandun bumibili ng kakainin ko. don't get me wrong okay? siya lang ang may gustong sumama sakin masaya pa nga siya na inuutos ko siya ng kung anu ano eh. naguguluhan nga ako sa ginagawa niya. bakit nag papanggap pa siyang isang nerd at mas pinili pa niyang inaapi ng karamihan kesa sa tinitingala ng tao. tsk tsk tsk!
makailang ikot na ang ginawa ko ngunit ni isang bakanteng upuan ay wala akong may nahanap kaya naisip ko na lang na lumapit sa isang mesa na malapit sa bintana at sapilitang pinaalis ang kasalukuyang nakaupo dun. walang reklamong tumayo naman sila kaagad.
" yan lang ang kakainin mo?" tanong ko nung nakita ko ang nakalagay sakanyang tray. nakangiti na parang sira siyang tumango sakin
vegetable salad , banana tsaka fresh milk lang ang binili niya para sakanya
"malapit na kasi yung next shoot ko kaya kailangan kong mag diet"
" at mag dediet ka pa talaga sa katawan mong yan. sabihin mo nga sakin may ipapayat ka pa ba?"
" I must loss weight." mahinang at may halong lungkot sa boses niya nung sinabi niya ito
" why?"
" because I'm a model. This is my work"
" is the company forcing you to do this?"
mabilis siyang umiling
" no no no! the company is nothing to do with this. this is my own choice to loss more weight. actually hindi ko alam kung pano ko pasasalamatan ang daddy mo dahil kung hindi dahil sakanya hindi ko sana makakamit ang kung ano man ang nakamit ko na ngayon"
isang linggo na ang nakalipas at hindi parin umuuwi si Enzo at hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi sakin kung kailan talaga ang uwi niya. habang si kami ni ner or should I say Victoria ay parati ng mag kasama marami na rin siyang naikwento tungkol sa buhay niya kaya mas lalo ko siyang nakikilala
|Evening Valdez Residence|
habang busy kami ni mommy sa panunuod ng korean drama sa living room ay biglang sumulpot si daddy na may hawak na brown envelope
" Dianne look na publish na ang magazine na kung saan yung mga larawan mo ang na sa loob at alam mo ba na maraming gustong kumuha sayo bilang models nila" naeexcite pa niyang sabi sa gitna ng malaking tv namin
" bah umalis ka nga jan sa gitna. nang iistorbi ka eh."
that's my mom!!
"psssh. korean ng korean puro na lang korean hindi ba pwedeng si Dwight naman? tssk!" pag dadrama ni dad bago padabog na umalis
sabay naman kaming napalingon ni mommy sa isa't isa "mommy nagkaroon ata si daddy ngayon. puntahan mo muna baka mapano."
mabilis naman pinatay ni mommy ang tv bago tumayo para habulin si daddy paakyat sa kwarto niya
(sigh)
How I wish magiging katulad nila dad at mommy ang marriage life ko in the future. yung kahit anong bangayan niyo araw araw walang ni isa sainyo ang susuko tsaka tanggap niyo ang isa't isa na hindi na kailangan pang sapilitang baguhin yun
(brrrrr)
Naagaw ang atensyon ko ng biglang nag vibrate ang phone ko
Enzo ? calling
" mabuti naman at napatawag ka? busy ka na naman ba?" mataray kong bungad sakanya. Alam mo bang mag iisang araw kang hindi tumatawag sakin?"
"Im sorry Krystal pagod lang talaga ako" mahinang sagot niya
" Pagod saan? wag mong sabihin nambababae ka? naku naku Enzo mag sabi ka ng totoo sakin wag mo akong lokohin hindi ko alam ang gagawin kapag nalaman kong nag sisinungaling ka sakin"
"ayan ka na naman sa mala machine gun mong bibig eh. *sigh* buksan mo na nga lang yung pintuan niyo"
ding dong
ding dong
o_O gulat akong tumingin sa main door namin
" nag bibiro ka ba?"
hindi siya sumagot sa halip ay panay yung pindot niya ng doorbell namin na parang gusto niya na itong sirain
nag madali naman akong tumakbo.
" ako na ang mag bubukas." sabi ko pa sa katulong na nag mamamadalring papunta sa pinto para buksan yun. agad naman siyang umatras tsaka nag bow muna bago umalis
(open door)
pag bukas na pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Enzo na nakangiti pero halata sa mukha niya kung gaano siya ka pagod
"bakit ka nandito?" naguguluhan kong tanong
"ikaw yung unang tao na gusto kong makita pag uwi ko ng Pilipinas" saka niya ako yinakap ng sobrang higpit
"teka teka Enzo baka makita tayo nila daddy"
sa halip na bitawan niya ako ay mas hinigpitam niya lang lalo ang yakap niya sakin "i miss you Krystal"
hindi ko napansin na dahan dahan napayakap na rin pala ako sakanya
" i miss you too Enzo. Wag ka ng umalis. wag mo na ulit akong iwanan"
__________
Vote Comment BeAfan
Belle?