~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
Kanina maaga akong umalis nang bahay para mapuntahan si Enzo kaso ang sabi ng isang katulong nila ay nakaalis na daw siya.
Gusto ko siyang makausap. Marami akong tanong na gustong itanong sakanya. Gusto kong linawin niya sakin ang lahat ng sinabi niya kagabi
"Asan si Enzo?" tanong ko sa isang estudyante na nakasulong ko nung makarating na ako sa building ng department nila
"Nasa room 6 po siya ngayon"
Habang papunta ako sa roon 6 ay all eyes on me na naman. Pssh! Hindi pa ba sila nasasanay sa kagandahan ko? |flip hair|
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nakaramdam akong pag vibrate ng phone ko kaya dinampot ko yun tsaka sinagot ang tawag ngunit kasabay nun ay nakita kong papunta sa dereksyon ko si Enzo.
Napahinto ako sa paglalakad. Sakanya lang ako nakatingin. Umaasa na ngingiti siya sakin kaso ni hindi man lang niya ako pinansin sa halip ay nilagpasan niya pa ako na parang isa akong ordinaryong tao sa buhay niya.
[Hello Dianne naririnig mo ba ako?]
"Mom pwede bang mamaya na tayong mag usap?" mabilis kong sabi sabay baba ng tawag.
"ENZO!" pag tawag ng pangalan niya ngunit hindi niya ako pinansin patuloy parin siya sa paglalakad
"ENZO MAG USAP TAYO!"
"....."
" arrrrgggghhh! Nakakainis ka na Enzo!" inis na sabi ko
Buong araw ay ganun ang ginawa ko. Sa tuwing vacant ko ay sa building nila ako dumedercho kaso sa tuwing makikita ko naman siya ay palagi na lang siyang umiiwas sa akin.
Kaya naman matapos ang lahat ng klase ko ay nag mamadali akong pumunta ng parking lot kung saan pinark ni Enzo ang motor niya. Naisip ko kasi na doon ko na lang siya aabangan. Alam ko yung oras ng uwi niya kaya sigurado ako na nandun pa ang motor niya
Nung makalapit na ako sa motor niya ay pasimple akong sumandal doon. Alam ko rin naman na maya maya ay dadating din siya..
[ 5 minutes ]
Napatayo ako ng tuwid nung nasilayan ko na si Enzo papunta dito napapansin ko rin na ang daming nakabuntot sakanya. Mapapababae man ito o bakla. At sa nakikita ko sa mukha niya ay alam kong hindi niya ito nagugustuhan nag kukunwari lang siyang nakangiti
Sa oras na tumama ang mga mata namin ay saglit siyang napahinto ngunit siya ulit ang unang umiwas kaya naman ako na mismo ang lumapit sakanya tsaka hinawakan siya sa braso
" Let's talk " using my cold but sincere tone
" pwedeng next time na lang Dianne? Marami pa kasi akong aaralin "
Nakaramdam ako ng lungkot nung tinawag niya akong Dianne. Ito yung unang beses na tinawag niya akong ganun. Krystal kasi yung parating tawag niya sakin
" Next time na naman? Enzo sabihin mo nga sakin kung kailan ang next time na yan? Bukas? Sa makalawa? Sa susunod na linggo? Taon? O wala ka lang talagang balak na kausapin ako" sabay hawak sa braso niya
" hanggang sa masabi mo na sakin na mahal mo rin ako. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ako. Hindi kita pinipilit mahalin ako Dianne ang sakin lang ay kung hindi mo kayang tanggapin ang pag mamahal ko sayo ay mabuti pa sigurong lumayo muna ako sayo yun lang kasi ang naisip kong paraan para mawala itong nararamdaman ko para sayo " tsaka dahan dahan niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
" Magkaganto na lang ba tayo? Paano na yung samahan natin? Matatapon na lang ba yun basta basta? Enzo naman nahihirapan din ako sa sitwasyon natin. Alam mo namang hindi ko kayang malayo sayo hindi ba? Kaya Enzo sana walang may magbago sa samahan natin yung katulad ng dati yung masaya."
nakita ko siyang napangiti kaya parang nakahinga ako ng maluwag dahil sa kaisip isipan ko na merong chance na magkaayos ulit kami kaso bigla na lang nag laho ang kasiyahan kong yun nung muli siyang nag salita
" alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngunit kung hindi ko pa gagawin ito at manatili ako sa tabi mo hanggang sa huli ay masasaktan lang ako. Bilang kaibigan sana tulungan mo rin ako. It takes time pero susubukan ko parin"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay sumakay na siya sakanyang motor tsaka walang pasabing pinaandar yun habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari lalong lalo na sa sarili ko. Natural lang ba ang maging ganito sa kaibigan na nag mumukhang selfish na? Na ang gusto ko lang naman ay ang mag kasama kami parati. Na ayaw ko siyang makahanap ng iba pang kaibigan. Na ang gusto ko lang ay na sakin ang atensyon niya
" arrrrggh!! Ano ba ang nangyayari sakin? Makauwi na nga"
Derecho lang ako sa pag lalakad papunta sa kotse ko. Hindi ko na pinansin ang mga taong nag bubulungan dahil baka sakanila ko ilabas ang sama ng loob ko
~ ~ ~
[ 1:30am ]
Dianne ano ba talaga ang problema? Anong oras na bakit hindi ka pa natutulog? Isang favor lang naman ang hiningi ni Enzo sayo hindi ba? Bakit hindi mo magawa?
" argggh " tumayo na ako tsaka lumabas ng kwarto. Naisip ko kasing uminom ng gatas baka makatulong ito sakin. Ilang oras na kaya ako nakahiga sa kama ngunit hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. Ang ikinataka ko pa ngayon ay sa tuwing ipikit ko ang aking mga mata ay makikita ko si Enzo hindi ko alam kung saan nanggaling yun. Gusto ko ngang ipacheck up tong mga matang to baka meron nang deperensya. Or
can this be love?
Naku naku hindi sabay iling ba
Saktong pag close ko ng ref namin ay merong nag salita " can't sleep?" isang boses babae na ikinabigla ko naman.
" mom! Ginulat mo naman ako" sabi ko nung nakarecover na ako
" im sorry. Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka. Bakit ka pa nandito?" Mommy sabay bukas ulit ng ref at kumuha ng tubig
" i cant sleep " cold na sagot ko sakanya tsaka uminom ng gatas
" may problema ka ngayon no? Kaya hindi ka makatulog dahil sa kakaisip mong yun"
" tssk!" ang tanging naisagot ko. Ayaw kong mag kwento sakanya dahil hindi ako sanay mag open up.
" nag mana ka talaga sakin. Ang ugali, ang pananalita, at syempre ang kagandahan na mula ulo hanggang paa. Kaya alam kong nahihirapan ka ngayon kaso ayaw mo lang ipaalam sa mga taong nasa paligid mo. Tama ako hindi ba?" habang nag sasalita siya ay sa ibang dereksyon siya nakatingin. Nanatili akong tahimik na hinihintay ang susunod niyang sasabihin " Nag tataka ka siguro ngayon kung pano ko nalaman. Naransan ko rin yan anak. Na kahit mga kaibigan ko ay nagawa kong mag sinungaling sakanila dahil ayaw ko silang madamay na gustong mag isang haharapin ang problemang yun. Ngunit napagalaman ko na sa panahong pumasok na sa buhay mo ang malaking problema ang unang una mong lalapitan ay ang taong malalapit sayo dahil yun din lang ang mga taong tutulungan ka. Hindi ka pa ba aakyat?" tanong pa niya sakin nung naubos niya na ang tubig na kinuha niya kanina
" mommy pwede ba tayong mag usap?" sabi ko
Nakita ko siyang ngumiti "sure baby. Tungkol saan ba?"
" tungkol po kay Enzo. Pwede po bang sa taas tayo mag usap?"
Nung nabanggit ko ang pangalan ni Enzo ay mas lalong lumapad ang ngiti ni Mommy
" sure why not"
~ ~ ~
" tell me anong problema?" pag simula ni Mommy nung makarating kami sa kwarto ko
" si Enzo po kasi. Nung nakaraang araw ay umamin siya sakin"
"Umamin na?"
" *sigh* na mahal niya daw po ako. Not just a friend but more than a friend"
" really? Mabuti kung ganun. Mas mapapanatag ako kung siya ang makakatuluyan mo. He's a nice guy kaya sigurado ako na hindi ka niya sasaktan. But what's the problem sweetie?"
" the problem is hindi ko po siya mahal katulad ng pagmamahal niya sakin. I do love him as a friend but more than that I dont think so. Gusto niya pong subukan ko siyang mahalin higit pa sa kaibigan but I refuse kaya po siya umiiwas sakin ngayon. Sabi niya po kasi kapag hindi pa siya lalayo sakin ngayon ay baka sa bandang huli ma sasaktan lang daw siya. Pero hindi ko po kayang magkaganito kami. Hindi ko po kayang malayo si Enzo sakin and the way he treats me as a stranger hindi ko po yun gusto. Mommy sabihin mo sakin ano ba ang dapat kong gawin. Naguguluhan na po ako"
"Anak hindi natin masisisi si Enzo kung bakit ka niya nilalayuan. He is just protecting his self and your friendship. Alam mo ba na isa sa pinakamasakit na mararanasan mo kung mag mahal ka ay ang rejection mula sa taong minamahal mo. Kaya just be patient to wait for him I know na ayaw niya rin masira ang friendship niyo ng dahil lang dito kaya nga humahanap siya ng paraan hindi ba? Matalino si Enzo kaya alam niya ang ginagawa niya. Mag tiwala ka lang anak"
" *sigh* hanggang kailan mom? Hanggang kailan ko siya hihintayin"
" next week? Next month? Next year? Hindi ko alam anak. Dahil ang nakakaalam lang sa sagot na yan ay si Enzo. Pero may alam akong paraan kung paano kayo magkaayos kaagad"
" ano yun?" agad na tanong ko. Gagawin ko kasi ang lahat magkaayos lang kami ni Enzo
" try to open your heart for him anak. He is a material boyfriend at alam mong iilan na lang sila ang natitira dito sa mundo. Tutal nasa wastong edad naman kayo para sa ganyang bagay wala naman sigurong masama hindi ba andtry to think of it kung bibigyan mo siya ng pagkakataon wala ni isa sainyo ang masasaktan hindi katulad sa sitwasyon niyo ngayon pareho lang kayo ang nasasaktan at nahihirapan and worst baka masira na talaga ang pagkakaibigan niyo habambuhay. But again at the end of the day it is still your choice. me and your dad will just stay in your side to support you."
" . . . "
"Anak wala ka ba talagang nararamdaman para kay Enzo. Kahit konti lang?"
" mommy!" suway ko sakanya. Kung anu ano kasi yung sinasabi > _ Patay inlove na talaga ata ako!!
[ kinabukasan sa bahay nina Enzo ]
" Enzo!!"
" Enzo!" pag tawag ko sa pangalan niya
" good morning po ma'am Dianne" sulpot ng isang katulong
" na saan si Enzo?"
" na sa airport po silang lahat"
" ano? Anong ginagawa nila dun?" gulat na sabi ko
" pupunta daw po sila sa States"
Sh!t
Dali dali akong lumabas at pumunta sa kotse.
No!
No!
No!
Hindi ako papayag na umalis si Enzo ng ganito na lang
Nung makapasok na ako ng kotse ko ay agad kong minaneho ng mabilis
Calling Ella~ ~
[ hello ate napatawag ka? ]
" asan kayo ngayon?"
[ nasa NAIA po. Bakit? ]
" what time yung flight niyo? Saan kayo pupunta? Asan kuya mo?" sunod sunod kong tanong
[ mamayang 10 am po. Sa California kami pupunta. Nandito po siya natutulog gusto niyo po bang gisingin ko siya? ]
Time check 8:50am
Tssk!
" hintayin niyo ako. Papunta na ako jan"
[ ate bakit? May ...] hindi ko na siya pinatapos nung ibinaba ko ang tawag. Hinagis ko muna sa passenger seat ang phone ko bago ko mas lalong binilisan ang pag mamaneho
9;51 am na nung makarating ako ng airport. Wala na akong sinayang na oras sa pag hahanap sakanila. Dahil kung hindi ko pa siya makakausap ngayon hindi ko na alam kung kailan ulit ako makakakuha ng lakas ng loob makausap siya
Takbo dito
Takbo doon
Tingin sa paligid
Kahit anong gawin ko hindi ko talaga sila makita. Mas lalo akong nahihirapan dahil sa dami ng tao na nandito ngayon
Tingin sa kaliwa
Tingin sa kanan
" ENZO!!!!" sigaw ko. Wala na akong maisip na solusyon kundi ang isigaw ang pangalan niya. At dahil sa pagsigaw ko na yun ay madami akong nakuhang atensyon at sa hindi kalayuan ay may napansin akong isang pamilya na papasok sa gate 1 kaya mabilis akong tumakbo papunta dun
" ENZO!" sigaw ko ulit. Sa wakas ay narinig na nila ang boses ko kaya huminto sila sa pag lalakad at hinanap kung kanino galing ang boses na yun
ㅇㅅㅇ reaksyon nilang apat nung napansin nilang tumatakbo ako papunta sakanila
Nung makalapit na ako kay Enzo ay agad akong napahawak sa kamay niya " *hinga* kailangan *hinga* nating *hinga* magusap" nahihirapan kong sabi. Sobrang na hihingal kasi ako sa kakatakbo
" okay ka lang ba? Bakit ka nandito "
" teka teka break time muna tayo." Nakita kong sumenyas siya kila tita Patricia na mauna silang pumasok
" Dianne mauna na kami. Enzo sumunod ka na lang" pag paalam ni tito sakin. Tumayo naman ako ng maayos tsaka ako ngumiti sakanila
Hinintay ko munang umalis sila ng tuluyan bago ako muling nag salita " Saan kayo pupunta? Kailan kayo uuwi. Bakit hindi mo sinabi ang tungkol dito? O wala ka lang talagang balak sabihin sakin na aalis na pala kayo. Iiwanan mo na ba talaga ako? Pano kung hindi ako pumunta sa bahay niyo kanina edi hindi ko man lang na sabi sayo ang gusto kong sabihin *sob*" pinalopalo ko yung dibdib niya " Akala ko ba mahal mo ako *sob* bakit ang dali mong sumuko? Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ako mahal? *sob*" tiningan ko siya derecho sa kanyang mga mata "Huli na ba ako?"
" anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong
" tinatanong kita kung huli na ba ako? Huli na ba akong sabihin sayo na mahal din kita? Na hindi ko kayang malayo ka sa tabi ko. Na parang mababaliw na ako sa kakaisip sayo. Na kung pwedeng wag mo na akong iwasan at iwanan at manatili sa tabi ko?"
"..."
nakatingin lang ako sakanya ngunit nanatili siyang tahimik " I get it. Naiintindihan ko naman eh. Sige pumasok ka na baka maiwan ka pa ng eroplano" sabi ko with a fake smile tsaka mabilis na tumalikod sakanya.
nabigla ako ng may humawak sa kamay ko tsaka sapilitang pinaharap sakanya at agad na niyakap na mahigpit
" Alam mo bang ilang gabi din akong hindi makatulog sa kakaisip sayo. Kung alam mo lang Krystal kung gaano kita na miss. I miss you so much at wag kana ulit umiyak dahil nasasaktan din ako" tsaka mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sakin. Ganun din naman ako napayakap na rin naman ako sakanya
________________________________
Vote. COmment. Share. BeAFan