~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
Kailan naging sementeryo ang East high?
Na sabi ko nung nag lalakad ako ng campus. Pano ba naman kasi halos lahat ng tao may mga hawak na bulaklak, balloons o di kaya cake. Mapa babae man o lalaki.
Psssh!! Waste of time and money. Halata naman na nag papapogi points lang ang mga lalaki sa mga nagugustuhan nilang babae.
Kung mahal talaga nila ang isa't isa bakit pa nila hihintayin ang valentines day kung pwede naman nila araw arawin.
Surprise dito
Surprise doon
Kung pumunta kaya ako ng control room at iaanounce sa buong campus na may bomba sa loob? Siguradong lahat sila ay ma susurpresa ^___^
"Krystal!!" Narinig kong may tumawag sakin kaya hinanap ko kung kaninong boses yun. Nakita ko si nerd na tumatakbo papunta sakin
Hindi ko yun pinansin sa halip ay pinatuloy ko na lang ang aking pag lalakad pero this time binagalan ko lang ng konti
"Happy Valentines day" masiglang bati niya sakin nung maabutan niya ako ngunit hindi ako sumagot.
Ewan ko nga kung bakit mukhang hindi na siya natatakot sa akin. Kinakausap niya na ako kapag gusto niya o hindi kaya nag bibitaw siya ng mga jokes na siya lang ang nakakaintindi nun.
"Saan ka mag dedate mamaya?" tanong pa niya
Napahinto ako sa pag lalakad tsaka ko siya hinarap "sa sementeryo. Sasama ka?" seryoso kong sabi
"Hehehe. Joke lang. Ikaw naman hindi na ma biro. Hehehe. Tara Krystal bilisan na natin baka malate pa tayo sa susunod nating klase" pagkatapos niyang sabihin yun ay nag iwas tingin siya sakin tsaka mas binilisan niya yung kanyang lakad
Psssh! Takot pa din pala
Napailing ako ng wala sa oras
Huminto ako sa pag lalakad ng ilang saglit dahil pumasok na naman sa utak ko yung sinabi ni Enzo sakin
Be his date?
Arggghh!!
Bakit ba ako na didistract sa sinabi niyang yun?
At bakit nag eexpect naman ako dun sa magiging date namin?
Ay ewan!! Parang maloloka na talaga ako sa sinabi niya
-__^
Automatic na napataas kilay ako nung makapasok ako ng classroom. Direderecho ako ng lakad papunta sa aking upuan
"Anong meron? Kung makangiti kayong lahat parang sinapian kayo" tanong ko using my famous cold tone
Wala naman talaga akong pakealam kung masapian o hindi kaya mabaliw silang lahat. Ang sa akin lang parang may mali sa mga ngiting yun. Parang may nangyari sakanila na hindi ko alam and I dont care. Sino ba sila??
Pssh!
Makatulog na nga lang. Wala na rin naman akong mapagtripan dito tsaka ang boboring naman nila kausap.
~ ~ ~
(Poke)
(Poke)
Sino na naman ang asungot na ito na nang iistorbo ng mahimbing kong tulog? Ilang minuto pa lang nung yumuko ako. Ni hindi pa nga ako nakaidlip .
(Poke)
Arrrgghh!
Kasabay ng pag bangon ko ay ang malakas na pag hampas ko sa aking desk. Na ikinagulat naman ng hindi ko kilalang babae sa harapan ko na sa tingin ko ay siya ang kumakablit sakin.
"Pasensya na po sa pag istorbo ng tulog niyo. Napag utusan lang po na ibigay ko raw ito sayo" sabay abot ng isang white rose saakin
"Anong akala niya sakin? Isang mahal na berhen na binibigyan ng bulaklak kung kailan niya gusto? Hindi ko tatanggapin yang cheap naA bulalak na yan. Sabihin mo sa taong umutos sayo na kung may ibibigay siya, siya mismo ang mag bigay hindi yung iutos na lang kung kanikanino. At sa susunod wag kang mang istorbo ng natutulog na tao kung ayaw mo masaktan. Naiintindihan mo ba?"
"Ah opo. Naiintindihan ko po. Pasensya na hindi na mauulit" saka siya mabilis na umalis sa harapan ko. Napansin kong kahit wala na yung babae na yun ay merong mga mata parin ang nakatingin sakin
"Kung meron man akong mahuli na nakatingin sakin lagot kayong lahat!" pagpaparinig ko sakanila bago ulit yumuko para makatulog
Mga tao talaga sobrang nakakastress!! Mas nakakastress pa sila kesa sa mga minor feeling major subjects namin!
Wala pang limang minuto ay meron na namang kumablit sakin
(Poke)
(Poke)
> _
"Saan banda ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan? Ha?? Sinabing ayaw ko ng istorbo sa pagtulog hindi ba?" galit na sabi ko kung sino man ang kumablit sakin. Hindi ba siya nakakaintindi ng salitang tagalog? Gusto pa ba niyang itranslate ko sa english yung sinabi ko??
Pssh!!
"woah take it easy Dianne. Ako to si Alex" sabi niya
Lord pwede niyo na po ba akong kunin?? Gusto kong mabura sa harapan niya ngayon. As in now na!!
"(laugh) now I know kung bakit ganun ang reaksyon ng inutusan pag labas niya ng classroom niyo. Nakakatakot ka pala talaga"
"Ikaw ang umutos sa babae?" nauutal kong tanong
Nakangiti siyang tumango sakin " kaso ayaw mong tanggapin kaya ako na mismo ang lumapit sayo " sabay abot ng isang bouquet of roses na hindi ko alam kung saan nanggaling "happy valentines day Dianne. Will you be my date?"
Will you be my date?
Same question but different person and maybe different feeling?
~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~
Kung anong bagal ng lakad ko papunta sa classroom ni Krystal ay yun naman ang kinabilis ng t***k ng puso ko. Na parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa bilis ng pag t***k ng puso ko.
"Hi Enzo"
"Para kanino yang bulakak na yan?"
"May girlfriend na ba siya?"
Mga usap usapan ng mga babae na naririnig ko habang nag lalakad ako
Isang white rose lang naman yung dala ko na merong nakalagay na address. Address kung saan kami mag didinner mamaya.
Nung nasa tapat na ako ng classroom nila ay napahinto ako sa kinatatayuan ko.
Si Krystal ba yang babaeng nakangiti sa loob?
Ngayon ko lang nakita yang mga ngiti na yan sakanya. Mga ngiting abot hangang sakanyang mga mata.
Ang masaklap lang dun ay hindi ako yung lalaking makakagawa nun kung hindi si kuya Alex lang.
Totoo nga yung sabi nila na kapag nasasaktan ka sa nakikita mo kusa na lang gumagalaw yung katawan mo. Katulad ngayon. Hindi ko alam pero parang kusa na lang ako napaatras at dahan dahan tumalikod habang mahigpit na hinawakan ang isang rosas
~ ~ ~
[6:30 pm]
Ano ka ba Enzo wag ka ngang pranning jan. Pupunta si Krystal. Napagkasunduan niyo na ito hindi ba? Kaya susulpot siya
Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin. Pagkatapos kasi ng klase ko ay derecho uwi na ako para makapag bihis. Medjo napatagal nga ako sa pag pili ng isusuot ko eh. Hindi ko kasi alam kung anong isusuot ko dahil first time kong makipagdate no.
"Hey kuya saan lakad mo? Mukhang bihis na bihis ka ah. May date ka ba?" Sunod sunod na tanong sakin ni Ella nung nakita niya ako pababa ng hagdan
Ngunit wala akong balak sagutin yun dahil alam ko naman na sa oras na sagutin ko yun ay hindi na matatapos ang kakatanong niya sakin
"pag dating nila mom sabihin mo na gagabihin ako ng uwi at wag niya na akong hintayin pa."
"Saan nga yung punta mo?" pag ulit niya
"Basta. Alis na ako"
20 minutes lang yung biyahe papunta sa restaurant kung saan kami mag kikita ni Krystal.
Maliit na restaurant lang siya ngunit sobrang ganda ng ambiance ng lugar.
"Excuse me. Pwede bang isabay niyo po ito sa pag serve mamaya?" sabay abot ng maliit na box sa isang staff na nasa front desk
"okay po sir"
"salamat" nakangiting sabi ko tsaka lumakad na papunta sa kung saan kami uupo ni Krystal
[10 minutes]
[20 minutes]
"sir may I take your order?" tanong sakin ng isang waiter
" juice please"
" okay sir"
Baka na traffic siya kaya late. Mag antay ka lang jan Enzo. Dadating din yan
[3 hours and 30 minutes]
"another juice sir?"
"no thanks." tumayo na ako tsaka kinuha ang pinaka ko at kumuha ng 1000 peso bill "keep the change"
mabilis akong lumakad palabas ng restaurant ngunit merong humabol sakin na isang crew
"sir naiwan niyo po" sabay pakita ng maliit na kahon na ibinigay ko sakanya kanina. Kinuha ko naman yun tsaka lumakad na ulit papunta sa motor ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magagalit ba ako kay Krystal dahil sa hindi niya pagsipot sa usapan o kausapin muna siya at tanungin kung bakit siya hindi nakapunta
Nung makarating na ako sa parking lot ay agad ko tinawagan si Krystal. Matagal pa bago niya yun sinagot
"hello Enzo napatawag ka?"
"Asan ka??"
"Nasa mall ako ngayon. Bakit?"
"Sinong kasama mo?"
"Si kuya Alex. Ayaw ko sanang."
Hindi ko na pinatapos ang dapat niyang sabihin nung binaba ko ang tawag
So kaya siya hindi nakapunta dahil kasama niya si Alex na yun??
Damn!!!
Sumakay na ako ng motor at mabilis na pinatakbo ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko ngayon ay makahanap ako ng lugar kung saan pwede kong ilabas itong sama ng loob ko.
~ ~ ~*Krystal's Pov*~ ~ ~
"Dianne wag mong kalimutan yung sinabi ko sayo." kuya Alex
tumango ako sakanya " salamat sa pag hatid. Mag ingat ka. Pasok na ako"
nakangiti siyang tumango
nung makarating na ako ng kwarto ko ay agad akong humiga habang tinitingnan yung binigay sakin ni kuya Alex na singsing. Kahit ako nga naguguluhan kung bakit niya ako binigyan ng singsing. Idagdag mo pa na parang mababaliw na talaga ako sa kakaisip. Alam ko naman na crush ko si kuya Alex pero bakit ganun? Bakit hindi parin ako masaya. Hindi ba kapag nasa harapan mo na yung crush mo ay kikiligin ka o hindi kaya papasok yung slow motion?
Arggh!!!!
Makaligo na nga para mabawas bawasan naman tong iniisip ko
Ngunit hindi pa nga ako nakapasok ng banyo ay merong tumawag sakin. Agad kong kinuha yung phone ko at napag alaman ko na si Ella kapatid ni Enzo ang tumawag sakin
"Hello Ella napatawag ka?"
"Ate kasama mo ba si kuya?"
"Si Enzo? Hindi bakit?"
"Aisssh! kuya saan ka ba pumunta?" narinig kong bulong niya sa kabilang linya
"Hello Ella bakit anong nangyari kay Enzo?" nag aalalang tanong ko
"Ate hindi ko pa po alam. Pero kanina tumawag siya sakin ang sabi hindi po siya makakuwi ngayon. Ate pakiramdam ko merong nangyari sakanya. Hindi naman po siya yung tipong matutulog kung kanikanino. At mukhang lasing po siya nung tumawag siya sakin kanina. Natatakot po ako baka kung anong mangyari. Motor niya lang po kanina ang ginamit niya"
"Teka wag kang mag isip ng masama. Saan daw ba siya pupunta kanina?"
"Hindi niya po sinabi. Pero mukhang may kadate po siya"
Will you be my date?
Ang tanga mo Krystal. Bakit mo nakalimutan yun
"Hello Ella. Mag usap na lang tayo mamaya. Sa ngayon hanapin muna natin ang kuya mo. Okay?"
"Okay po ate"
[End of Convo]
~ ~ ~
pagkapark ko ng sasakyan ko ay agad akong tumakbo papasok sa resstaurant kung saan tinext sakin kanina ni Enzo ang address
"Excuse me. Matanong ko lang kung pumunta ba siya dito?" sabay pakita ng picture ni Enzo
"Yes po ma'am kaso umalis na po siya kanina pa. Mukhang hindi po siya sinipot ng kadate niya" sabi ng staff na nasa front desk
pag kasabi niyang yun ay nag madali akong lumabas ng restaurant tsaka tumakbo pabalik sa kotse ko.
Enzo na saan ka?? Hindi ko alam kung makakaya pa kitang harapin kapag merong masamang mangyari sa iyo
After 2 hours nang pag mamaneho ko ay napahinto ako sa harap ng isang bar dahil nakita kong nakapark dun ang motor niya Enzo. Ngunit bago ako bumaba ay tinawagan ko muna si Ella na pumunta dito
"Hey Sexy!"
>_
Kaya nga hindi ko gusto ang mga ganitong lugar dahil ang babastos ng mga tao dito. Atsaka yung suot ng mga babae aakalain mong naubusan ng tela dahil sa ikli at nipis ng damit nila na kita yung kaluluha
Enzo na saan ka?
Hanap dito
Hanap doon
Ang hirap naman makagalaw dito dahil sa dami ng mga tao idagdag niyo pa yung ingay
Teka si Enzo yun ah!!
Nakita ko siya nakaupo sa isang corner na medjo malayo sa kinatatayuan ko ngayon. Kahit na hirapan ako sa paglakad dahil sa siksikan ay nagawa ko paring makalapit sakanya
"Enzo tama na yan. Kailan ka pa natutunong uminom ha?" pasigaw kong sabi sakanya. Malakas kasi yung music kaya sigurado akong hindi niya ako maririnig kapag binulong ko lang yun sakanya
Akamang kukunin ko yung bote na ininum niya kaso mabilis niya yun iniwas sakin saka niya ako tiningnan "bakit ka nandito? Alam mo bang delikado ka dito?"" tanong pa niya
Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harapan niya lang
"Sinusundo ka. Alam mo namang delikado dito eh. Bakit ka pa dito pumunta?"
"Kaya ko ang sarili ko Krystal. Umuwi ka na baka kung ano pa ang mangyari sayo dito." sabi niya tsaka siya uminom ulit ng alak
"Sinabi nang tama na yan. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama. Kung meron kang problema pag usapan natin ito sa ibang lugar. Hindi makakatulong yang alak na yan sayo"
(Booggssh)
Nagulat ako ng malakas niyang binaba yung alak niya tsaka tumingin ng derecho sa aking mga mata
"Pwede ba Krystal pa bayaan mo ako. Umuwi ka na!" galit na sabi niya
"Kita mo lasing ka na Enzo. Delikado sayo kung mag mamaneho ka" tumayo tsaka hinawakan ko yung braso niya ngunit umiwas ulit siya sakin
"Ano bang nangyayari sayo Enzo. Bakit ka nagkaganito? Ano ba talaga ang problema mo ha? Hindi ba natin pwedeng pag usapan ito? Hindi ba sinabi natin sa isa't isa na kapag may problema ang isa ay dapat natin yun pag usapan? Hindi ba magkaibigan tayo?"
"Yun nga ang problema Krystal eh. Mag kaibigan tayo at kahit kailan hindi na mag babago ang tingin mo"
I was caught off guard dun sa sinabi niya
"Anong ibig mong sabihin?"
Nakita ko siyang napailing saka uminom ulit. Dahan dahan naman akong umupo ulit sa harapan niya
" bakit hindi ka sumipot kanina?" Seryosong tanong niya
"Niyaya kasi ako ni kuya Alex kanina mamasyal. Hindi naman ako makatanggi kaya sumama na lang ako" pag explain ko
"Kaya nakalimutan mo yung kasunduan natin?"
"Hindi sa ganun. Akala ko kasi nag bibiro ka lang dun sa sinabi mo sakin"
" *smirk* Krystal kababata kita hindi ba? Kilala mo ako. Seryoso ako sa lahat na mga sinasabi ko." *inom*
Napayuko na lang ako. Hindi ko siya kayang tingnan ngayon dahil ito yung unang beses na nagkaganito si Enzo.
"4 hours Krystal 4 hours" tumingin ako sakanya na kasalukuyan ay nasa bote lang siya ng alak nakatingin "alam mo bang apat na oras kitang hinintay dun?"
"Sorry" yan lang ang kaya kong sabihin sakanya ngayon
" ang sama mo. You're so cruel Krystal" tahimik akong nakikinig sakanya
" bakit hinayaan mo akong mahalin kita ng sobra sobra.
Simula bata pa lang tayo nanjan na ako sa tabi mo. Walang araw na hindi tayo magkikita. Kahit ngayon naalala ko parin yung una kitang nakita na may tagos sa iyong pajama. Ngunit bakit ganun? Minahal parin kita hindi bilang kaibigan kung hindi bilang ikaw Dianne Krystal Valdez
Nung pumunta tayo sa isang event dun ko narealize na maganda ka pala. Pagkatapos nun araw araw ko ng pinapakita sayo ang tunay kong nararamdaman. Hindi mo ba napansin na parati akong nag aaral sa tuwing nasa bahay ako? Hindi ka ba nag tataka kung bakit alam ko yung mga lessons mo kahit na sobrang layo naman ng Bussiness Courses sa Medical Courses?
Pero heto si Alex bigla na lang pumasok sa buhay natin. Ilang buwan pa lang kayo magkakilala ay nagawa ka na niyang pangitiin na kahit kailan ay hindi ko nagawa.
Siguro kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin
But I like you.
I wanted you to like me not as a friend but as a man
Anong gusto mong gawin ko Krystal?"
Hindi parin ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sakanya. Ayaw ko siyang masaktan sa magiging desisiyon ko na kahit ako mismo ay hindi ko alam ang tunay ko nararamdaman.
" KRYSTAL SABIHIN MO SAKIN KUNG ANONG DAPAT KONG GAWIN?"
and that's it ! Lumabas sa mga mata ni Enzo ang matagal ko nang hindi nakikita. Ummiiyak siya. Hindi ko na maalala yung huli ko siyang nakitang umiiyak. Hindi ko magawang punasan ang mga yun dahil alam ko na ako yung rason kung bakit siya umiiyak ngayon
ilang saglit ay pinunasan niya na ang kanyang mukha saka siya tumayo at iniwan na lang ako dun na mag isa ng walang pasabi
[5 minutes]
sa oras na tatayo na sana ako ng may napansin akong isang kahon na nakapatong sa table ni Enzo.
Nung tiningnan ko ang loob nun ay pumasok ka agad sa isipan ko na
Ang sama mo talaga Krystal. Ang sama sama mo talaga. Bakit mo nagawa sakanya ito?
_______________________________________
Vote. Comment. Share. BeAFan