11

2330 Words
~ ~ ~*Dianne*~ ~ ~ Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng mga mata ko. Idagdag niyo pa na namamaga ito sa kakaiyak kagabi. Pesteng mga luha kasi yun hindi tumigil sa kakalabas. Mabuti na lang at maganda ako kaya kahit anong mangyari ay magandang maganda parin ako Pagkatapos kong ayusin yung sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko ay nakita ko sila dad tahimik na kumakain ng breakfast. Hindi ko sila pinansin derederecho lang ako sa paglalakad napahinto lang ako nung narinig ko ang pag tawag ni daddy ng pangalan ko. "Dianne samahan mo kaming kumain ng mommy mo. Niluto niya ang paborito mong bacon n ham" Paglingon ko ay si mommy yung unang tiningnan ko and as I expected wala kang kahit anong emosyon na makikita sa mga mata niya. "No thanks. Sa school na lang ako kakain" walang gana kong sagot tsaka tuluyan ng lumabas ng bahay. Alam ko na ginagawa lang ni dad ang lahat para maayos ang lahat pero hindi parin maalis sa aking isipan kung pano sinisi sakin ni mommy ang lahat kagabi na parang ako yung may kasalanan ng lahat. Pagpasok ko ng kotse ay pinatakbo ko ka agad ang kotse ko. Kapag tumagal pa ako dito sa bahay mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko ayaw kong ipakita sa mga magulang ko na mahina ako. Ayaw kong makita nila na nahihirapan ako sa sitwasyong to Lahat ng humaharang sa dinadaanan ko ay tinutulak ko mapa babae man o lalaki. Hindi naman sila makareklamo dahil wala rin naman silang magawa dahil ako ang batas dito. Pero nag hihintay parin ako na may kumontra sakin para mailabas ko tong sama nang loob ko. "Well well well. Kung minamalas ka nga naman" nakacross arms na sabi ni Anne sa harapan ko Tingnan mo tong babae na to akala mo kung sinong maganda eh mukhang unggoy naman. Malakas kong sinara yung locker ko para matakot siya. Hindi naman ako na dismaya sa naging reaksyon niya dahil nagulat siya sa ginawa ko at parang nanigas siya sa kinatatayuan niya pero agad niyang binalik ang mataray niyang mukha na hindi naman bumabagay sakanya dahil panget siya. "Wag mo akong pangunahan Anne baka sa huli pagsisihan mo lang yun. Kilala mo ako hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko nauubos yang buhok mo sa ulo" cold tone with a death glare kahit gusto ko na siyang sapakin ay pinipigilan ko yung sarili ko dahil kawawa naman kung masira ko pa ang pangit niyang mukha Marami na akong naririnig na mga bubuyog dito. Syempre sino ba naman ang hindi makikichismis sa panget ba naman ng kausap ko ngayon "Akala mo matatakot mo ako?? Pwes nag kakamali ka. Hinding hindi ako mag papatalo sayo" "Ok sabi mo eh" walang gana kong sagot. Sabay talikod sakanya. Wala ako sa mood para makipaglaro sa kalokohan niya pero kung pipilitin niya ako why not naman hindi ba?? Sayang naman tong ganda ko kapag hindi maeexpose sa marami "Wag ka ngang bastos kinakausap kita!" sabi niya sabay hawak sa balikat ko tsaka pwersahang pinaharap niya ako sakanya. Saktong pag harap ko sakanya ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko bilang regalo. "Sinabihan na kita hindi ba?" cold na sabi ko "saang banda ba sa sinabi mo yung hindi mo naintindihan?" *pak* isang sampal din ang binitawan niya na hindi ko nagustuhan "saang banda din ba sa sinabi ko ang hindi mo naintindihan?" Tiningnan ko siya ng sobrang sama. Sinampal ko siya ng sobrang lakas tsaka sinabunutan. "Gusto mo talagang masaktan no?" Sabi ko pa sabay hila ng buhok niya para mas lalo siyang masaktan "Aray Dianne bitawan mo ako" Binitawan ko siya tsaka inaayos ang uniform ko "Mag pasalamat ka at ganyan lang inabot mo sakin. Sa susunod mag ingat ingat ka na sa kakalabanin mo dahil hinding hindi na kita papakawalan" Sabay talikod sakanya. Ayaw kong mag sayang ng oras ng dahil lang sakanya. "Walang hiya ka Dianne!" Narinig kong sigaw niya "Sige subukan mo siyang saktan dahil ako mismo ang makakalaban mo" may pananakot akong naririnig sa boses niya. Hindi ko alam kung kaninong boses yun dahil nga nakatalikod na ako pero sigurado ako na boses lalaki ito. "Kuya Alex?" Mahinang sabi ko paglingon ko. Siya yung lalaking pumigil kay Anne. Hindi ako makapiwala na nandito siya. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon. Hindi sa takot kundi sa hiya at kilig dahil nandito si kuya Alex ngayon. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Napansin ko na parang namumutla si Anne ngayon. "Sa oras na gawin mo ulit ito kay Dianne hinding hindi ako mag dadalawang isip na saktan ka kahit babae ka pa" pagbabanta niya bago ako hinarap "let's go" bulong naman niya sakin sabay hawak sa braso ko tsaka hinila paalis dun Nung nakalayo na kami ay saka niya lang binitawan yung braso ko tsaka siya humarap sakin. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihin niya sakin. Yan naman kasi ang parating ginagawa ni Enzo sa tuwing may gulo akong pinapasukan parati niya akong pinapagalitan. Laking gulat ko na lang nung nagsalita siya "Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya "Huh?" nasabi ko na lang "Ang sabi ko okay ka lang ba?? Hindi ka ba nasaktan?" Sa oras na pumasok na sa isip ko ang lahat na sinabi niya ay mabilis akong umiling "okay lang ako" pagkatapos ay ngumiti ako sakanya. Nakita kong ngumiti rin siya sakin sabay ayos ng nagulo kong buhok. "Sa susunod wag kang makikipag away tawagan mo ako kaagad kung meron man dahil ako mismo ang haharap sakanila." napangiti ako sa sinabi niya sabay iling "hindi mo pa nga ako kilala kuya Alex" "Hmm. Krystal Dianne Valdez ang nag iisang anak nina Mr Dwight Valdez at Mrs Coleen Robles. Wala sa vocabulary mo ang salitang pag-aaral. Mahilig ka pumasok sa gulo tsaka masaya ka sa tuwing may sinasaktan kang tao" "Mukhang niresearch mo talaga yung biography ko sa wikipedia ha" "Thanks to Enzo dahil nalaman ko ang lahat ng to" "Pssh! Sige una na ako" pag paalam ko. Ayaw kong marinig ang pangalan niya ngayon dahil hindi parin maalis ang galit ko sakanya. Sinungaling!! Katulad din siya ng ibang mga lalaki "Okay. Wag mong kalimutan na sabay tayong mag lulunch mamaya. Hihintayin kita" Hindi na ako nag abala pang sumagot sakanya derecho lang ako sa pag lalakad. Pag dating ko ng classroom ay busy na yung bunganga ng prof sa pag didiscuss ng kanyang lesson. FASTFORWARD ▶▶▶▶▶▶ Nagising na lang ako nung naramdaman ko ang kamay ni Vicky sa balikat ko "Dianne gising ka na. Heto na yung notes na pinakopya satin ni sir" sabay abot ng isang notebook sakin. Agad ko naman ito kinuha at pinasok sa bag ko "sige mauna na ako" paalam niya bago lumabas ng kwarto Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas. Anong kaguluhan to? Sabi ko sa sarili paglabas ko ng classroom. Kailan pa naging zoo ang university na to?? Pano ba naman kasi sobrang dami ng babae na nandito at sobrang ingay nila. Yung parang ngayon lang nakalabas ng kulungan. Hindi ko na lang sila pinansin patuloy lang ako sa pag lalakad ng bigla kong naalala si kuya Alex. Shocks!! Nakalimutan ko sabay pala kami mag lulunch ngayon. Anong oras na ba?? Naku lagot baka kanina pa yun nag hihintay sakin. Dali dali kong hinanap yung phone ko nung nahanap ko na ito ay agad ko siyang tinawagan. Nakailang rings pa lang ay sinagot niya na ito "Kuya Alex pasensya at na late ako. Na saan ka?" "Tumingin ka sa likuran mo" Kahit na naguguluhan ako sa pinagsasabi niya ay tiningnan ko parin ang likuran ko. ㅇㅅㅇ Pag lingon ko ay nakita ko siya na nakangiti binaba niya muna yung tawag bago siya nag wave sakin. Habang ako naman ay nanatiling gulat sa nangyayari. Alam kong hihintayin niya ako pero hindi ko naman aakalain na sa labas talaga ng classroom niya ako hihintayin. At siya pala yung dahilan kung bakit nag wawala ang mga babae dito. "Hey!" hindi ko napansin dahil sa pag iisip ko na nasa harapan ko na pala siya "Hi" "Tara" "Kuya kanina ka pa ba nag hihintay sakin doon?" tanong ko sakanya habang nag lalakad papunta sa parking lot ng university. "1hr and a half I think?" "What?? Bakit hindi mo ako tinawagan kaagad?" "Gusto kitang isurprise kaso mukhang ako ang na surprise sa mga babae doon sa department mo. Ang dami pala" "Wala bang mga babae sa department niyo?" "Meron din pero first time ko atang maranasan na ako yung dahilan kung bakit nag kakagulo ang mga babae. Sa tingin ko dapat ko ng sanayin yung sarili ko sa ganoong eksena" "Maswerte ka at mga babae lang ang nandun. Pano na lang kung nakita ka ng mga bading?? Sigurado ako na nirape ka na nila" "Wag po" biro niya sabay yakap ng kanyang sarili napatawa na lang ako sa ginawa niya. "Nice car" pag puri ko nung makarating na kami sa kotse niya "Thanks" sabay bukas ng pinto ng passenger seat Pero bago ako pumasok ay nilibot ko muna ang paningin ko. Pakiramdam ko kasi may sumusunod samin. Yung parang pinagmamasdan niya kami ni kuya Alex "Dianne bakit?? May problema ba??" nag aalalang tanong sakin ni kuya Mabilis akong umiling sabay sabi sakanya ng walang problema tsaka pumasok ng kotse niya. Kahit na nakapasok na ako sa kotse ni kuya ay panay parin ang tingin ko sa labas. FASTFORWARD ▶▶▶▶▶▶ Pabalik na kami ng University ni Alex at sobrang tahimik namin pareho ni isa samin ay ayaw mag salita. Naging awkward kami pareho simula nung nag tapat siya sakin. Opo nag tapat siya sakin kanina walang halong biro. Kahit ako nga hindi makakapaniwala sa mga sinabi sakin ni Alex kanina Flashback ← ← ← Tapos na kami pareho ni kuya kumain. Sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala na malapit lang naman sa University. Napag alaman ko rin na masaya rin pala siyang kasama marami siyang jokes tsaka pick up line na baon. Kaya habang kumakain kami ay panay yung tawa ko sakanya "Nga pala Dianne may gusto sana akong sasabihin sayo. Walang halong biro" biglang pag iba niya ng usapan namin tsaka naging seryoso na yung mukha niya kaya naisip ko na sa wakas naubos na rin yung baon niyang jokes tsaka pick up lines. Tahimik kong hinintay ang susunod niyang sasabihin. Napansin kong napahinga siya ng malalim. Teka bakit bigla naman ata siya sumeryoso? May bigla bang namatay sa pamilya niya?? "Look Dianne hindi ko na ito papatagalin pa. I like you I mean I love you. Alam kong bago lang tayo nag kakilala pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita kita o binabanggit ko pa lang yung pangalan mo ay bumibilis na kaagad yung t***k ng puso ko. Kaya gusto kong malaman mo na liligawan kita. Kahit hindi ka papayag liligawan at liligawan parin kita but at the other hand ayaw kitang iprepressure. Hindi mo ako kailangan sagutin kaagad. Mag hihintay ako sa oras na makapagdesisyon kana at rerespetuhin ko ang kung ano mang desisyon iyon. Lastly, pwede bang wag muna akong tawaging kuya Alex?? Alex na lang dahil ang pangit naman pakinggan na tinatawag mo akong kuya habang nanliligaw ako sayo." End Of FLASHBACK "Salamat nga pala" sabi ko nung makarating na kami ng classroom ko "Wala yun. Wag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo kanina tsaka masanay ka na rin sa mukha ko dahil simula ngayon parati na kita ihahatid sundo sa classroom mo. Sige mauna na ako. Bye Dianne!" Nakangiting pag paalam niya sabay wave pa sakin pagkatapos ay nag madali na siyang lumakad paalis. Sa tingin ko late na siya sa klase niya. Gusto niya pa kasi akong ihatid eh kaya ko pa naman yan tuloy napatakbo siya ng wala sa oras. Si Alex talaga napailing ako habang nakangiti. Naisip ko kasi pano kaya siya manligaw. Nasabi niya kasi sakin na first time siya manligaw nung una hindi ako makakapaniwala syempe sa gwapo niyang yun. Pero sabi niya busy siya sa pag aaral noon kaya hindi niya binibigyan importansya ang mga bagay na yun maliban na lang ngayon dahil nakilala niya daw ako. Chos!! Hahaha. Kita niyo ang haba talaga nang hair ko! ~ ~ ~ "Anak mag bihis ka aalis tayo" sabi ni dad pagkauwi ko "Anong meron?" sobrang bihis na bihis kasi siya na parang may pupuntahan "Sa bahay nila tita Patricia mo tayo mag didinner ngayon." "Bakit?" "Umuwi na kasi si Ella" "Okay" walang gana kong sagot. Si Ella ay ang kababatang kapatid ni Enzo. Unlike her parents and Enzo hindi ang maging isang doktor ang pangarap niya kundi ang puntahan ang lahat ng bansa dito sa mundo. Yan ang kaisa isang pangarap na gusto niyang abutin. Kaya kadalasan ay wala siya dito at medjo malayo rin naman kami sakanya. Kahit na mabait siya, masayahin at magalang sa mga nakakatanda sakanya ~ ~ ~ Matagal bago ako muling lumabas ng kwarto. Nag dalawang isip pa kasi ako kung sasama ba ako o hindi. Naisip ko na makikita ko pala si Enzo at hanggang ngayon ay hindi parin kami ulit nag kausap. Ano naman ngayon kung magkikita kayo ni Enzo mamaya?? Hindi naman siya yung pinunta mo dun si Ella Sabi ko sa sarili bago lumabas ng kwarto. ~ ~ ~ "You're here akala ko hindi na kayo makakapagpunta." tita Patricia sabay hug kay mommy "Kailan kami hindi tumutupad sa usapan?? Siguro malelate nga kami ng dating pero pumupunta parin kami no" mommy "Hi Dianne kamusta ka na?" nakangiting bati sakin ni tita "Okay lang po" sagot ko habang papasok ng bahay nila pero bigla naman akong napahinto nung nakita ko si Enzo na may kasamang babae. Biglang parag bumigat ang aking mga mata sa nakikita ko ngayon. Hanggang dito ba naman?? Sana hindi na ako sumama pa dito kung ganito lang pala ang makikita ko. ~ ~ ~ ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD