10

2051 Words
~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~ "Nagustuhan ko siya" sabi ko kay Vicky yung kapartner ko pinarinig niya sakin yung music na sasayawin. Nasa isang dance studio kami ngayon. Hindi ko nga alam kung pano niya nalaman ang lugar na to "Meron ka na bang naisip na steps para dito?" "Oo meron na akong naisip na step" tumayo ako"ituro mo sakin. I don't want to waste my time." Tumayo rin siya tsaka humarap sa malaking mirror. Umpisa pa lang nung sumayaw siya ay napahanga niya na ako. Ang galing pala ng nerd sumayaw sobrang graceful niyang gumalaw tsaka mukhang ang dadali lang nung mga steps sakanya. Nung natapos niya na ang sayaw ay dun siya ulit nag salita. Tinanong niya ako kung okay lang daw ba iyon. Pumayag ako sa concepto niya kaya sinimulan niya nang ituro sakin ang steps. [After a week] "Vicky kailangan mong sumama sakin sa sabado?" sabi ko nung nakarating na ako ng classroom "Po?" gulat na sabi niya. Nasa aming dalawa ang atensyon ng lahat na nandito sa loob ng classroom. Tsssk!! Mga chimoso nga naman "Wala ng tanong tanong sumama ka na lang. Kita na lang tayo sa studio 10am" Maya maya pumasok na yung prof alam kong isa na naman itong boring na lesson kaya natulog na lang ako buong klase. Nagising na lang ako ng sabihin niya na ang "class dismissed" Pagkatapos ng klase ko ay umuwi na ako kaagad. Wala na rin naman akong gagawin doon. Ayaw naman magpaistorbo ngayon ni Enzo hindi ko alam kung bakit. Basta yung parang iniiwasan niya ako ngayon. Sinubukan ko na ngang kausapin siya kaso wala lang talaga akong mahanap na tsempo. Parati siyang may ginagawa. Busy busyhan ang peg ng lolo niyo ngayon. Pero ang pininagtataka ko lang ay nung parang umiiwas na sakin si Enzo ay parati nang napapakita sakin si Kuya Alex. Kadalasan ko na siyang kinakausap Habang nasa gitna ako ng biyahe pauwi ay biglang may tumawag sa phone ko at nalaman ko na si Dad pala yun mabuti na lang at kulay pula yung stop light kaya nasagot ko yung tawag pero niloudspeaker ko lang para sa oras na mag kulay green ay diredirecho yung drive ko "Dad?" {Dianne na saan ka?} "Pauwi na ako. Bakit?" {Pwede ka bang dumaan muna dito sa company?? May gusto kaming sasabihin sayo ng mommy mo} "Hmm." Tiningnan ko muna ang paligid kung na saan ako ngayon "okay dad." pag payag ko. Medjo may kalayuan ang company building sa kung saan ako ngayon pero naisip ko na wala na rin naman akong gagawin sa bahay kung dederetso ako dun. Pagkababa ng tawag ay nag u turn ako kaagad. ~ ~ ~ "Good afternoon ma'am" "Good afternoon po" Kanya kanyang bati ang mga empleyado sakin nung makarating na ako sa kompanya. Hindi na ako nag abala pang bumati sakanila direderecho lang ako sa paglakad. "Hey dad" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko ng office niya. Humalik ako sa pisngi niya nung nakalapit na ako "na saan si mom?" "Nasa labas. Pabalik na siguro yun" "Ok" "How's school anak?" "Boring as always" sabay upo sa sofa na nandito sa loob "Pano naging boring anak?" "Students are so annoying." Napansin kong napangiti siya "may nakakatawa ba sa sinabi ko dad?" "No not at all. Naalala ko lang yung mommy mo nung kasing edad mo siya. Ganyan na ganyan rin siya nung high school pa lang kami. Yung kinakatakutan din siya ng ibang estudyante noon." "Ang pagkakaiba lang namin ay si mommy merong kabarkada katulad nina tita Nikki habang ako wala" Sa totoo lang may mga panahon na naiinggit ako sa ibang mga taga East High. Gusto ko ring maranasan na mag skip classes dahil mas pipiliin kong gumala kasama ng mga kaibigan ko kesa makinig sa walang sawang lectures. Gusto ko rin maranasan na pumunta sa videoke bar at dun sumigaw ng sumigaw na parang wala ng bukas kasama ng mga kaibigan. Kaso hindi ko magawa dahil wala nga akong kaibigan sa East High. Kadalasan akong nag iisa sa tuwing may gawin si Enzo. "But you have Enzo" "Yes but not all the time. He has his own life dad" Hindi na nakasagot si dad dahil nakarating na si mom na may bitbit na slr. "Dianne mabuti at nandito ka na" bungad niya pinatong niya muna yung slr niya sa table ni dad bago siya umupo sa tabi ko "Nasabi mo na ba sakanya?" Tanong niya kay dad nakita kong umiling lang ito sakanya "Mom Dad may tinatago ba kayo sakin?" "Of course anak" Dad "Sa totoo kasi Dianne kaya ka namin pinapunta dito dahil gusto ka naming bigyan ng project" seryosong sabi ni mommy "Project?? Anong subject?? Kailan yung deadline?" Boooiiinnnkk Napahawak ako dun sa ulo ko kung saan ako binatukan ng mahina ni mommy. Hindi naman ako dun na bigla dahil inaasahan ko ng babatukan niya ako dahil sa sinagot ko sakanya "Bie!!" Dad kay mom "Yang anak mo kasi eh may oras pang mag biro." Parang bata niyang sumbong kay daddy. "*sigh* Krystal gusto ka naming bigyan ng project ni mommy mo. May isang client na pumunta kahapon dito nag hahanap ng model. Isa itong teen magazine ikaw ka agad yung unang pumasok sa isip ko. Sakto naman na si mommy mo rin pala ang kinuha bilang photographer. Kaya sayo sana namin ibibigay itong project na to" "Alam niyo naman na hindi ko hilig ang mga ganyang bagay hindi ba?" "Oo pero matatanggihan mo ba kami?? Wag mong isipin na isa itong trabaho. Isipin mo na bonding nating tatlo ito. Matagal na kaya pinapangarap ni mommy mo na gumawa ulit ng exhibit na ikaw yung subject niya" Tiningnan ko si mommy na kasalukuyang nakatingin din pala sakin. Wala na akong nagawa kung hindi ang huminga ng malalim "fine!!" Sabi ko. Naisip ko kasi na matagal na rin yung huling project ni mommy. Naging busy na kasi siya sa pag mamanage ng mga business na naiwan ni lolo nung nag retire na siya sakanilang dalawa ni tito. "That's great. And I think we need to celebrate for that. Dinner tayo sa labas mamaya" Daddy ~ ~ ~ "Anong gusto niyo?" Tanong ni dad. Nasa isang mamahaling restaurant naisipang kumain ni mommy "Kayo na po yung bahala" sabi ko sabay lagay ng menu sa mesa Pagkatapos naming mag usap kanina ay umuwi muna ako para makapagbihis. Tinext lang sakin kanina kung saan kami kakain. Nag taxi lang ako dahil meron namang kotse sila dad kaya sayang lang yung gas kung dinala ko pa ang kotse ko dito. Habang hinihintay namin ang inorder naming pagkain ay nakayuko lang ako dahil panay ang text sakin ni kuya Alex. Akalain mo yun hiningi niya pa talaga yung number ko kay Enzo. Feeling ko sobrang haba ng buhok ko :) {So ano payag ka?} Niyayaya kasi ako ni kuya Alex na sabay daw kaming mag lunch bukas. "Call basta libre mo" pag payag ko. Wala namang masama kung sasama ako hindi ba?? {Nice. Susunduin kita bukas sa main gate ok?} "Bie si Enzo yun hindi ba?" napatingala ako ng wala sa oras nung binanggit ni dad ang pangalan niya. Si Enzo nandito?? Imposible naman ata mangyari yun. Nung nakita ko na siya madaming tanong ang pumasok sa isipan ko sinong kasama niya?? Bakit siya nandidito?? Akala ko busy siya? "Enzo!" pagtawag ni mommy sabay taas ng kaliwang kamay niya. Mukhang nagulat siya nung nakita niya sila daddy at mommy. Sumenyas na lumapit si mommy sakanya ngunit hindi siya kaagad gumalaw dahil kasalukuyan kaming nakatitig sa isa't isa. Siya yung unang umiwas tapos lumakad na siya palapit samin habang nakakapit parin sa braso niya yung kasama niyang babae na first time ko lang nakita "Hi po tita hi tito" nakangiti niyang bati tsaka tumingin sakin "hi Krytal. Si Lovely nga po pala girlfriend ko" -.^ Girlfriend?? Nag papatawa ba siya?? Sinong niloloko mo Enzo Pssh napailing pa ako ng wala sa oras Idagdag niyo pa na parang masusuka na ako sa ginagawa ng mokong na to. "Girlfriend?? Binata ka na. Alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol dito?" Pabirong sabi ni dad na ikinangiti naman ng girlfriend ni Enzo "Bakit ka ngumingiti jan?" Pataray na sabi ko sakanya. Agad namang nawala yung ngiti niya tsaka yumuko. "Dianne!" Sabay na sabi nila mommy "What?? Masama na ba ngayon ang mag tanong?" Tiningnan ko ng masama si Enzo tsaka tumingin ulit sa babaeng kung makakapit sakanya ay parang bubble gum. "Lovely right?" Tumango siya "gaano na kayo katagal magkakilala ni Enzo?" "A week?" mahinang sagot niya "Girl ang bilis mo naman ata sinagot si Enzo. Pano ba siya nanligaw sayo?? Oh wait. Hinayaan mo ba siyang manligaw. sinagot mo ba siya derecho ng walang ligawan na nagaganap" "Krystal enough" mommy using her cold tone. Nahalata ni daddy ang pag iba ng boses ni mommy at napansin kong hinawakan kaagad ni dad yung kamay ni mommy na nasa taas ng mesa. I guess to calm her down. Wala akong pakealam kung magalit man sakin si mommy ang sa akin lang ay gusto kong ilabas netong babae na to ang totoo niyang ugali. Hindi ko pinansin si Mommy mataray ko paring tinitingnan si Lovely. I dont care kung lahat sila magalit sakin dito. Hindi ko gustong makitang masaktan si Enzo. Pano kung pinaglalaruan lang pala siya ni Lovely katulad ng mga nangyayari sa mundo ng w*****d? Ayaw kong lalapit si Enzo sakin na umiiyak dahil lang jan sa Lovely na yan no "O ano yung gayuma na pinakain mo sa bestfriend ko?" napayuko si Lovely habang si Enzo naman ay nagulat sa sinabi ko "Dianne I said enough!" Mommy bigla siyang tumayo "let's talk" sabi pa niyang bago lumakad. Agad namang tumayo si dad "Pasensya na kayo Enzo Lovely mukhang nasira pa tuloy namin yung date niyo. Ganito na lang Enzo ako na ang mag babayad sa kakainin niyo ngayon. Pasensya na talaga kayo kailangan na naming umalis." Paghingi ng tawad niya sa dalawa. What the hell is going on here!! Bakit kinakailangan pang humingi ng tawad ni dad sa dalawang to "Dianne let's go" maotoridad na sabi niya sakin tsaka agad siyang umalis para masundan si mommy. Wala akong ganang tumayo tsaka hinarap ang dalawa "So ito ba yung rason kung bakit mo ako iniiwasan netong nakaraang araw Enzo?" cold na tanong ko sakanya. Tahimik lang siyang nakatingin sakin at mukhang wala siyang balak na sagutin ako. Ni hindi ko mabasa sa mga mata niya iniisip niya ngayon "Bakit hindi mo sakin sinabi ang tungkol dito? Natatakot ka?? Natatakot ka ba na sa oras na malaman ko ang tungkol dito ay susugurin ko yang girlfriend mo at ipahiya sa maraming tao?? Alam mo bang nag alala ako sayo?? Akala ko kung may masamang nangyari sayo yun pala palihim ka na nag dedate. At alam mo na ang pinakaayaw ko ay yung may nag lilihim sakin. Kung ayaw mo na akong kasama sabihin mo ng derecho sakin!! Im so dissappointed Enzo" huling sabi ko bago ko sila iniwan. Mag sama sila!! ~ ~ ~ "What was that Dianne?" galit na tanong sakin y Mommy nung makarating na kami ng bahay "Bie wag muna natin ito pag usapan pagod kayo pareho. Ipabukas mo na lang" dad "No!" matigas na sabi ni mommy kay dad tsaka tumingin sakin "Dianne tinatanong kita" "Kung may balak kayong parusahan na naman ako gawin niyo. Hinding hindi ako kokontra dahil alam ko naman na walang masama sa ginawa ko. Tinatanong ko lang ng maayos yung dalawa. At sigurado ako na ganun din ang gagawin niyo pag nalaman niyo na kinabukasan may girlfriend o boyfriend na pala ang mga kaibigan niyo na hindi mo alam. Si Enzo lang yung nag iisang kaibigan ko sa buong buhay ko kaya ayaw ko siyang nakikitang masasaktan. Isang linggo lang silang nagkakilala sinagot niya kaagad??. Sinong matinong babae ang gagawa nun?? Sabihin niyo nga sakin mommy masama ba yung ginawa ko?" "..." "Dianne umakyat kana ng kwarto mo ako na ang kakausap sa mommy mo. Sige na" pag kapasok na pag kapasok ko ng kwarto ay dun na lang nagsilabasan ang luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang bigat sa pakiramdam yung wala kang malalapitan ni isang tao na pati magulang mo hindi mo kayang lapitan "Life is so unfair" ____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD