22

2039 Words
~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~ Blink Blink Sino naman ang lalaking para siraulo kung makangiti sakin ngayon? "Sino ka? At pwede bang lumayo layo ka sakin kung ayaw mong masaktan." cold na sabi ko sakanya "Hindi mo ba ako nakikilala?" Tanong niya na hanggang ngayon ay hindi parin naalis yung ngiti niya sa mukha "Hindi dahil wala akong oras para makipagkilala sayo okay? So stay away from me" "Ilang taon lang akong nawala nakalimutan mo na ako kaagad? Ako to si Drake" "Drake?" "Oo Drake. As in Drake Ravena yung anak ni Jake Ravena" Drake Ravena 0_o "Drake ikaw na ba yan? Teka kailan ka pa umuwi ng Pilipinas? Asan si tito?" sunod sunod na tanong ko Kababata din namin ni Enzo itong si Drake na to kaso umalis sila papuntang Australia nung 7 yrs old si Drake kaya naudlot yung samahan naming tatlo "Nung isang linggo lang kami umuwi dito" "Ano isang linggo na kayo dito sa Pilipinas? Bakit hindi man lang kayo nag sabi samin na andito pala kayo" "Naging busy kasi kami sa pag aasikaso ng mga papers ko kaya hindi na kami nakapunta sa bahay niyo" "Ganun ba? Dito ka na ba mag aaral?" "Oo. Mag kaklase kaya tayo?" "Talaga?" Nakangiting tumango siya sakin "Nice!! Naku matutuwa neto si Enzo pag nalaman niyang nakauwi ka na dito" na eexcite kong sabi sabay kuha ng phone ko sa loob ng bag matext nga si Enzo Enzo I have a good news!! Guess what? umuwi na dito sa Pinas si Drake at akalain mong mag kaklase pa talaga kami "Asan pala si Enzo?" pag iba niya ng usapan "Nasa med department. Pupuntahan ko siya mamaya. Sasama ka?" walang ano ano ay sumangayon siya sakin. Hindi nag tagal ay pumasok na ang panget na prof namin kaya naudlot ang usapan namin ni Drake. Pagkadismiss na pagkadismiss samin ng prof ay derecho kaagad ako sa department nila Enzo. Ako lang mag isa ang pumunta dahil may dadaanan pa daw si Drake. ~ ~ ~ "bat ang aga mo ata pumunta ng department namin?" Enzo sabay lagay ng tray sa mesa "Maaga kaming dinismiss. Wala na naman akong gagwin kaya pinuntahan na lang kita. Bakit busy ka ba?" "Hindi naman. Sa katunayan nga pupuntahan talaga kita pagkatapos kong kausapin yung isa kong kaklase." ^___^ "miss mo na ako no?" pang asar ko sakanya "Pssh. Miss ka jan" tanggi naman niya habang minimix niya yung spag na inorder ko "Uyy. Aminin mo na kasi. Wala namang masama kung mamimiss mo ako eh. Natural lang yun sa couples diba?" "Alam mo Krystal gutom lang yan. Kain kana" pag iwas niya sa topic saka niya na binigay sakin ang spag ko "Ay nga pala nabasa mo ba yung message ko sayo kanina? Tungkol kay Drake?" sabi ko habang kumakain Napansin kong kumuha siya ng table napkin saka niya ito pinunas sa gilid ng lips ko "walang kakain niyan Krystal kaya okay lang na mag dahan dahan. Oo natanggap ko. Bakit hindi mo siya sinama?" "Opps. Thanks. Eh may dadaanan pa daw siya" "Ganun ba?" "Alam mo bang sobrang laki ng pinagbago niya. Ni hindi ko na nga siya nakilala eh. " "Kyaaaaah" "Teka siya yung new student hindi ba?" "Mygad! Ang pogi niya" Tili ng mga babae at mga bakla dito sa cafeteria Hindi ko na nilingon kung sino ang pumasok dahil nasa harapan ko na ang pinakapoging nilalang dito sa mundong ito. Yun ay si Enzo ang boyfriend ko. Yucck! Dianne this is not you. Well love can change everything nga naman Hay nako Dianne kumain ka nga lang. Kung anu ano ang pumapasok sa isipan ko. Tahimik kaming kumakain ni Enzo ng biglang may nagsalita "Hi andito lang pala kayo. Hi Enzo" narinig kong bati ng isang lalaki at nalaman ko na si Drake pala ito kaya inaya ko siya kaagad na umupo. Nakangiti naman siyang umupo sa tabi ko. "Kumain ka na ba?" tanong ko "Wala pa eh. Ano ba ang masarap na kainin dito?" tanong naman niya kay Enzo "Lahat. Masasarap mag luto dito ang mga tao kaya lahat ng mga sineserve dito masarap." Sa tagal namin mag kasama ni Enzo kahit anong tago niya sa boses ay malalaman at malalaman ko parin. May problema ba siya? Tahimik ko siyang tinitinganan, ilang segundo ang nakalipas ay napansin niya ng nakatingin ako sakanya kaya binigyan ko siya ng anong problema look nung tumingin siya sakin. sinagot niya naman ako ng wala, kumain ka na lang jan look. Ano ba talaga ang problema ng lalaking to. Kanina okay naman kami ah "Bibili muna ako ng makakain. Bigla kasi akong nagutom nung nakita kitang kumakain Dianne" nakangiting sabi pa niya sakin. "Uhmm. sige" naisagot ko sakanya Nakita ko kasing parang may mali sa mga titig ni Enzo kay Drake hinintay ko munang tuluyang makalayo si Drake sa inuupuan namin bago nag salita "Enzo mag tapat ka nga. Nag seselos ka ba?" umpisa ko. Bigla namang napaubo si Enzo sakto kasing umiinom siya ng tubig nung sinabi ko yun. "Uy Enzo okay ka lang ba?" pag alala ko "Oo okay lang ako." sagot naman niya sabay punas ng bibig "So nag seselos ka nga" nakangiting pag ulit ko "Huh? Ako nag seselos? Kanino?" "Ang galing mo din mag panggap no? May nakasulat kaya sa mukha mo na NAG SESELOS AKO NGAYON! SOBRA SOBRA" "SInong niloko mo Krystal. Hindi ako nag seselos dun kay Drake na yun no. Hello his our friend remember? Kumain na nga lang tayo" pag change topic niya Hindi ko mapigilang tumawa dun sa sinabi niya. May sinabi ba akong pangalan? Wala naman hindi ba? Bakit pumasok ang pangalan ni Drake sa usapan namin? Hay nako Enzo Hindi nag tagal ay dumating na rin si Drake na may dala dalang pagkain tsaka umupo na sa tabi ko. Agad ko namang tiningnan si Enzo at meron akong nakikitang usok na lumalabas mula sa ilong tsaka tenga niya "Nga pala Drake may pupuntahan ka ba mamaya?" tanong ko. May naisip kasi akong kalokohan "wala naman bakit?" bago ako nag salita ay tiningnan ko muna ang boyfriend ko, pinigilan ko ang tawa ko pano ba naman kasi kung makakatitig sakin si Enzo ay parang mamatay na ako. Parang sinasabihan niya kasi ako na wag ko na ituloy ang kalokohan ko. Hahahhaha. Ang cute niya talagang mag selos "Naitanong ko lang" simpleng sagot ko sabay kindat kay Enzo. Napansin ko siyang napailing tapos iniligpit niya na ang pinagkainan namin "Ah nakalimutan ko. May pupuntahan nga pala kami ni Enzo ngayon.SOrry Drake hindi ka na namin masasamahan" "Ganun ba? SIge ayos lang" "Pasensya ka na talaga ah. Tara na Enzo" tumayo ako tsaka hinala sa braso si Enzo ~ ~ ~ "uy hindi mo ba talaga ako papansinin?"kanina ko pa siya kinukulit kaso hindi niya parin ako pinapansin. Parang tanga na ako dito sa kakasalita "hindi mo ba titingnan ang bagong contract mo?" iwas na sagot niya sakin. Nandito kasi kami ngayon sa office nila mommy. Dito kami dumerecho ni Enzo pagkatapos ng mga klase namin tumawag kasi si dad kanina, ang sabi may bago daw akong project. "Nope." sabi ko habang umiiling "tatapusin ko muna yung project ko with Victoria bago ko tingnan yan" bigla niya namang binitawan yung folder ng contract ko sa table tsaka niya ako tiningnan ng masama. Pero hindi ako ako natatakot or something sa katunayan nga tumawa pa ako sa ginawa niya. Ang cute niya kasi tingnan "Wala ka naman palang plano edi sana sinabi mo kaagad." agad siyang tumayo sabay hila ng kamay ko "Umalis na nga tayo dito. Nabawasan tuloy yung oras ng date natin" hindi ko mapigilang mapangiti dun sa sinabi ng boyfriend ko. "saan tayo mag dedate ngayon?" tanong ko sakanya ng nakangiti ng abot hanggang langit "Sa lugar na walang may nakakakilala satin" nilingon niya ako tsaka siya ngumiti. Simula nung naging public figure na kaming pareho ni Enzo ay nahirapan na kaming mag date ng walang may nakabuntot sa amin. Parati kasing may lumalapit samin para mag papicture or autograph. Kung minsan pinagbibigyan ko sila pero may mga oras talaga na na babadtrip ako. Syempre sino ba naman ang hindi mababadtrip sa mga taong sumisira ng date niyo -__- Hindi ko naman sila pwedeng ma batukan dahil sabi ni Enzo bad daw yun. Masunuring girlfriend ata ito "Mag road trip na lang kaya tayo. Bili na lang tayo sa madadaanan nating drive through" suggest ko bago pumasok sa kotse niya. "Masusunod po" nakangiting sagot niya sabay close ng door tsaka tumakbo papunta sa driver's seat sa Mcdo kami bumili ng pagkain. Yun kasi yung unang na daanan naming drive through. Dalawang large fries, isang large coke, isang caramel sundae, tsaka dalawang mc burger ang binili namin Kapag may date kaming dalawa nakakalimutan namin ang salitang DIET. Kain lang ng kain ang ginagawa namin pareho kapag mag kasama kami "teka Krystal mag dahan dahan ka naman sa pag subo mo sakin ng fries hindi ko pa nga nauubos yung nasa baba ko" reklamo niya Pano ba naman kasi ako ang taga subo niya habang patuloy siya sa pag dridrive "opps sorry!" ilang minuto ang nakalipas ngunit ni isa samin ay walang nag sasalita. Nasa labas ako tingin habang patuloy parin ang pag kain ko ng fries. Napalingon ako kay Enzo nung pinisil niya ng mahina ang braso ko "bakit?" hindi niya ako sinagot sa halip ay pinakita niya sa akin ang kanyang palad "Anong gagawin ko jan? May masakit ba?" napailing siya "Na bobored ang kamay ko. Mind if you hold it?" "Sure why not ^__^" and boom magka holding hands na nga kami "Baka maaksidente tayo" "Hindi yan. Trust me. Hindi ko hahayaan na masaktan ang mommy ng magiging anak ko" Bigla ko naman siya nabatukan. Jusko noon nandidiri ako kapag meroon akong naririnig na nag pipickupline ngunit ngayon sobrang kinikilig naman ako sa tuwing binabanatan ako ni ENzo ng pickupline kahit corny na minsan " Enzo may tanong ako" "ano yun?" "Pano kung balang araw mag bago na lang bigla" "anong ibig mong sabihin" tumingin siya sakin. Red light kasi kaya meroon siyang free seconds para tingnan ako "what if isang araw gumising na lang tayo na hindi na pala natin mahal ang isa't isa." "Edi matulog tayo ng matulog" biro pa niya. Nakita ko pa siyang nag wink sakin bago niya binalik yung atensyon niya sa daan "Seryoso" nilapit niya yung magkahawak kamay namin sakanyang bibig tsaka niya hinalikan yung kamay ko nanatili akong tahimik tsaka hinintay ang kung anong sasabihin niya "Hindi hindi ako papayag na mangyari yun. Trust me. Kung mangyari man yun sayo na magigising ka na lang na hindi mo na ako mahal edi liligawan kita ulit. Kahit ilang beses pa kita liligawan gagawin ko. Ayaw ko kasing makitang may ibang nag papangiti sayo. I may be selfish but gusto ko ako lang yung taong mag papangiti sayo gusto ko na ako lang yung taong makakakita ng maganda mong ngiti. At hindi ko maimagine na ibang babae ang maihaharap ko sa altar" pagkatapos niyang sabihin yun ay nakangiting tumingin siya sakin hindi ko mapigilang ngumiti "Sa daan ka nga tumingin" nahihiyang sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin Ilang taon na kami pero kung minsan hindi ko parin maiiwasan na mahiya sa tuwing may sasabihin siya sakin katulad neto. Makikita mo kasi sa mga mata niya na nag sasabi siya ng totoo na mula talaga sakanyang puso yung mga sinasabi niya Hindi mo naman siya masabihang babaero dahil suplado siya sa ibang babae. Hindi niya pinapansin yung mga babae at bakla na nag papacute sakin. Sa tuwing nag aaway kami 99% dun ay dahil sa kabaliwan ko na kahit hindi talaga dapat namin pag awayan ay dinidiin ko. Nag papasalamat ako dahil lagpas ulo pa ni Enzo ang pasensya niya para sa kabaliwan ko. Na hindi niya na pinapantayan ang init ng ulo ko Kung minsan nga I feel bad because sometimes hindi ko maipakita sakanya kung gaano ko siya ka mahal "I love you. Wala na akong masabi kundi I Love You Enzo. I may not be perfect but I'll promise you that I'll make you the most happiest boyfriend in the whole wide world. So stay with me until the end."" Vote.Comment.Share.BeAFan Belle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD