~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at hindi na ako nagulat nung halos kulay puti ang nakikita ko. SIgurado ako na nasa ospital na naman ako nila Enzo
Uggh! I hate the hospital smell.
" Krystal mabuti at gising ka na? Ano okay ka na ba? May masakit ba sayo? Papunta na dito sila tita" nag aalalang sabi sakin ni Enzo. Nung napansin niyang uupo ako ay agad niya akong inalalayan pagkatapos ay umupo siya sa harapan ko
"Sino ka?" pag sisinungaling ko na ikinataka niya
"Si Enzo hindi mo ba ako nakikilala?"
Dianne wag kang tumawa pigilan mo yang sarili mo
"Hindi. At nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?"
"Nahim" hindi niya na tapos ang dapat niyang sasabihin dahil parang bigla siyang napaisip "Teka bakit hindi ka na makaalala? Eh nahimatay ka lang naman. Niloloko mo ba ako?" Sabay pitik ng noo ko
"Pfffffttt. Hahahahahahahaha" Panay ang tawa ko habang nakahawak pa sa tyan "alam mo naman palang nahimatay lang ako eh. Hahaha. Aray ang sakit ng tyan ko. Hindi ako makahinga sa kakatawa"
"Tumigil ka nga jan sa kakatawa. Baka hikain ka na naman" may naririnig akong inis sa boses niya kaya napatigil ako sa kakatawa
~ ~
"Galit ka?" pagsira ko ng katahimikan naming dalawa
"Hindi" walang emosyon niyang sagot
" eeehhh. Galit ka sakin eh." sabay lapit ng mukha ko sakanya. Isang way kong pano ko siya lambingin
"Hindi nga ako galit. Umayos ka nga ng upo jan. Pano kung dumating sila mommy mo dito baka kung ano pa ang isipin nila" iniiwasan niya parin akong tingnan
"Ano naman ngayon? Wala naman tayong ginawang masama ah. Tsaka isa pa boyfriend kita hindi ba?" Ngumisi ako sakanya
"Ewan ko sayo" nakita ko siya tumayo kita mo tong lalaking ito sobrang galing umiwas sakin "Anong gusto mo?" sabay taas ng apple
"Hindi okay lang ako. Upo ka nga dito" sabay tap ng bed ko "Hindi pa tayo tapos. Nag tatampo ka pa sakin eh"
"Sino bang nag sabing nag tatampo ako sayo?" sa wakas hinarap niya na ako. Napangiti ako abot hanggang sa tenga ko
"Sige nga kung hindi ka nga nag tatampo sakin ikiss mo nga ako" pumikit na ako sabay pout ng lips ko. Hinintay kong hahalikan niya ako pero sinubo niya lang sakin yung apple na hawak hawak niya kanina
"Aiissh! Napupuno na ako sayo Enzo ah" naiinis na sabi ko. Siya nga tong nilalambing eh tapos tinanggihan niya pa yung offer ko sakanya. Psssh "Makatulog na nga" humiga ako tsaka cinover yung blanket ko sa buong katawan ko pati na rin sa mukha ko bahala nga siya dyan
Ngunit hindi nag tagal ay naramdaman kong umupo sa bed ko si Enzo narinig ko rin na napahinga siya ng malalim
"Krystal wag kang matulog mag usap tayo." Bahala siya!! Kanina gusto ko siyang kausapin siya itong may ayaw "Hindi naman talaga ako nag tatampo sayo eh. Sadyang na badtrip lang talaga ako sa pag loloko mo sakin. Alam mo ba kung gaano mo ako pinaalala nung nahimatay ka tapos yun pa yung ginawa mo sakin pagkagising na pagkagising mo."
"Eh bakit hindi ka makatingin ng deretcho sakin kanina?" tanong ko inis na umupo ako ng maayos
"inaalis ko lang yung inis ko baka kasi kung ano pa ang masabi ko sayo. Pero ngayon okay na." sabay ngiti sakin tsaka inopen niya yung arms niya na para bang iniintay niyang yakapin ko siya. Ngunit hindi ko siya niyakap sa halip ay tiningnan ko lang siya
"Aray ko ang sakit na ng mga braso ko nangangawit na ata?" nag aarte siyang parang sumasakit nga yung braso niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti tsaka niyakap siya
"Wag mo na ulit yun gagawin. Babatukan na talaga kita" sabi niya habang yakap yakap ako
Hindi nag tagal ay nag taka ako kung bakit bigla si Enzo kumawala sa yakap at bigla siyang pumikit na para bang may iniintay
"Ano ginagawa mo?" takang tanong ko naman na agad naman siyang napadilat
"Hindi pa pala naalis yung tampo ko sayo kaya ikiss mo na ako dali!" sabay pikit ulit
Haay!!! Wala na talagang makakapag pigil sakanya.
Hinawakan ko ang makabilang pisngi niya
*choo* (halik sa noo)
*chooo* (halik sa kaliwa at kanang pisngi)
*choo* (halik sa ilong)
malapit na malapit ko na sana siyang halikan sa lips ng biglang bumukas ang pinto
"Anong ginagawa niyong dalawa?"
O___O
"Mom?"
~ ~ ~
"Dianne pakiexplain nga yung nakita namin kanina?" galit na sabi ni mommy samin
"wala naman kaming masamang ginawa. And besides nasa tamang edad na naman kaming pareho para dun" ako na ang kumausap kay mommy pero ramdam ko ang higpit ng pagkahawak ni Enzo sa kamay ko gusto niya ata akong pigilang mag salita
nung tiningnan ko siya ay binigyan niya lang ako ng Ako na ang mag sasalita look
"Sorry po kung hindi po namin nasabi kaagad sainyo." nag salita na siya siguro ayaw niya na talaga akong mag kwento kay mommy
"So may relasyon nga kayo ng anak ko?" taas kilay tsaka crossed arms pa si mommy
tumango si Enzo "Since when?" patuloy na tanong ni mommy
"Since birth. Mom will you stop asking us? Sumasakit lang lalo ang ulo ko sayo eh."
"okay i'll stop asking you but Enzo kailangan nating dalawa mag usap" mommy using her cold tone tsaka siya lumakad papunta sa pintuan
"saan kayo pupunta?" ako. Nakita ko kasi na tumayo din si Enzo tsaka sinundan si mommy ngunit wala ni isa kila mommy tsaka Enzo ang sumagot.
"ARrrgghh!!! Mag sama kayo!!" inis na sabi ko sabay higa uli
~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~
pak
pak
pak
pak
"Aray po tita." reklamo ko sakanya, Pano ba naman kasi nung makalabas kami ng room ni Krystal ay hinampas niya yung braso ko
Pak
pak
"Tita tama na po." Masakit na yung tita
Pak
pak
"Lintik na bata ka. Bakit yung anak ko pa?" huminto na siya sa pagpapalo sakin
"Tita naman ayaw mo pa nun? Hindi mapupunta kung kanikanino lang yung lahi niyo"
papaluin na naman sana niya ako ngunit agad ako nakailag
"Hay may magagawa pa ba ako? Eh nanjan na yan eh. Pero pag pinaiyak mo ang anak namin malalagot ka talaga sakin."
tinaas ko yung right hand ko sabay sabi na "Promise po hinding hindi ko po papaiyakin si Krystal."
hindi na si tita sumagot sa halip ay ginulo niya na lang yung buhok ko bago siya umalis
hindi ko mapigilang mapangiti sa magandang balita na natanggap ko galing sa mommy ng pinakakamahal kong tao
Ngunit nabigla ako nung bumalik si tita sa harapan ko tsaka siya nag salita
"Oh I forgot hindi ka na pala pwedeng matulog sa bahay kailangan mo nang umuwi sa bahay niyo iwas aksidente. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin Enzo?"
"opo tita" pag sangayon ko.
Okay na rin naman to kesa naman sa paghiwalayin niya kami hindi ba?
~ ~ ~
"Enzo kailangan mo na ba talagang umuwi ngayon? Gabi na ah hindi ba delikado sa daan?" tanong ni Krystal sakin habang pinanunuod niya akong mag ayos ng gamit ko. Pagkauwi kasi namin galing ospital kahit labag sa kalooban ko ay inayos ko kaagad yung gamit ko para makauwi na ako ng bahay
"Oo, kailangan natin sundin ang gusto ng mommy mo. Wag ka ngang OA jan Krystal. Uuwi ako dahil dun ang bahay ko tsaka magkikita naman tayo parati eh. Parati kitang ihahatid sundo"
"Okay yun lang naman ang inaantay kong sabihin mo eh. Tawagin mo na lang ako dun pagtapos ka ng mag ayos jan.Bye" saka siya lumabas ng kwarto
napailing na lang ako mag mumukhang driver na niya ata ako
~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
Ang bilis bilis talaga ng oras ngayon na sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayang tapos na yung summer break namin at bukasan na naman ng mga klase. Akalain mo yun 4th year college na kami pareho ngayon. Kasalukuyan kong inaabangan ang pag dating ni Enzo para sunduin niya ako
Marami na ang nag bago samin ni Enzo netong mga nakaraang buwan. Mas madalas na ang pagiging model ko ngayon dahil simula nung lumabas ako sa isang collection ni tita Nikki ay dumami na ang nag bibigay sakin ng mga pojects habang si Enzo naman ay mas lalo pa niyang tinututukan ang pa aaral niya dahil itutuloy niya daw ang pagiging dokor niya
But despite of our busy schedule hindi parin namin nakakalimutang kamustahin ang isa't isa at sinisigurado namin na kahit anong mangyari ay dapat kami magkitang dalawa araw araw kahit ilang minuto lang yun
Beep
Beeep
Narinig ko mula sa labas kaya tumayo na ako tsaka lumabas na rin ng bahay at bumungad sakin ang nakangiti na si Enzo
"good morning Krystal" bati niya sabay bukas ng pinto ng shotgun seat
"Good morning Enzo" sabi ko bago pumasok ng kotse
Nung makaupo na ako ng maayos ay agad niyang sinara yung pinto tsaka siya nag madaling umikot papunta sa drivers seat
~ ~ ~
"so sabay ba tayo makakauwi mamaya?" Tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe
"oo maaga naman siguro kami ididismiss ng mga profesors ko dahil nga first day of school pa lang naman, kaya pwedeng pwede kitaa ihatid sa bahay niyo mamaya" mabilis niya akong tiningnan habang nakangiti "may gusto ka bang puntahan?" Tanong pa niya
"hmm. Gusto ko sanang pumunta ng mall kaso baka madami na namang tao ang makakilala satin katulad nung huli tayo lumabas"
[flashback]
"Enzo are you serious? Bibilhin mo talaga yan?" mataray na tanong ko sakanya sabay crossed arms pa
"Syempre!! Alam mo ba na kailangan meron neto ang isang magkasintahan" nakangiti niyang sabi sakin habang hawak hawak niya yung dalawang shirt which is a couple shirt =_=
"Sige pumapayag na akong bilhin natin yan pero hinding hindi ko isusuot yan"
"Okay sabi mo eh. Ibibigay ko na lang to sa ibang babae at yayain ko siyang makipagdate sakin habang suot namin tong shirt na to" sabay talikod sakin at nag lakad na papunta sa cashier para mag bayad
Teka bibilhin niya ba talaga ang couple shirt na yun at ipapasuot niya ito sa ibang babae?
is he kidding me?
Arrrggghhh! >_
Ano ba ang pinanuod niya kagabi at pumasok itong kalokohan sa isipan niya
I hate you Enzo for doing this to me
I can't imagine na ang dali kong sumuko kay Enzo
Padabog akong lumapit sakanya
"Tssskk! Okay fine talo na ako. Isusuot ko na yang couple shirt thingy na yan for you. Pero wag na wag kang kakausap sa ibang babae. understand?"
Nung narinig niya na yung sinabi ko ay ngumiti siya ng abot hanggang langit
Naku naku naku Enzo maswerte ka dahil mahal kita dahil kung isang ordinaryong lalaki ka lang sa buhay ko ay hinding hindi talaga ako papayag sa kalokohan mo
"Your wish is my command and for your information ikaw lang kaya yung babae na kinakausap ko ng ganito" (wink)
"Yeah yeah whatever" saka mabilis akong umalis sa tabi niya. Pakiramdam ko kasi na sobrang pulang pula na ng mukha ko kaya mabuti ng itago yun sakanya bago pa niya makita at pagtawanan ako
Pagkatapos niyang bayaran ang shirt ay lumabas na kami ng shop na yun kaso pareho nanlaki ang mata namin nung makalabas ma kami ng shop
"Kyaaaaah! Si Dianne nga"
"Mas maganda ka pala sa personal"
"Pwede bang mag papicture tsaka autograph sayo"
"Krystal alam mo ba ang nangyayari ngayon?" Bulong niya sakin ngunit umiling ako
"Ewan ko kahit ako naguguluhan din sa mga nangyayari ngayon. Anong ginagawa ng mga tao ngayon? Bakit ang dami nila? Mukhang may inaabangan ata" ako
"Sigurado ako na ikaw yung inaabangan nila dito. Ang dami mo ng fans"
"Psssh! Anong fans? Haters kamo. Tara Enzo umalis na tayo dito baka masapak ko pa sila sa kakakuha nila ng mga larawan ko"
[end of flashback]
"Siguro kung hindi pa dumating ang mga guards ng mall na yun hindi tayo makakaalis. Alam mo ba nasibrang kating kati na ako nun. Gusto ko na silang saktan eh"
Gosh! It was like a nightmare for me
"Nag papasalamat nga ako na dumating kaagad yung mga guard dahil alam ko naman na ayaw mo ng maraming tao na nakapalibot dayo hindi ba. Kung nagkataon man na hindi pa dumating yung mga guards ay sigurado ako na sa police station ang punta natin"
"Baka sa simenteryo kamo. "
"Pssh! Ayan ka na naman sa pagiging brutal mo. Nakalaro ka na naman sa tablet mo no"
"Well na hirapan akong matulog kagabi kaya kaya nakalaro ako ng ilang oras"
Dahil sa paguusap namin ni Enzo ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng campus
"So pano kita na lang tayo mamaya?" tanong sakin ni Enzo bago ako lumabas ng kotse
"Okay. Bye" paalam ko ngunit sa oras na lalabas na sana ako ng kotse ay mabilis niya akong hinawakan sa wrist "bakit? May nakalimutan ka bang sabihin sakin?"
Sa halip na sagutin niya ako ay pumikit siya tsaka niya pinout yung lips niya
Pssh!
Hinawakan ko ang makabilang pisngi niya tsaka mabilis ko siyang hinalikan sa ilong niya agad kong napansin ang pagkadismaya sa mukha niya
Ang cute sarap pag gigilan yung mukha niya
"Marami ng nakasunod na mga sasakyan satin. Mahirap na baka tayo pa ang dahilan kung bakit nagkatraffic ang EHU pag tumagal pa tayo dito. Kita na lang tayo mamaya. BYe" saka mabilis na lumabas ng kotse bago pa niya ulit ako mahuli
Habang nag lalakad ako ay as always marami akong naririnig na mga bubuyog sa paligid at karamihan dun ay yung mga haters
As if care
Nung papalapit na ako sa unang klase ko ay nakita ko na kaagad si Nerd na parang tangang ngumingiti sakin
"Good morning Dianne" masiglang bati pa niya
"Morning" cold na pagsagot ko
"Alam mo ba na sabi sakin ng manager ko meron daw tayong project na dalawa" pabulong na sabi niya sakin habang papasok na kami ng kwarto
"Yeah"
"Waah! Alam mo ba na isang dream come true ko tong project na to. "
"Hindi ko alam. At wala akong pakealam sa mga pangarap mo no. Tinanggap ko lang naman ang project na to dahil malaki yung amount na makukuha ko dito"
"Awst ang sabihin mo gusto mo akong makasama sa isang proyekto dahil mag kaibigan tayo pareho"
"Ewan! Mangarap ka ng mag isa" tsaka ako naupo sa bakanteng upuan na nasa bandang likuran
"oh by the way alam mo ba na meron daw tayong bagong classsmate and take note nag tatrabaho daw siya bilang model sa company niyo" nakikilig na kwento sakin ni nerd
".."
"What? yun lang yun? Hindi ka talaga curious kung sino yun?"
umiling ako
"Woaah! Iba ka talaga Dianne" napathumbs up siya sakin "Daebak!"
"Psssh! FYI hindi ko kailangan makilala ang lahat ng nag tatrabaho sa companya namin no. At isa pa may boyfriend na ako no kaya wala akong panahon para maging curious pa jan sa new student na yan. Anong oras na at nasan na ang prof? Pssh. Makatulog nga" tsaka ko sinubsob yung mukha ko sa desk
ngunit wala pang 5 minuto nung pumukit ako ay nagsisigawan naman ang mga babae ng sobrang lakas na parang masisira ang eardrums ko sa kakasigaw nila
ARrrrrggghh ang iingay nila!!!
Pero nung oras na tumingala ako para pagalitan sana sila ay na gulat ako sa nakita ko (-->>)
"Hi Dianne." nakangiting sabi pa niya sakin
____________
Vote. Comment. Share. BeAFan
Belle❣️