Prologue
I'm casually sipping my tea while staring at the window. Napatulala ako sa labas kung saan tumatama sa akin ang sinag na araw at pinapanood ko ang paggalaw ng mga puno na sumasabay sa hampas ng hangin.
How many years has it been?
Malalim akong napabuntong-hininga habang nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang tanawin. Hindi ko mapigilang mapaisip nang malalim.
Ilang taon na rin ang lumipas... ilang henerasyon na rin akong nabubuhay at pinapanood ang mga bagong henerasyon na palitan ang mga luma. Pagkagat iba na ang panahon na ngayon at hindi maitatangging mas gusto ko ang ngayon kaysa sa rati... hindi ko pa rin mapaisip ang buhay na kinasanayan ko noon pa.
Nanatiling nakahawak ang kamay ko sa tasa habang nakatingin sa labas. Unti-unting kumurba ang labi ko habang inaalala ang mga memorya ko sa loob ng ilang taon. Mga alaalang masasakit pero nagkaroon ng pwesto ko at isipan ko.
Ang memorya na ako na lamang ang meron. Dahil ang sa iba, naglaho na.
Pero kahit ilang siglo pa ulit ang lumipas, mananatili ang mga alaalang ito sa akin.
Mga alaalang babaunin ko habang buhay. Mga alaalang matagal ko ng kasama at makakasama pa...
Hanggang kamatayan.
•••