7. The Friend

1234 Words
Nakatingin ako sa tasa na nakalagay sa lamesa. Iba ang kulay ng tubig na nasa loob nito. "Ano 'yan?" Giit ko sa babaeng kaharap ko.  Lumawak ang ngiti ni Scarlet sa sinabi ko. "It's a tea! Try it!" Masiglang sagot niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahan-dahan kong kinuha ang tasa at inamoy ang tsaa. Hindi ko trip ung amoy. Hindi pa 'ko nakakatikim nito. Nakikita ko dati na hinahanda ito sa mga bisita sa palasyo pero hindi pa 'ko nakakainom dahil bata pa 'ko. Sinubukan kong tikman ang tsaa at hindi maipinta ang mukha ko nang malasahan ito. "So? How was it?" Tanong ni Scarlet. Masigla nitong hinihintay ang sagot ko. "Isn't obvious? Hindi masarap." Walang ganang sagot ko. Ibinababa ko ang tasa sa lamesa. Sumimangot si Scarlet sa naging reaksyon ko. Hindi niya ko masisisi. Mukhang hindi nako iinom pa ng tsaa kahit kailan dahil alam ko na ang lasa nito. "Tsk. Pangit lang panlasa mo." Nakasimangot na sambit ng babaeng kaharap ko. Deretso nitong ininom ang tsaa niya. --- I almost spent most of my time with Scarlet. Hindi ko inaasahan na magkakasundo kami. And the fact that she's also a gifted made us even closer. Sinabi niya sa akin ang mga kaalaman niya sa mga Gifts and Gifted. Hindi ito makapaniwala na isa akong heiress ni Cronus. "Woah. Inakala ko dati na isang alamat lang ang mga tagapagmana ni Cronus. Hindi ko inakalang makakakilala ako ng isa." Natutuwang sambit sa akin si Scarlet. Kapwa kaming nakaupo sa damuhan habang tinitignan ang tanawin sa parke. "Hey, Helena. Have you heard about the story of The cursed gifted?" Pag-iiba ng babaeng katabi ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "The cursed gifted? Nah." Sagot ko. "It was a story about one of the first Gifteds." Pangunguna ni Scarlet. Nanatili akong nakinig sa kwento niya. Nakaharap siya sa langit na nag-iiba na at naghahalo ang mga kulay dahil sa palubog na araw. "Sinabi na may tatlong mortal daw na ang nagdasal at narinig ng Diyos. Each one of them were given a gift. Sila ang unang tatlong tagapagmana ni Cronus." Panimula ng babaeng kasama ko. "One of them got Ability Adoption. The next one was Ability Destroyer. And lastly, ofcourse, your gift, Time Control." Nakakurba ang labi ni Scarlet habang nagkekwento na para bang sabik-sabik na ipaalam sa akin ang alam niya. "They were considered as Gods and Goddesses because of the ability they have. At kagaya ng hiniling nila, tinupad nila lahat iyon gamit ang gift na nakuha nila." "But the first Gifted who has the Time Control, was blinded by his powers. Hindi niya ginawa ang hiniling niya. Bagkus ay kinalimutan niya ang lahat ng taong humingi sa kaniya ng tulong." Nakuha ng kwento ni Scarlet ang atensyon ko. "That made the God of time angry. And punished him." Muling kwento nito. "Just like what he did, binalik sa kaniya ng diyos iyon. He erased his existence." Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Napalunok ako nang malalim. Bakit gano'n? Bakit pati kami nadamay sa kasalanan na ginawa niya? Bakit kailangan mabura rin ang sa amin na nakakuha ng gift niya? Narinig ko ang pagtawa ni Scarlet. "It's just a legend though. Panakot lang sa mga batang gifteds kapag ginamit nila sa kasamaan ang gift nila. I mean, you're the evidence. I know you, I know that you exist. Kahit hindi ka nga lang tumatanda." Natatawa niyang sambit. Mapait akong napangiti sa sinabi niya. Wala akong binanggit sa kaniya tungkol sa nakaraan ko.  Na isa akong dugong bughaw.  Na nabura ang mga alaala sa akin ng lahat ng taong kilala ko. "Hindi ko nga alam kung bakit pa sa akin napunta 'to. Wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay." Sagot ko. Nagbago ang ekspresyon ko. Bumalik nanaman sa alaala ko ang araw na napunta sa akin ang gift na 'to. Unlike any other gifts, ang gift ko ay hindi namamana sa mga magulang. Bagkus ay napapasa ito. Kahit hindi mo kilala o walang koneksyon sayo, maari mong malipat ang gift na ito. But only if you're about to die.  Because this gift erases your existence, stops your time and prevents you from aging. But in exchange, you have a full control in time. Pero anong silbi ng pagbalik mo ng oras kung ung taong gusto mong balikan ay hindi ka na maalala? "Uy! Helena! Nakikinig ka ba?" Rinig kong sambit ni Scarlet. Natauhan ako sa sinabi niya. "A-Ah, sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Pagpapaulit ko. Scarlet pouted before answering. "Hays, ang sabi ko, sumali ka sa isang guild! Para kumita ka!" Sambit niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Guild?" Pagtataka ko. Itinaas sa aking ng babaeng kaharap ko ang sleeve niya. Doon bumungad sa akin ang isang bow na tattoo.  "I'm a member of Huntsman, an open guild." Muling sambit ni Scarlet. "Sa guild makakuha ng mga trabaho ang mga gifted na katulad natin." Hindi ko mapigilang humanga sa sinabi niya. Wala akong ideya na mayroon palang mga guilds. "Pero balita ko ay nagkalabuan ang mga guilds eh. Kaya nahati sila sa dalawa. Ang open guilds at dark guilds." Pag-iiba ni Scarlet. "Anyway, After I finished my mission here, do you want to go with me? Tara na Helena!" Pag-aaya niya sa akin. Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Wala akong dahilan para hindi sumama. Wala naman akong maiiwan sa bayan na ito. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango. "Nice! You should smile more! Para hindi ka lagi mukhang bata na inagawan ng candy." Natatawang sambit ng babaeng kaharap ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya na kinatawa niya. --- Nang matapos ang mission ni Scarlet sa bayan na tinutuluyan ko ay sinama niya ko sa Gaela—town where the guild is. Hindi ko maitatangging napaka ganda ng tanawin.  Scarlet took me to her guild and the members welcomed me warmly. Walang bakas ng paghuhusga sa mga mukha nila. After a long time, ngayon na lang ulit ako naakramdam ng ganito. "Celebrate natin ang pagdating ng bagong myembro!" Masayang sambit ng isa sa mga gifted sa guild. Napuno ng kasiyahan ang araw na dumating ako. Ayoko ng matapos 'to. Gugustuhin ko na lang na ganito palagi. "Oh Scarlet! Malapit na kasal ah!" Natatawang sambit ng isang myembro, Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Nabigla ako sa narinig. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Scarlet. "I-Ikakasal ka?" Namamanghang tanong ko. Kumurba sa isang ngiti ang labi ng babaeng kaharap ko bago niya ipakita sa akin ang daliri niyang may singsing. "Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Sa susunod na linggo ay ikakasal na'ko." Nakangiti niyangsagot sa akin. May lalong nadagdagan ang saya ko sa sinabi niya. Sobrang saya ko nang malaman na ikakasal na pa siya. Napaka swerte ng taong papakasalan ni Scarlet. Walang katumbas ang kabaitan niya. Nagpatuloy ang kasiyahan hanggang sa biglang napunta ang lahat ng atensyon ng mga tao sa guild sa bagong dating. Kagaya nila ay napunta rin ang tingin ko sa pinto. Parang bumagal ang oras at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. His red hair was the first thing that caught my attention. Nakangiti itong pumasok sa loob ng guild. Unti-unting umangawang ang bibig ko at napako ang tingin ko sa kaniya. Bago ko pa mabanggit ang pangalan niya ay nabigla ako nang tumayo ang babaeng katabi ko at sinalubong siya ng yakap. "Evan!" •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD