Chapter 59

2072 Words

PAGMULAT ng aking mata ay puting kisame. Malamig ang paligid at may yakap akong kulay berdeng throw pillow. Napaisip ako kung nasaan nga ba ako.  Suot ko ang puting t-shirt ni Jasper. Nakahiga sa sofa sa pamilyar na lugar. Sa duplex niya. Bumalikwas ako. Hinanap siya ng mga mata ko.  "Jasper?" Walang sagot. Napatayo ako upang hanapin siya. Ngunit wala. Pinasok ko ang banyo upang hugasan at ayusin ang aking sarili. Napatingin ako sa salamin habang pumapatak ang mga tubig sa aking mukha. Nasaan si Jasper? Dapat ba akong mag-alala? Kanina pa ba siya wala? May bakas pa ang sofa ng naganap sa amin buong gabi. Hindi ko malilimutan ang bawat salitang sinabi niya. Ramdam ko rin sa pagitan ng mga hita ko ang bahid, ang sakit at pamamaga ng aking kalamnan. At 'di ko malilimutan ang pag-amin ko sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD