NAGISING akong wala na si Jasper sa tabi ko. Hindi ko na namalayan ang pag-alis niya. Sana hindi na lang ako nakatulog. Nanghihinayang tuloy ang pakiramdam ko ngayon. Wala pa rin pala akong suot maliban sa kumot na ibinalot sa akin ni Jasper kagabi. Ipinikit ko ang mga mata ko. Inalala ang nangyari. Parang ramdam ko pa ang init ng mga yakap niya. Inihiga niya ako sa kama at binantayan. Uminit ang mga mata ko. At nagmulat para pawiin ang nasa utak. Hindi na tama na alalahanin pa iyon. Hayan nga! Umalis din siya. Sana man lang ay ginising niya ako at nagpaalam ng diretso sa mukha ko. Pero hindi nga 'di ba? Nagbihis ako. Napangiwi ako sa kirot mula sa balakang ko. Pero hindi na ganoon kasakit kaya naghanda na ako. Inayos ang sarili para makatulong sa club bago pa magbukas ilang oras mula n

