NAGKITA kami kinabukasan ni Jasper sa harap ng hapag. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Tatay na nagsisilbi sa akin ng agahan. Gusto ko kasing tanungin siya. Kung may sinabi ba si Jasper tungkol kagabi. Hanggang ako na ang hindi nakatiis. "K-Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Jasper na nakatingin sa kanyang pagsubo. "Never better." Sunod-sunod ang pagsubo niya ng almusal. Nagluto si Tatay ng mainit na sabaw para sa kanya. Minsan, naiisip ko, mas nagiging ama pa si Tatay Baron sa kanya kaysa kay Don Diego. "M-May naaalala ka ba kagabi?" Seryoso ko ulit na tanong. Ibinaba niyang saglit ang kutsara. "Let me see..." Tumingin sa itaas na parang nag-iisip. "I remember you walked out." Sabay titig sa akin. "Sinigawan mo 'ko, Jasper." Sabi ko ng mahinahon. "Napataas lang ang

