''Nay ate asan kayo?'' Sigaw ng kapatid niya sa labas para itong kinakabahan na tuwang tuwa kaya naman agad silang napatayo ng kanyang nanay. Anu ba yun Jack pinapakaba mo naman ako? sagot ng kanilang ina. Imbes na sumagot ay tumakbo ito mula sakanilang kinatatayuan at yumakap sakanilang dalawa ang kanyang kapatid. Ayna apo Jack! anu bang nangyayari sayong bata ka? Humiwalay naman ang kapatid mula sa pagkakayakap sakanila napakalawak ng ngiti nito kaya naman napakunot siya ng nuo. Nay ate natupad na ang pangarap natin dumating na po ang pinakaaantay natin,Nay ate natanggap na po ako sa inaplayan kong unibersida sa Maynila. Nagsisisgaw naman sa tuwa ang kanilang ina masayang masaya ito dahil sa tagumpay ng kanyang kapatid hindi naman na siya nagtaka dahil alam niyang makukuha ito ng kanyang kapatid bukod sa gwapo ay matalino din kasi ito kaya madami rin ang naghahabol ditong mga kababaihan isa rin siya sa varsity player kaya wala ka na talagang hahanapin pa sakanya masasabi niyang swerte ang mapapangasawa ng kanyang kapatid.''Congrats ading ko,salamat ate kayo ang inspirasyon ko kaya ako nagtagumpay kayo nila tatay.''Eh kailan daw ikaw luluwas?bigla naman lumungkot ang mukha ng kanyang kapatid. Yun nga po nay sa makalawa kailangan daw po ay makapagreport na po ako.Ngumiti ang kanyang ina bilang tugon pero makikita mu ang bahagyang pagkalungkot ng mata nito ito kasi ang unang pagkakataon na malalayo ang isa sakanila. ''Oh siya kung ganun abay maghanda ka na ng mga kailangan mu para pagdumating yung petsa ng pagalis mu ay hindi ka na magkukumahog na maghanda may tatlong araw ka pa naman para maghanda. Nay ok lang po ba kayo dito? Naku kaw na bata ka huwag mu kaming alalahanin at nandito naman ang tatay mu ang isipin mu ay ang sarili mo at talagang maninibago ka sa lugar na pupuntahan mu. Pano kaya kung isama ko si ate nay para naman hindi ako masyadong ma home sick atleast may isa akong kasama sa inyo? Napaisip ang kanilang ina,sabagay tama ka para may magbabantay din sayo at baka malamn laman nalang namin nakabuntis ka na duon. Nay baka lalo po tayong mapagastos kung sasama pa ako kay Jack saka anu gagawin ko run wala akong trabaho doon pano nalang ang pang araw araw namin eh sa naririnig ko mahal daw ang bilihin duon? Huwag kang mag-alala nak kakausapin ko tatay mu para pag pumayag siya pwede kitang irekomenda sa isa sa mga anak ng kaibigan ko na nagtratrabaho duon sa Maynila hiring daw sila sinabihan nila ako nung isang araw kung gusto mo raw pwede ka nilang ipasok. Kung ganun po nay sige po payag po ako at makakapadala pa po ako ng pera para sainyo kung sakali. Naku huwag na anak magipon ka para sa sarili mo huwag mu kame alalahanin at kaya pa naman namin ng tatay mu ang magandang gawin mu bantayan mu ang kapatid mu at baka hindi makapagtapos yan sabay batok nito sa kapatid niya.''Aray nanay naman eh kailan pa po ako naging pabaya sa pag-aaral ko? Iba duon madaming magagandang mga babse duon kaya hindi malayong may makabingwit sayo duon kaya huwag ako Jack papunta ka palang pabalik na ako.