Mabilis lumipas ang araw at paalis na nga sila ng kanyang kapatid na si Jack. Napapayag ng kanilang ina ang kanilang tatay na sumama siya sa kapatid upang may makakasama ito at makapagbabantay na din dito. Ayaw pa sana talaga niyang pumayag pero wala na siyang nagawa ng mismong ang ama na nila ang kumausap sakanya. Nasa stasyon na sila ng Bus na kung saan ay patungong Maynila hinatid sila ng kanilang ina at ama hindi na nakasama ang iba pa nilang kapatid dahil may mga pasok ang mga ito. Pumunta ang ina nila sa counter upang bumili ng kanilang ticket samantalang sila ay umupo muna sa mga upuang nakalaan para sa mga pasaherong nagaantay ng kani-kaniyang biyahe. Anak huwag mung pababayaan ang ate mu dun ah bantayan mu siya, alam mu naman na walang maalala na kahit na anu ang ate mo? Opo tay alam ko naman po yun huwag po kayo mag-alala ako na po bahala kay ate. Tay kayo po ang laging magiingat kasi matanda na din po kayo huwag niyo po masyadong pagurin ang sarili niyo pero huwag po kayong mag-alala pag ako po naka sahod sa papasukan kong trabaho ipapadala ko po sa inyo yung iba para sa pang gastos niyo. Salamat nak pero hindi mo naman kailangan gawin yun kaya pa naman namin ng nanay mu ang intindihin mu ay ang buhay ninyo ni Jack dun at ibang iba ang buhay duon kaysa dito sa probinsya. Salamat po tay mamimis ko po kayong lahat si nanay at ang iba ko pa pong kapatid. Tumayo siya at binigyan niya ng isang mahigpit na yakap ang kanyang tinuring na ama mula nung magising siya sa isang malagim na aksidente naluluha na din siya dahil sa mapapalayo na siya sa mga ito. Anu yan? sabat ng kanilang ina na makikita rin sa mga mata nito ang kalungkutan kahit pinapakita nito ang mga ngiti ay hindi parin maikakaila na malungkot ito. Nay payakap din po mamimis ko po kasi kayo nang husto? Lumapit naman ang kanilang ina at yumakap na din saknila kasama ang si Jack. Oh siya tama na ang drama heto na ang ticket ninyo sumakay na kayo at baka kayo ay maiwan lagi niyo tatandaan ang mga bilin namin ng tatay niyo ha lalong lalo ka na Jack? Napatawa naman siya dahil sa itsura ng kanilang ina at napakamot nalang sa ulo ang kanyang kapatid. Opo nay ako na po ang bahala lagi naman po kame tatawag sa inyo ni ate para ipaaalm kung anu ang nangyayare samin sa siyudad. Aba dapat lang? oh siya sige na sakay na at baka mag iba pa ang isip ko at baka hindi ko na kayo patuluyin pa? I love you mga anak ko sigaw pa ng kanilang ina bago magsara ang pintuan ng Bus kinawayan nalang nila ang mga ito bilang tugon lumipas lang ang limang minuto ay napuno na ang loob ng sasakyan. Kaya naman nag anunsiyo na ang kondoktor nito na aalis na sila. Umandar na nga ito habang papalayo ang bus ay unti unti na din nawawala sa paningin nila ang kanilang mga magulang hindi parin niya maiwasan na mapaluha kaya naman niyakap nalang siya ng kapatid upang gumaan ang kanyang kalooban.