Hindi mawaglit sa isip ko ang pinakitang larawan ni Vera kung saan kasama nga n Sir Rhuel ang isang babae na Gelene ang pangalan ma ayon pa kay Vera ay ang nag-iisang babae na mahal at nais pakasalan ng amo ko. Kaya pala hindi siya nakauwi mula kahapon ay may iba na pala siyang inaasikaso. Wala naman akong pakialam pero bakit parang medyo nakadama ako ng lungkot na parang gusto ko maiyak? “Dea, hindi tama yang nararamdaman mo. Huwag mong sabihin na nasasaktan ka dahil ikaw ang tunay na asawa tapos may ibang babae na dini-date ang asawa mo? Baka nakakalimutan mong sa mag-asawa lang kayo sa papel?” sermong ng isip ko sa akin. Tama naman. Narito ako dahil may kailangan lang makuha si sir Rhuel pagkatapos ay aalis na rin ako. At mukhang malapit na ang araw na yon. Kailangan kong puspusan

