“Sir, salamat.” Taos sa puso ko na pasasalamat kay Sir Rhuel sa pagpapagawa niya ng buobg bahay namin. Gusto ko rin naman na ipagawa at gawing bato ang bahay namin pero hindi naman ganun kaganda. Labis-labis ang ganda ng bahay namin ngayon sa kung paano lang ang pangarap ko. “So, alam mo na pala?” aniya sa akin. Napatango at saka ngumiti. “Naglilibot kami ni Ron hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa amin. Natanaw ko ang bahay at nagtagpo kami ni Daria sa daan.” Salaysay ko. “Walang anuman, Dea.” Sagot niya. “Bakit sobra naman yata ang pagpapagawa mo sa bahay namin, sir? Magkano ang nagastos mo at baka mamaya magulat na lang ako at singilin mo ako?” biro ko lang naman. Ngumisi siya. “Alam mo naman kung paano ako maningil. Kung ano ang pwedeng maging kabayaran.”

