Simula ng magniig na kami ng tunay ni Sir Rhuel ay nag-iba ang paligid. Ang totoo palaging may fresh na bulaklak sa tuwing gigising ako sa umaga katabi ng pagkain na almusal na siya na mismo ang nagluto pata para sa amin ni Ron. Napapangiti na lang ako at saka sasamyuhin ang mabangong amoy ng sariwang bulaklak. Masarap pala sa pakiramdam iyong tipong pinapasaya na ka ibang tao. Babae ako kaya masaya ako na nakakatanggap ako ng espesyal na pakikitungo sa akin sa kalakip ng munting regalo gaya ng simpleng bulaklak. Maging sa pagkain ay sobra kung mag-effort si sir Rhuel kaya naman talagang napapalakas talaga ang kain ko. Ganito pala kapag hindi stressed. Hindi kailangan na mag-isip na dapat magsipag ako sa trabaho para sa malaking sweldo. Iyong wala naman akong ambag sa kahit na anong

