Palubog na ang araw pero mukha talagang walang balak na umalis ang bisita namin. Kanina ko pa hinihintay na magsabi na siyang aalis na siya pero nananatili na para bang wala siyang pakialam kahit madilim na sa labas ng bahay. Matapos ng mainit na tagpo namin sa banyo ni Sir Rhuel ay nagpaalam siyang bibisita sa taniman niya ng mga pinya na pang-export kaya halos ilang oras din siyang wala sa bahay. Samantalang ako at si Ron ay nasa loob lang ng kwarto at wala sana akong balak lumabas para harapin ang bisita namin ang kaso lang ay pumasok sa utak ko na baka kung anong gawin ni Gelene habang hindi kami nakatingin. Sa sala na lang kami naglaro ng anak-anakan ko kung saan nga nakipaglaro rin sa kanya ang bisita namin na halatang pinipilit lang makipag-bonding sa bata. Para bang sa obserb

