Nagpupuyos ang kalooban ko sa galit. Para bang pakiramdam ko ay naisantabi ako. Na itsapwera na naman. Ako ang legal na asawa pero ako ang naiwan? Kami ni Ron na ang niya ang pamilya pero niya pero iniwanan kami para sa ibang babae? Ganito ba ang pakiramdam ng tunay at legal na asawa na ipinagpapalit sa ibang babae? Ipinagpalit sa kabit. Umalis lang naman si Sir Rhuel na kasama ang Gelene na yon at iniwan kami ni Ron dito sa bahay. Talagang mas concern pa siya sa babaeng yon kaysa sa amin ng anak niya. At ang Gelene na yon? Ang babaeng yon! Akala niya yata hindi ko naaamoy kung anong tunay niyang motibo. Kung anong tunay na adhikain niya sa pagbabalik na ito. Masyado na akong naging api-apihan at panahon na siguro para lumaban naman ako. Tulog na si Ron kanina pa pero ako a

