Naghanap ako ng pwede kong tirahan pagkatapos kong umalis sa hacienda ni Sir Rhuel. Nakakita naman ako ng isang buong bahay na tamang-tama lang naman para sa akin. Dito muna ako magtatago hanggang sa makapanganak ako. Mabuti na lang din at natanggap na din ako sa trabaho na hindi ko na kailangan na bumiyahe pa para pumasok dahil ang trabaho ko ay work from home na. Kailangan ko lang ng stable na internet connection at kung sa paligid naman ay walang problema. Gaya ng sa bahay namin sa bukid ay napakatahimik. May mga kapitbahay ngunit malalayo rin ang pagitan. Ngunit hindi gaya sa lugar namin na malayo sa pamilihan dahil itong upahan ko ay malapit lang sa bayan kaya malapit din ako sa lahat tulad sa palengke lalo na sa ospital. Sinabi ko rin sa mga magulang ko na baka matagala na naman

