Kahit gaano nagpupuyos ang kalooban ko ay pilit kong kinakalma para ang sarili ko. Gusto ko ng sugurin at pagsasampalin si Sir Rhuel sa ginawa niyang panloloko ay wala na yata akong lakas para gawin. Kahit yata ang magsisigaw pa ay hindi ko na kaya pa. Iyong paglalakad ko nga pabalik ng hacienda ay sobrang bigat na ng mga paa ko. Wala silang pagkakaiba ni Kiko. Pareho lang silang manggagamit para sa sariling kapakanan. Tulog pa siguro si Ron kaya tahimik pa rin ang kabuuan ng bahay. Wala pa talagang ala-singko ng umaga ng magpasya akong umalis na ng bahay namin. Ayokong makita nina nanay, tatay at ni Daria na namumugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. At isa pa, tiyak na magagalit din si Daria dahil maging sila ni Matias ay niloko ni Sir Rhuel. Wala rin akong tulog buong magdama

