Episode 54

2056 Words

“Miss mo na siguro ang pamilya mo kaya halos araw-araw kang wala sa mood at malungkot,” ani ni Sir Rhuel ng sabay-sabay kaming kumakain ng almusal. Siya, ako at si Ron. Ganito yata talaga ang naglilihi. Laging masama ang pakiramdam. Lagi kong gustong mahiga at pumikit kahit hindi naman ako inaantok. Tamad na tamad akong kumilos dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko. Idagdag pa ang kaalaman na alam ko na ang tungkol sa malaking halaga ng pera na natanggap ni Sir Rhuel mula sa pamilya ni Ron. Hindi malinaw ang kwento pero ano pa bang dapat ko pang alamin? Sapat na alam ko ang pinakabuod ng kwento kung bakit siya nangailangan ng instant bride. “Heto,” pagkatapos ay inilapag niya sa lamesa malapit sa akin ang cellphone ko. Tinitigan ko lang ang cellphone dahil wala naman akong gana na gum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD