Hindi na lang ako masyadong kumikibo sa bahay. Ginagawa ko ang ibang mga gawain at hindi na lang ako nagrereklamo kahit gustong-gusto ko ng alamin ang katotohanan kay Kiko. Kahit kasi cellphone ay hindi ko siya makokontak dahil kinuha lang naman ni Sir Rhuel ang cellphone ko. Ganun siya kalupit. Ayaw niya na malaman ko kung ano ba talaga ang totoo. Kaya naman mas lumalakas ang hinala ko na sinisiraan niya lang talaga si Kiko sa akin. “Mommy, may tao po.” Sabay turo ni Ron sa gate ng bahay. Kasalukuyan akong nagwawalis habang sumusunod naman ang anak-anakan ko na dala ang dustpan. May tao nga naman sa labas ng gate. Isang babae pero hindi si Vera. Nasa loob naman si Sir Rhuel kaya kung kilala niya ay papasukin niya naman itong babae. “Goodmorning, Miss.” Pagbati naman niya sa ak

