Alam ni Red ang ginagawa niya. Sigurado siyang hindi makakatakas si Luna. Iyon ang dahilan kung bakit siya tumawag sa mga magulang nito at ginamit ang acting skills niya. Since noon pa man alam na ng buong pamilya ni Luna ang tunay niyang damdamin sadyang si Luna na lang ang manhid at di man lang ata nakahalata. Takot si Luna sa magulang nito lalo na sa Tatay Sky at alam niya iyon. Makulit at pasaway lang si Luna pero maki nanay at tatay pa rin ito kahit matanda na, lagi pa din naka-ungot na parang teenager. Never itong nag desisyon na hindi ipinapaalam sa magulang. Kaya hindi ito basta aalis nang walang pahintulot. Hindi magtatangkang “tumakas” nang walang basbas ng pamilya. At sigurado rin siya sa isang bagay pa bad shot na si Casper sa pamilya Mondragon. Yung utusan mo na pumunta ang bu

