Episode 80-The world burning

1323 Words

Hindi na nagulat si Luna nang pagdilat niya ng mata ay mukha ni Red agad ang bumungad sa kanya ng magising siya. Parang natural na lang, parang iyon na ang normal na estado ng mundo niya. Si Red katabi niya sa kama sobrang lapit, tahimik at nariyan lang. Nasa bahay na siya ng mga magulang niya. Sa dati niyang kwarto. Sa kama na kinalakihan niya na amoy lavender at malinis na kumot—hindi tulad sa penthouse ni Red na laging may halo ng amoy ng kape, cologne, at pagod. Dito, iba ang pakiramdam. Mas magaan. Mas payapa parang ang gaan ng pakiramdam niya ng mga oras na yun, para bang nakapag recharge siya bigla. Pag-uwi nila kanina, pagkahiga niya pa lang sa kama, parang may humaplos sa utak niya parang may isang boses na nag uutos na matulog na muna siya at sinunod iyon ng katawan niya agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD