Kabado si Luna habang nasa komedor sila at tahimik na kumakain ang lahat, pakiramdam ni Luna na mamanhikan na sila Red kahit wala naman silang relasyon. Pero ang nagpapakaba talaga sa kanya ay ang sinabi ni Red kanina sa labas ng gate nila, parang gusto siya nitong i-take home at gawin daw nila ang mga isinusulat niya sa novel niya bilang honeymoon nila. In a way na parang hinahamon pa siya kung kaya ba niyang gawin sa tunay na buhay ang mga pinag susulat niya. Kaya naman yung katahimikan sa loob ng komendor nila ay parang may kasamang drum roll na nag papatindi sa kaba ni Luna. Kaya kahit anong sarap ng ulam nila na pinuri pa ng mga Chua ang luto ng Nanay niya pakiramdam ni Luna wala siyang malasahan. Hindi siya makakain ng maayos, para siyang construction worker na nag hahalo ng sement

