Episode 63- Ikaw at Ako pa rin

1871 Words

Dalawang araw. Dalawang buong araw na walang Red, walang yabag sa hallway, walang kalansing ng susi, walang presensiyang kahit galit o katahimikan man lang, walang music kang maririnig sa loob ng pent. Sa unang gabi, sinabi ni Luna sa sarili niya na okay lang. Sanay na siya sa distansya. Sanay na siya sa katahimikan. Mas mabuti na ‘yon kaysa sa mga salitang puwedeng makasakit. Pero pagsapit ng ikalawang araw—doon na siya tinamaan. Hindi tuma-tawag si Red, hindi nag-te-text, hindi kahit seen sa mga chat niya. Nag e-explain siya na si Mikay naman ang kausap niya pero sa inis niya kay Red inunsend niya ang mga chat niya dahil ayaw nitong i-seen. Parang bigla siyang binura sa mundo nito, ayaw man lang nitong makinig sa explanation niya. Nakakalokang mag selos wala naman proof na niloloko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD