Pakiramdam ni Casper gumuho ang mundo niya sa isang iglap habang hawak niya ang phone niya at nag s-scroll sa social media. Isang tap, isang scroll, isang headline ang nag pahinto sa ikot ng mundo ni Casper. RED ORTEGA CONFIRMS MARRIAGE. DEFENDS WIFE LUNA MONDRAGON: “TAMA NA. AKO NA LANG.” Nanlalamig ang mga daliri ni Casper habang hawak ang phone. Nasa loob siya ng hotel suite niya na pansamantalang tinitigilan habang pilit na nakiki-usap kay Luna na makipag-usap sa kanya pero ayaw na nitong humarap sa kanya after ng interview niya na hindi niya akalain na mas magpapalala papala ng stiwasyon. Buong akala niya magagawa niyang protektahan ang dalaga pero sa huli mas lalong binatikos si Luna at pinaratangan ng masasakit na salita. Kaya kahit pamilya nito inutusan na siyang lumayo bago p

