Episode 2- Superstar’s Threat

1378 Words
Parang ayaw ng pumasok ni Luna sa kumpanya, pakiramdam niya ang bigat ng paa niya, mapatingin siya sa magandang lobby ng MetroBeat Magazine, ilang years na ba simula ng mag trabaho siya roon. Isang dekada na din. Marami na siyang nagawang palpak pero ito na ang pinaka worse ng palpak niya at kay Red pa talaga, ang lalaking galing sa pamilyang mga abogado. Huminga ng malalim si Luna. Parang may lindol sa buong building ng MetroBeat Magazine nang kumalat ang balitang ginawa niya kay Red Ortega. Alam niya katapusan na ng career niya at ang dinig niya ngayon pupunta ang team ni Red sa company nila para maghain ng reklamo laban sa kanya kaya kabado na talaga siya kaya nga natatamad na talaga siyang pumasok pero kailangan niyang harapin ang pagkakamali niya. Muli pang napabuga ng hangin si Luna ng huminto sa harapan ng elevator kasama ang mga empleyado na panay pa ang tanong sa kanya kung okay lang daw ba siya. Kilala siya ng lahat ng emplayado ng company na yun na bubbly and jolly pero ngayon para siyang nawalan ng buhay at hindi niya alam kung kanino ba niya isisi ang kamalasan niya. Hindi pa niya nasasabi sa pamilya niya ang kagagahan niya baka makurot siya ng ina niya sa ut0ng pag nagkataon. Kaya napapikit na lang siya na muling napabuga ng hangin nang bigla makarinig sila ng kumosyon ng mga tao sa lobby. Sakto naman bumukas ang elevator at mag pasukan ang mga empleyado. Nanlaki ang mata ni Luna ng makita.... "Red Ortega." usal pa ni Luna. Suot ang simpleng puting t-shirt at dark jeans, leather jacket sa braso nito, shades na nakalagay lang sa ulo, at kasa-kasama ang manager niya na halatang hirap pigilan ang superstar. Kahit walang effort, hindi maikakaila ang karisma at kagwapo ni Red pero ang mas nangingibabaw… sa aura nito ay halatang galit talaga ito. May mga babaeng empleyado na papasok na sa elevator na napapabulong ng “Grabe, mas gwapo pala siya in person…grabe yun lips nya...” Nag kukumahog naman si Luna na pumasok ng elevator bago pa siya makita ni Red. “Elevator tayo,” malamig na utos ni Red sa manager niya na agad naman sumigaw ang manager na pigilan daw ang pinto ng elevator. Halos naman isiksik ni Luna ang sarili sa pinaka likod dahil pinigilan nga ng isang empleyado na mag sara ang pinto. Pag talagang minamalas ka ng bongga. Hindi siya prepared na sa ganitong pagkakataon ulit sila magkikita ni Red, matagal tagal na din ng magkaharap sila sa gathering ng mga pamilya nila. Masyado itong busy sa career nito kaya bihira itong maka attend sa mga party, madalas sa TV lang niya ito na kikita. Sa bawat lipat mo ng chanel pag mumukha nito ang makikita mo, bawat kanto ng Metro Manila may billboard nito. Mauumay ka na lang talaga sa mukha nito. Sobrang in demand nito kaya lahat talaga ng mata dito nakatutok. Hindi siya emotionally ready sa mga oras na ito hindi niya alam kung paano ito haharapin after siya nitong sendan ng almost nude photo nito na may pa er*ction pa kaya talaga mas lalo lang siyang nanliliit. Oh my gulay, Lord… bakit ako? Dumiretso si Red sa elevator, nagsiksikan lahat ng empleyado—at kahit sobrang sikip, walang gustong bumaba. Gusto nilang makita si Red, makatabi, marinig siya, maamoy ang cologne niya. Ganun kabaliw ang mga pilipino sa mga guwapong artista kapag nakakakita ng mga ito. Kung ang iba kabado dahil sa excitement dahil katabi ng mga ito si Red. Pero si Luna gusto na niyang lumusot sa pader ng elevator. Tahimik ang elevator habang unti-unting umaakyat. Walang may gustong umimik dahil alam naman ng lahat ang issue na ginawa niya kaya naman napapalingon pa sa kanya ang ibang empleyado lalo na at nakitang halatang nag tatago talaga siya sa likod at nag sisiksik. Hanggang sa biglang magsalita si Red, maganda ang bedroom voice nito lalo na at kulong sa loob ng elevator pero sa pandinig ni Luna nakakakilabot ang dating nun. “Yung gumawa ng article na ‘yon…Ang babaeng yun.” malamig ang tono na usal ni Red na may pag suntok pa sa pinto ng elevator na ikinasinghap naman ng lahat pero walang nag komento, tahimik lang at lahat kabado na sa nakikitang galit ni Red. “Kapag nahanap ko ‘yon at nakita ko siya ngayon mismo, isisilid ko siya sa maleta.” mariin na wika ni Red na ikinangiwi ni Luna na napaantanda pa ng krus. Napalunok naman ang iba na napasinghap na ang ilan ay napalingon kay Luna na tulad niya naka ngiwi din. “…at ipapadala ko sa North Korea.” May ilan sa mga empleyadong muntik nang matawa pero pinigilan ang mag react dahil takot na madamay sa gulo. Sino ba naman ang maglalakas ng loob? lalo na at isang top superstar ang kalaban. “Hahayaan ko siyang gawing panggatong ng mga tao dun. Sigurado ako, mabilis siyang matutuyo kasi mukhang wala namang laman ang utak niya." "Ayyy grabe siya? Meron naman... daliri ko lang naman ang nagkamali hindi kasama ang utak ko... grabe naman tong makapagsalita? Apaka perfect lang...?? bulong ni Luna sa isip niya. "Oh my gulay, ayokong maging panggatong ng mga kimchi." She tried to shrink behind the others, dahil sa height niya a.k.a. duwende problems, madali lang yung gawin pero dahil sa mga ka workmate niya na paminsan-minsan napapalingon sa kanya mahahalata siya anytime soon kung hindi pa baba si Red. Ilang segundo lang bigla unti-unting lumingon si Red, parang may radar. Yung tingin niya tumagos sa mga empleyado, diretsong pumako sa pinakalikod—kay Luna na pilit na iniyuyuko ang ulo at inihaharang ang bangs niya sa mukha para maitago, gusto niyang tumalikod pero dahil masikip hindi maka kilos ng maayos ang dalaga. Napalunok siya nang maramdaman ang mainit na titig ni Red maging ang mga empleyado. Sa sobrang panic niya, ang naisip na lang niyang gawin ay ngumiti. Isang awkward, pilit na ngiting parang nagbe-beg. Please wag mo akong gawing uling, pogi ka pa naman. Matalim ang tingin ni Red sa kanya. Walang salita pero sa loob ng elevator, ramdam ng lahat ang bigat ng titig nito na parang sa titig palang dinig mo na na minumura na siya nito. "Ding!" tunog ng elevator na parang pakiramdam ni Luna nakahinga na siya ng maayos. Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas si Red at ang manager nito, pero bago tuluyang sumara ang pinto, pinigilan nito iyon sandali at dumiretso muli ang tingin kay Luna. “See you upstairs… Bansot.” wika pa ni Red na parang nag dedeklara ng gera. Collective gasp ulit ang mga tao na napapalingon kay Luna habang may ilang nag bubulungan na. “Bansot daw?!” bulong ng isa. “Close ba sila?!” tanong ng iba. “Lagot ka, Luna…” sabi ng katabi niya saka tuluyan na nag sarado ang elevator at parang napako na lang ang mata nila ni Red sa isa't-isa habang pasarado ang pinto. Parang gusto niyang mahimatay. Kasi ibig sabihin lang nun—kilala pa rin siya ni Red Ortega, hindi siya nito nalimutan kahit matagal na panahon na din ang lumipas. Gaga ka ba? Sino bang makakalimot sa'yo sa liit mong yan? tapos anak ka pa ng pang bansang ninong malamang! napangiwi naman si Luna na tumalikod sa saka parang tanga na iniuntog ang sarili sa elevator wall. Red publicly acknowledges her with the nickname Bansot, shocking the whole MetroBeat staff. Kaya tiyak kakalat na ang balitang yun sa buong kumpanya. Alam ng lahat na maliit siya obvious naman kasi wla naman natawag ng bansot sa kanya sa company nila. Kaya mag tataka talaga ang lahat ng tawagin siya ni Red sa ganun pangalan tapos yun tono po ng pagkakabanggit nito halatang hindi iyon panglalait, kundi parang endearment sa isang kaibigan. "May past ba kayo ni Red Ortega?" tudyo pa ng isang emplyado. "Asawa ko siya." ngiwi na lang na sagot ni Luna. "Asawa siya ng lahat... wag mong solohin." natatawang sagot naman ng isa. "Lagot ka Luna humanda ka na isisilid ka dw niya sa maleta." biro pa ng isa. "Okay na sa maleta Luna, wag lang sa sako." dugtong pa ng isa na inaasar, na lalo ng ikinangibit ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD