"Huy! Red." tawag ni Luna habang naka tayo sa may labas ng pinto ng kuwarto, hindi niya makalapit rito dahil galit si Red at na ninigaw. Bumagsak naman ng upo si Red sa sofa after alisin ang mga paper bag na nakakalat sa sala na mas lalo pang nadagdagan sa mga pinamili ni Red. "Red naman eh!" tawag pa ni Luna na humakbang ng isa ng nahiga nang patagilid si Red, ang isang braso nakatakip sa mata, parang isang lalaking naubusan ng lakas, pasensya, at pananalig sa sangkatauhan. After ng nangyari kanina lang parang nag ka emotional trauma ito kesa sa mga eskandalo na kinaharap nito. Hindi nito itinago ang galit, galit na galit talaga ito parang babaeng mag memenopause, which is na iintindihan naman niya ang ginagagalit nito pero hindi naman niya sinasadya. “Red…” wala ni isang tugon talaga

