Halos duldulin na ni Red ang doorbell sa labas ng unit ni Luna, alam niyang tulog na ito at wala siyang paki-alam kung natutulog na ito. Na iinis siya dahil sa ginawa nito, straight from Olongapo dito na siya dumertso sa unit ni Luna kahit anong paki-usap ni Miles na iuuwi na siya hindi siya pumayag. Kailangan niyang makita si Luna dahil hindi rin naman siya makakatulog ng hindi ito na kakausap. Tumawag na siya kay Thunder at tinanong kung umuwi ba sa bahay ng mga ito si Luna, ang sabi naman nito hindi daw kaya dun na siya dumeretso sa condo nito. Ang higpit ng bilin niya rito na in case na mag ka problema tawagan siya nito or i-text dahil may kutob na talaga siya na kakausapin talaga ito ni Kuya Vic pero hindi niya inasahan na idadamay na ni Kuya Vic ang PR management ng agency para pal

