Kung alam lang siguro ng prisedente ng Singapore kung ano’ng klaseng kalamidad ang dumating sa borders nila, baka nagpa-extend sila ng immigration interview para hindi siya makapasok. Kasi habang hinihila siya ni Red sa hallway...yes, hinihila, parang aso na naligaw sa expressway. Ang utak niya ay divided into three panic alarms na hindi na niya alam kung ano ang una niyang iisipin like— "Bakit ang gwapo niya fresh from the shower?" "Bakit ang bango-bango niya amoy shampoo siya habang ako mukhang nilunod sa canal? "BA’T BA SIYA NAHULI NI RED NA KASAMA SI CASPER NA MAY KAAMOY NA LUXURY PERFUME???" At oo, pangarap niyang mawala sa earth right now dahil hindi niya alam talaga ang sasabihin kay Red. Buong akala niya kuwarto nito ang nilabasan nito kanina. Hindi pala kuwarto daw iyon ng man

