After ng mainit na kaganapan nila sa ibabaw ng dining table at kama nagyon naman nasa harapan na sila living room. Pareho silang nakatayo naka-tulala sa sandamakmak na kahon, paper bag at resibo na para bang may naganap na retail apocalypse ng nakaraan araw. Si Luna ang unang huminga nang malalim, ngayon niya na realize kung anong kagagahan ang ginawa niya. “Okay,” sabi niya, nakapamewang, nakasuot ng oversized shirt ni Red na hanggang mid-thigh niya lang. Gusot pa ang buhok na basta na lang itinali pero malinaw na ang isipan. “Logistics problem muna bago emotional trauma.” ani Luna habang humakbang naman si Red sa patungo sa center table at kinuha ang mga delivery receipt, basa pa ang buhok, naka-gray shirt at pajama pants. Tahimik niyang tinginan muli ang mga pinamili ng asawa na par

