"Ang galing mo talaga, Red Ortega. Superstar ka nga—super star sa kagaguhan!” gigil na bulalas ni Luna na hindi na maipinta ang mukha sa inis. Malakas ang ulan sa labas, halos hindi na marinig ang mga sariling boses nila. Habang tahimik lang si Red sa driver’s seat, nakataas ang kilay at kunwari kalmado habang ang windshield wiper ay desperadong lumalaban sa buhos ng ulan sa labas. Walang silang gas, literal. Dead engine. Tapos nasa gitna pa sila ng kung anong barangay na walang signal, walang bahay, walang kahit anong living things na gumagalaw. Maliban sa kalapating dumaan kanina na mukhang mas may direksyon pa kaysa sa kanila. “Hoy!” sigaw pa ni Luna habang nakaturo sa gauge na kulang nalang basagin na ni Luna sa inis. “Alam mo bang ‘yung maliit na arrow na ‘yan, kapag nasa E, ibig s

