bc

Primeval Love

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Adventurous story of two young ladies from the past to modernity world. Now you will meet Maria Esperanza and Maria Agatha in a modern world. Paano kaya sila mabubuhay?

chap-preview
Free preview
SIMULA- LES AVENTURE
Warning: Sa Thesis ko lang ang may free grammarian kaya expected na walang grammarian dito; wala akong pera LOL. Hindi tayo perfect kaya huwag mag-expect na tama lahat ng grammar. K? Ang lahat ng ito ay pawang imahinasyon ko lang kung may coincidence man, hindi ko na kasalanan yon. Basta, magsusulat ako XD. PRIMEVAL LOVE BY LANGGRICONOMICS XD! Les Aventure of Esperanza and Agatha in modernity world. Happy reading! ... Hindi mapakali ang dalaga sa kanyang kwarto tila ba'y naguguluhan siya sa nangyayari, gusto niyang malaman ang pinag-usapan ng kanyang mga magulang kasama ang pamilya Gorzon. Kanina pa siya palakad lakad dahil iba ang kanyang nararamdaman, habang inaabala niya ang kanyang sarili sa kakalakad at kakapisil ng kanyang mga daliri bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto iniluwa nito ang mukha ng kanyang panganay na kapatid. "Ezperanza!" Sabi nito habang yumakap sa dalaga "Pupwede mo bang ibalita sa akin ang nangyayari sa ating sala?" Magalang na tanong niya sa kapatid "Hindi ko alam kung bakit ninais ni Mama ang ipagkasundo ka sa espanyol na binatang iyon" sagot nito na may pag-aalala sa kapatid "Ano ang ibig mong ipahiwatig? Bakit iyon gagawin ni Mama?" Naguguluhan nitong tanong nakapanlumo titigan ang kanyang mukha para bang anong oras ay mawawala siya "Sa makalawa, ikaw ay makikipag isang dibdib kay Leonardo sa hindi ko alam na kadahilanan ngunit alam kong mangyayari iyon sa iginuhit nilang araw mismong kaarawan mo Ezperanza" tugon nito na siya ring kinabahan dahil alam niya ang pakiramdam na ito at kilala niya ang pamilya Gorzon bilang marahas at kinatatakutang pamilya dahil narin sa kanilang kayamanan at koneksiyon sa mga prayle. Ang prayle ay kinatatakutan ng lahat dahil sila ang namumuno sa naturang bayan, sila ang mas mataas na posisyon kaya't bawat pamilya lalong lalo na ang mga mahihirap natatakot sa kanila. "Ano ang aking gagawin? Tiyak hindi ako makakaatras kahit na hindi ko iniibig si Leonardo, hindi nais ng aking kalooban na pakasalan ang lalaking katulad niya" salita ni Ezperanza habang hindi parin mapakali palagi niyang hinahawakan ang dulo ng kanyang buhok kapag natatakot o kinakabahan siya "Isa lamang ang aking naisip na solusyon" seryosong sabi ng kanyang kapatid mukhang nabuhayan ang kalooban ni Ezperanza "Ano naman ang solusyon na iyong naisip?" Pagtatanong ng dalaga Humakbang ito papunta sa veranda ni Ezperanza sumunod sa kanya ang dalaga. Mula sa veranda na iyon natatanaw ang malawak na lupaing pinamumunuan ng kanilang pamilya. Sa di kalayuan may malaking gubat na pinagbabawalang puntahan "Ang gubat Ezperanza, mamayang gabi itatakas kita kasama si Agatha gamit ang aking kabayo" aniya at hinarap ang kapatid na nalilito "Ano ang iyong ibig sabihin?" Nagtatakang tanong ni Ezperanza "Iyon lamang ang tanging daan upang makarating tayo sa kabilang bayan at maitago roon" sabi nito "Sisiguraduhin kong hindi ka mahahanap nila Mama at Papa dahil mayroon akong kakilala na kukuha sa iyo doon upang ihatid ka sa ibang lugar" dagdag ng kanyang kapatid na mas lalong ikinaba ni Ezperanza. Bakit nga ba hindi siya kabahan kung alam niyang napakadelikado ng maari nilang gawin. Hindi kabisado ng magkapatid ang pasikot-sikot sa loob ng gubat maging ang pangalawang dalaga ng Gozon na si Maria Agatha kahit lumaki itong manglalakbay. Sa tatlong magkakapatid, si Maria Agatha lamang ang malayang naglalakbay na kung saan dahil na rin sa katigasan ng ulo nito kahit ipinagbabawal ng kanilang magulang. Dahil sa katigasan ng ulo hindi siya naging sunod-sunuran sa mag-asawang Pelaez. Si Maria Isabella naman ay isang mapagmahal at masunurin na panganay sa kaniyang dalawang kapatid kaya niyang sundin lahat ng inuutos nang magulang, magkasalungat nga sila ni Agatha ngunit hindi naman natitibag ang pagmamahalan nila. Dahil sa pagmamahal sa kanilang panganay kay Ezperanza ay hindi niya hahayaang maikasal ito sa taong hindi niya iniibig. "Papunta na si Maria Agatha ngayon rito, upang mapaghandaan ang pagtakas mamaya" sabi nito kay Ezperanza na hindi nawawala ang ngiti "Ayoko sa mga binabalak nila Mama at mas ayokong maikasal ka kay Leonardo dahil alam kong hindi ka kailanman sasaya sa kanya" salita nito na nakapagaan ng loob ni Ezperanza. Tanging kasiyahan lamang ang nais niya sa kaniyang kapatid, hindi niya gustong mangyari ulit sa kaniyang kapatid ang naranasan niya noon. Bilang panganay na anak ng isa sa mga respetadong pamilya sa bayan, kinailangan niyang ipagkasundong ikasal sa lalaking hinding hindi niya mamahalin. Si Alejandre, panganay na anak ng pamilya Gozon. Ang binatang ito ay katulad ng kaniyang magulang, mapagsamantala sa mga tao at gusto lamang gawin ay pahirapan ito kaya ayaw niya sa lalaking walang puso. Sa panahong iyon mayroon siyang ibang iniibig ngunit alam niyang hindi ito ang nais ng magulang niya kaya wala siyang magawa kung hindi hiwalayan ang binatang si Lito. "Maraming salamat aking panganay na kapatid, alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin at maaaring ipahamak mo ito ngunit pinili mo parin ang iligtas ako" mahinag sabi ni Ezperanza sa kaniyang kapatid at yumakap ng mahigpit Ngumiti lamang si Isabella, dahil alam niyang magiging masaya si Ezperanza sa desisyon na ito. Sa kalagitnaan ng kanilang madramang yakapan, dumating ang matapang na si Maria Agatha. "Oh! Aking mga mahal na kapatid, nandito na ang matigas na si Agatha at bakit nagdadrama na naman kayo riyan?" Natatawang sabi nito na para bang proud pa sa sarili na siya ay matigas na dalaga Mula pagkabata nila pinupuri na sila ng mga tao sa bayan dahil sa taglay nilang kagandahan. Silang tatlo ay parehang mala persilana ang kutis dahil na rin sa dugong espanyol, mapupungay ang kanilang mata at kitang kita ang kanilang magandang pilik sa mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi. Para nga silang kambal kung una mo silang masisilayan halos magkahawig sila ngunit malalaman mo lang na hindi sila kambal dahil sa magkaibang ayos ng kanilang buhok at isa sa kanila ay may nunal sa bandang kaliwang pisngi. May kahabaan ang buhok nilang tatlo, nakalugay ang kulot na buhok ni Isabella at nakapusod naman ang kulay itim na buhok ni Agatha at medyo may kakulutan ang kulay bughaw na buhok ni Ezperanza, siya din ang may nunal sa pisngi, ito ang tandaan na siya ang pangatlong dalagita ng Pelaez. "Mabuti at nandito kana Agatha" masayang bati ni Ezperanza at kahit medyo kinakabahan ito Masaya namang tumugon si Agatha "Lugod kong ikinararangal aming bunsong kapatid" at yumuko saglit na parang isang alipin na nagbigay galang sa kaniyang prinsesa Nasanay na ang dalawang dalagita sa akto ni Agatha lalo na't nakikipaglaban ng salita sa magulang, dahil nga matigas ang ulo. Siya lang ang ang nagiisang tao na kinakalaban ang magulang kapag hindi gusto ipinagawa sa kaniya "Maraming salamat sa inyong tulong at malasakit sa akin" sambit ni Ezperanza "Huwag kang sumunod sa yapak ng ating panganay na kapatid hahaha" pagbibiro ngunit totoo na salita ni Agatha "Pasensiya na aking kapatid pinapatawa lamang kita dahil alam kong hindi ka masaya sa piling ni Alejandre" dagdag nito na ikinangiti ng labi ni Isabella Habang nag-uusap sila tungkol sa plano sa pagsapit ng kadiliman. Bigla na lang kumatok ang isa sa mga tagasilbi nila. Pinagbuksan ito ni Ezperanza. "Ano ang iyong kailangan?" Tanong nito sa babaeng katulong na mas bata sa kaniya "Pinapatawag po kayo ng iyong mga magulang kasama ang dalawang niyong kapatid" sagot nito at agad na nagpaalam Nagsimula na namang kabahan si Ezperanza. "Harapin natin sila Mama at Papa, ngunit umakto tayong walang problema" sabi ni Isabella "Ako'y lubos na nagagalakan sa pangyayari! Hindi na naman ako makapaghihitay" natutuwang sambit ni Agatha at sabay silang tatlo lumabas sa silid ni Ezperanza ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.6K
bc

LEGERDEMAIN ACADEMY: MAJESTIC FLAIR

read
5.9K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
304.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook