BECAUSE Rafael was still unconscious, he had to undergo nasotracheal intubation to perform the operation. The bullet had penetrated a small part of his lungs. That's why Shantel is so worried about his poor condition. "Hindi kita mapapatawad, Jerson," naiiyak niyang bulong habang nasa labas ng operating room at nakasilip sa glass window. Gusto niyang malaman ang nangyayari sa loob dahil sa labis na pag-aalala kay Rafael. "Huwag lang na may masamang mangyari kay Rafael at kamumuhian talaga kita." "Ate," pukaw ni Shara sa atensiyon niya. Hinawakan siya nito sa balikat. "Relax ka lang. Alam kong labis kang nag-aalala kay Rafael pero huwag kang masyadong mag-isip. Baka naman kung anong mangyari sa 'yo." She looked at her sister. She couldn't help but vent her resentment. "Dapat ko bang sisi

