CHAPTER 1
PARA sa mga magulang ni Shantel, Jerson is truly a big catch. He is not just one of the most eligible bachelor in the country but really destined for her. For them, this man who is the Chief Executive Officer of Aveztrus Business Corporation is perfect for her. Kaya daw nitong ibigay sa kanya ang lahat ng luho na higit pa sa naibigay sa kanya ng mga ito dahil unico hijo ito ng mag-asawang isa sa mayamang pamilya sa bansa at kilala sa alta-sociedad.
Ang mga signature clothes, jewelry, money, cars and even travel ay tatamasahin daw niyang lahat kapag naikasal na siya kay Jerson. Magbubuhay-reyna daw siya na sagana sa lahat ng bagay. Like her mother, she would be another rich man's wife. Isang dekorasyon sa tabi ng asawa sa mga social functions. Tulad ng mama niya ay mabubuhay siya sa tila walang katapusang social gatherings, charity balls, ribbon cuttings at kung anu-ano pa.
They were rich and there was no question about that. Kung tutuusin ay sobra-sobra na ang kayamanan nila na hindi kayang ubusin kahit hindi sila magtrabaho pa. At ang gusto ng kanyang mga magulang ay patuloy niyang tamasahin -- actually, nilang magkapatid -- ang masaganang buhay na kinalakhan nila. Ayaw ng mga ito na maghikahos sila o magdanas ng hirap sa buhay, lalo na kung magkaroon sila ng sariling pamilya.
Kaya hindi niya masisi ang mga magulang kung bakit siya ipinagkasundong ipakasal kay Jerson Avestruz. Wala siyang kaalam-alam sa naging plano ng mga ito at nagulat na lang siya nang malaman kung kailan magaganap ang pamanhikan.
Labis niyang ikinabigla ang bagay na iyon pero wala naman siyang nagawa para tumutol. Iginagalang niya ang mga magulang at kailanman ay hindi siya naging pasaway.
NOONG malaman nina Papa Noli at Mama Shiela na nakilala niya si Jerson ay nagkaroon agad ng interes ang mga ito. Hindi nalingid sa kanya na gumawa talaga ng paraan na makadaupang-palad ang mga magulang nito na later-on ay napabilang na sa mga kaibigan ng mga ito.
Naging parang bukas na aklat sa kanya ang buhay ng pamilya ng binata. Tila talagang nagsaliksik ng mga magulang niya tungkol dito. Ipinamukha sa kanya kung gaano siya kasuwerte kapag naka-relasyon ito.
Ito raw talaga ang lalaking pinapangarap ng papa at mama niya para sa kanya. Kung sakali man daw na mawala na ang mga ito ay magiging payapa dahil tiyak na maayos na ang kanyang kinabukasan.
Kaya naman ng tuluyan siyang ma-involve sa binata ay masayang-masaya ang mga ito. Lalo na at sinabi niyang okay itong kasama. Ano pa't maituturing na isang mabait na kaibigan.
Naging sulsol din ang mga ito na huwag siyang makuntento sa pagiging kaibigan lang ni Jerson. Kung may nagagawa siya para maging espesyal sa paningin nito ay gawin niya.
Kung tutuusin ay wala na siyang hahanapin pa sa binata. Guwapo ito, edukado at intelihente. Idagdag pa ang pagiging mapagbigay nito. Hindi niya alam kung bahagi na nang manliligaw nito pero nakaranas na siyang makatanggap ng mga signature clothes, jewelry and shoes. Bagay na ikinatuwa ng mga magulang niya dahil wala pa man silang relasyon ay nakikita na ng mga ito ang maganda niyang kapalaran.
Jerson was pleasant enough. She was happy when she was with him. But she had never been in-love and there's no spark whenever she look at him in the eyes. She felt no attraction at all. However, they continued to go out for dates and before she knew it they were on.
Nang gabing iyon ay kumain sila ng dinner sa isang exclusive restaurant na bukas lang para sa mga member ng isang particular club na kabilang si Jerson. Nag-enjoy siya at nabusog sa sarap ng pagkain doon, na parang naging dahilan kaya tila nawala siya sa sarili.
Sumisipsip siya ng red wine mula sa kopita nang hawakan nito ang isa niyang kamay na nakapatong sa mesa. Napatitig siya sa mga mata nito habang ibinababa ang ininom.
"Jerson," anas niya. "Why?"
"I love you, Shantel," walang gatol nitong sabi. "Yes, I really do."
"M-My God," bulong niya na muntik mabitiwan ang kopita. "Gosh!"
"Tell me the truth, Shantel," sabi pa ni Jerson. "Do you love me, too?"
Labis siyang nagulat sa seryosong nitong pagtatapat. Hindi siya nakapagsalita kaya inulit nito ang tanong. Napatango siya habang lumulunok.
"Yes!" sabi nito na nakita niya sa mukha ang sobrang katuwaan. "Thank you, Shantel. You made me happy. So much."
Napangiti siya dahil sa ikinilos nitong iyon. Nakita niya at naramdaman na totoo ang pagmamahal nito. Kaya kahit wala siyang damdamin para nito ay tinanggap niya ang kanilang relasyon bilang magkasintahan. Sabi na lang niya sa sarili ay matututuhan din itong mahalin dahil mabait naman ito.
Hindi niya inilihim sa kanyang papa at mama ang tungkol sa pagtanggap niya sa iniluhog na pag-ibig ni Jerson. Laking tuwa ng mga ito sa bagay na iyon.
"Love him, Shantel," bilin pa ni Mama Shiela habang yakap siya. "Do your best as his girlfriend para magtagal kayo. Para mahalin ka niyang lalo."
"Ibigay mo ang lahat ng ikaliligaya ni Jerson para hindi ka niya ipagpalit sa iba," sabi naman ni Papa Noli habang tinatapik siya sa balikat. "Sana'y humantong sa kasal ang relationship ninyo."
Nang alisin ng mama niya ang pagkakayakap sa kanya ay sinabi rin nito ang gustong kahantungan ang kanilang relasyon. Hindi naman siya nakatugon dahil ang totoo'y napilitan lang siyang tanggapin ang pagiging kasintahan nito. Nang tanungin siya ni Jerson kung mahal din niya ito ay tumango lang siya. Dahil hindi niya ito mahal ay wala itong narinig na 'I love you' mula sa kanya. Pero naging sapat na dito ang kanyang tango bilang katugunan. Dahil sa tunay nitong pagmamahal sa kanya ay labis na nitong ikinatuwa ang bagay iyon.
Pero ang katotohanang iyon ay inilihim niya sa mga magulang. Ang buong akala ng mga ito ay talagang mahal niya ang lalaki. At may magandang kahahantungan ang relasyon nila.
Isang buwan pa ang lumipas. Labis niyang ikinagulat ang ibinalita sa kanya ng mga magulang. Para siyang nilindol nang malamang nakaplano na pala ang kasal nila ni Jerson.
"KASAL?" bulalas ni Shantel. Pakiramdam niya ay nayanig ang buo niyang pagkatao ng sandaling iyon. "Ano pong kasal ang sinasabi n'yo?"
"Hija," anang mama niya na hinagod siya sa likod. "Hindi pa man ay nakakasiguro na kami ng papa mo na magiging mabuting asawa si Jerson. Magiging masaya ka sa piling niya."
"Pero--"
Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nagsalita na si Papa Noli.
"Ilang buwan mo na ring nakasama si Jerson at wala kang mairereklamo sa kanya. Hindi ba, anak?"
"Pero bakit po may nakaplano na agad na kasal, Papa?" Naihayag na niya ang gustong linawin. "Nakakabigla naman po."
"Maayos na ang lahat, Shantel," sabi pa ng papa niya. "Next week ay nakaplano nang pumunta rito sa atin si Jerson kasama ang parents niya para mamanhikan."
Nasapo niya ang sariling noo. Walang-wala sa isip niya na makakarinig ng ganitong bagay mula sa mga magulang.
"Six month from now ay magiging Mrs. Shantel Sevilla-Avestruz ka na, Anak. At isa iyong malaking karangalan para sa 'yo. Hindi ka ba natutuwa?"
Hindi siya umimik. Nagkapuwang sa isip niya ang itinuturing na boyfriend.
May alam na kaya si Jerson sa naging plano ang mga magulang niya? Ano naman kaya ang sinabi ng parents nito? Hindi kaya nito itinuring na mga kontrabida ang papa at mama niya?
Nasapo niya ang sariling noo. Pakiramdam niya ay bigla sumakit ang kanyang ulo.
"Don't worry, Shantel," sabi ni Papa Noli na tila nabasa ang laman ng isip niya. "Walang naging pagtutol ang parents ni Jerson. In fact, natuwa sila sa naging idea namin ng mama mo. They're like you so much, Anak."
May sariling condominium unit si Jerson pero minsan na siyang isinama nito sa bahay ng mga magulang para ipakilala. Naging maganda naman ang pagtanggap sa kanya ng mga ito. Naramdaman niya noon na walang halong kaplastikan ang magandang pakikitungo sa kanya nina Mr. and Mrs. Avestruz kaya totoo ang sinabi ng ama niya na gusto siya ng mga ito.
"I'm sure, Jerson is definitely very excited now because he already knows the plan," paliwanag ni Mama Shiela. "Asahan mo na ang tawag niya para pag-usapan n'yo ang tungkol sa kasal."
"Dapat po ay ipinaalam n'yo man lang sa akin ang bagay na ito, papa, mama," sabi niyang bumalatay sa magandang mukha ang lungkot. "Sana'y nabanggit ko man lang kay Jerson ang tungkol dito beforehand. At para naman po hindi ako nabigla. Baka po... hindi pa rin niya gustong magpakasal."
"Jerson loves you, Shantel and this is not issue for him. Sabi nga ng mama mo, tiyak na tuwang-tuwa siya kung alam na niyang ikakasal ka sa kanya. Paniwalaan mo kami ng mama mo."
Gusto sana niyang ipaalam sa mga ito ang katotohanan, na hindi talaga niya mahal ang binata. Pero para namang may bumara sa kanyang lalamunan kaya hindi niya nasabi.
"Anak," anang papa niya na hinawakan siya sa balikat. "Hindi mo ba gusto ang ginawa namin ng mama mo? Galit ka ba?"
Umiling siya.
"Hija, wala kang pagsisisihan kapag naikasal kayo ni Jerson. Tiyak kong pasasalamatan mo pa kami ng papa mo pagdating ng araw. Kaya huwag kang tumutol sa magaganap ninyong kasal."
"Hindi naman ako tututol, papa, mama," pabuntonghininga niyang sabi. "Wala po akong karapatang tumanggi dahil alam ko naman pong wala kayong hinangad kundi ang mapabuti ang kinabukasan ko."
"Thank you so much, anak," sabi ng mama niya na ngiting-ngiti. "So, okay na. Everything are fine."
Nginitian niya ang Ina saka tumingin siyang muli sa kanyang Ama.
"Prepare yourself, Shantel. Be ready sa nalalapit na pamamanhikan nina Jerson."
"Yes, papa," tugon niya rito habang tumatango.
"Lalabas na kami ng mama mo. Magpahinga ka na."
Alam niyang payapa na ang kalooban ng papa at mama niya. Iniwan na siya ng mga ito sa sariling kuwarto na kapwa masaya. Pero nang maisara niya ang dahon ng pintuan ay napasandal siya roon. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas.
Nahulog siya sa pag-iisip!
HINDI inaasahan ni Shantel ang pagdalaw ni Jerson kinabukasan. May dala itong napakagandang bouquet of fresh flowers na agad na iniabot sa kanya pagdating niya sa living area ng kanilang mansion.
"Thank you so much," aniyang sinundan ng matamis na ngiti ang sinabi. "Have a seat, Jerson."
Nagpasalamat ito sa kanya bago umupo.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong niyang umupo na rin habang hawak pa rin ang bouquet. "Ang aga mo namang dumalaw?"
"Naka-abala ba?"
"Hindi naman. It's okay."
Hindi na nagpalinguy-lingoy pa si Jerson. Sinabi agad nito ang sadya. At iyon ay ang tungkol sa nalaman nito mula sa mga magulang. Kitang-kita ang tuwa sa guwapo nitong mukha habang nagsasalita. Walang dudang gustung-gusto nito ang nakaplano nilang kasal.
"Pasens'ya ka na, Jerson. Ang totoo'y nagulat ako sa naging plano ng parents ko. Wala akong kaalam-alam tungkol sa kasal na iyon. Nakakabigla!"
"Pero hindi mo ba nagustuhan ang idea? Shantel, hindi mo ba gustong magpakasal sa akin?"
"Jerson, walang problema sa akin ang bagay na ito. Kung okay lang sa parents mo ang naging plano nina papa ay tatanggapin ko. Pero gusto kong malaman o matiyak na hindi ka napilitan lang."
Tumawa ito ng mahina. "Gustong-gusto ko ang idea, Shantel. Sobra akong natuwa nang sabihin ng papa at mama ko about our wedding. Labis nga akong nagpapasalamat sa parents mo dahil nagustuhan nila ako para sa 'yo."
Nginitian niya si Jerson. "Hindi ko rin inaasahang magugustuhan ka nila at gagawa pa sila ng ganitong bagay."
"Napakasuwerte ko, Shantel," sabi nitong hinawakan ang isa niyang kamay. "Napakasaya ko dahil pakakasalan ako ng babaing mahal ko. Hindi mo pagsisihan ang bagay na ito. Promise."
Napalunok siya. Nakadama ng sundot ng kunsensya dahil ang totoo'y pakakasal siya sa lalaking hindi mahal. Pero sinikap niyang kumilos ng normal. Kailangan niyang magpanggap na masaya habang nasa bahay nila ito.
Lihim siyang nagpasalamat nang magpaalam na ito.
"Jerson," anas niya ng nakasakay na ito sa mamahaling kotse na Bugatti Veyron. Lalo siyang nakadama ng awa dito ng ngiting-ngiting pang kumaway. "Paano ko ba aaminin sa 'yo na hindi kita mahal?"