CHAPTER 2

2000 Words
MAAYOS na napag-usapan ang kasal nina Shantel at Jerson na detalyado. Kapwa naging kuntento ang kanilang mga magulang sa maayos na kasunduan. Kaya pinagsaluhan nila ang masaganang hapunan pagkatapos. Kitang-kita niya ang katuwaan sa kilos at pananalita ng papa at mama niya habang kumakain. Puro papuri at magagandang salita paukol sa kanya ang naririnig niya mula sa mga ito, na sinasang-ayunan naman ng mga magulang ng boyfriend niya. Alam niyang ginagawa talaga ng kanyang parents ang lahat ng paraang para lalo siyang magustuhan nina Mr. and Mrs. Avestruz. Napapatingin siya kay Jerson na gustong manliit pero kitang-kitang naman niya na nasisiyahan ito sa mga naririnig. Kaya naman gustong-gusto na niyang matapos ang salu-salo para makauwi na ang mga ito. Lalo lang kasi siyang nakukunsensya at parang nagsisikip na ang kanyang dibdib. "Are you okay, Shantel?" tanong ni Jerson na bakas sa guwapong mukha ang pag-aalala. Napansin pala nito ang pagiging aligaga niya. "I think, you're not feeling well." "I'm okay, Jerson," tugon niyang tumango na ngiting-mgiti. "Don't worry about me." "Are you sure?" Nginitian niya ito. "Yes. Just eat your meal. Magkapa-busog ka." "I will, Shantel. Masayang-masaya kasi ako ngayon kaya ganado akong kumain. Sana ikaw rin." "Oo, naman," aniyang mas pinasigla pa ang pagkilos. "Siyempre, masaya rin ako." "Are you excited to our wedding?" "Huh?" sabi niyang muntik nang mabilaukan. "A... o-oo. Oo naman." Minsan pa siyang sinundot ng kunsensya. Pero sinikap pa rin niyang maging kalmante at kumilos ng normal. "Dapat pala ay mas inagahan natin ang ating wedding. Hindi na pala dapat nating pinaabot pa ng six month." Napalunok siya. Naisip niyang hindi maganda ang naisip na iyon ni Jerson. Hindi niya gustong agad na naranasan ang tila pagharap sa bitayan. Gusto niyang makapaghanda ng lubos ang haharaping bagong buhay. Napatingin siya kay Jerson. Agad niyang hinawakan ang braso nito. Nahalata kasi niyang magsasalita ito at tingin niya ay tungkol iyon sa naisip nito. Umiling siya saka ito binulungan. "Okay na 'yong makapaghanda tayong mabuti sa ating wedding, Jerson. Huwag ka nang bumanggit ng ano man para mabago pa ito." "Huh?" anas nito na parang nagulat. Hindi nito inaasahan ang puntos niya. "A-ayaw mo na--" "Jerson, maayos na ang lahat," putol niya sa sasabihin pa nito. "Wala na tayong dapat pang baguhin." Tumango ito saka ngumiti. "Okay, Shantel. Walang problema. I love you." Iniwas niya ang tingin nito saka tumungo. Nakadama siya dito ng pagkahabag. "Bakit kasi hindi kita minahal, Jerson?" piping tanong niya sa sarili. "Bakit kasi hindi ako nagpakatotoo sa sarili ko? Sana'y sinabi ko na sa 'yo noong una pa na hindi kita mahal." Ngayon ay labis talaga siyang nagsisisi kung bakit hindi pa sinabi ang totoo. Daig pa tuloy niyang pinarurusahan ang sarili.   HINDI sumabay sa pag-uwi ng mga magulang si Jerson. Inihatid nila ni Shantel ang mga ito sa garahe sa malawak na bakuran kung saan naka-park ang Hudson Hornet car ng mga ito. Inihatid nila ng tanaw ang mamahaling sasakyan hanggang sa makalabas sa tarangkahan. "So," ani Jerson ng tiningnan siya. "Okay lang ba kung dito muna tayo sa labas? Maaga pa naman at gusto kong magkuwentuhan muna tayo." "Sure. Doon muna tayo sa garden." "Thanks." Magka-agapay silang naglakad ng marahan papunta sa hardin na nasisinagan ng mga garden lights. "Balak ko sanang i-suggest kanina na agahan ang date ng ating wedding. Pero naisip mo agad ang gusto kong mangyari at tumanggi ka, Shantel." "Naging maayos na kasi ang usapan. Hindi maganda na babaguhin na naman natin. Magkakaroon na naman ng bagong paksa at sa harap pa ng ating pagkain." "Wala bang ibang dahilan ang pagtanggi mo?" "Ano namang dahilan, Jerson?" "I don't know." "Umayos ka nga." "Sorry." Nauna siyang umupo ng nasa harap na sila ng isang bench sa hardin. Sumunod ito sa kanya pero hindi siya tiningnan. "Sana ay wala nang maging problema pa sa ating kasal." "A-Ano ba 'yang iniisip mo, Jerson?" "Ako na ang magiging pinaka-masayang lalaki sa buong mundo kapag naikasal tayo. Kaya ayaw kong magkaroon ng ano mang hadlang bago dumating ang araw na iyon." "Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Hindi maganda." Sabay silang tumingin sa isa't-isa. Pero agad niyang binawi ang sariling mga mata at tumungo. Pakiramdam kasi niya ay may mga sibat ang titig nito. "M-Maging positive tayo," halos ay pabulong niyang sabi. "Don't ever think any negative things, Jerson. Please." "Yes, Shantel. Sorry." Bunga ng awang naramdaman niya para kay Jerson ay nayakap niya ito. Nangilid ang kanyang mga luha. Sa isip niya ay umukilkil na naman ang wala sa katwirang magtanggap niya dito bilang boyfriend. Nang inulit pa nito ang salitang 'sorry' ay tuluyan na siyang umiyak. "Don't say that, Jerson," sabi niya. "Please, don't say sorry. Wala kang kasalanan para humingi ng tawad." Sigaw ng utak niya, "Kung meron mang dapat mag-sorry ay ako iyon. Ako ang may kasalanan sa 'yo, Jerson. Dahil hindi kita totoong mahal. Tinanggap lang kitang boyfriend dahil gusto ka ng parents ko." "Umiiyak ka, Shantel," sabi ni Jerson na ginantihan ang yakap niya. "Don't cry, please. I don't like you to cry. Tahan na." Nang maramdaman niya ang masuyo nitong paghangod sa kanyang likod ay sinikap niyang payapain ang sarili. Nang tumigil sa pagpatak ang luha niya ay kinalas ang pagkakayakap rito. Agad naman nitong kinuha mula sa suot na pantalon ang panyo at tinuyo ang kanyang basag mga pisngi. "Thanks, Jerson," sabi niya. "Thanks for loving me." "Promise, Shantel," seryoso nitong sabi na kitang-kita niya sa mga mata ang katapatan. "My love for you will remain no matter what happens." Ay! Parang matutunaw ang puso niya!   WALANG kapayapaan ang isip ni Shantel. Habang lumilipas ang mga araw ay lalo siyang naguguluhan. Kung kailang sinisikap niyang ukulan ng magmamahal si Jerson ay higit pa siyang nabibigo. Kaya naman lalong lumalala ang pagnanais niyang umurong sa kasal. Ano pa't nais niyang huwag nang matuloy ang pakikipag-isang dibdib sa lalaki. Bagay na labis na nagpapagulo sa isip niya at nagpapahirap sa kanyang kalooban. At iyon ang dahilan para mag-voice out siya sa kanyang mama. Umaasa siyang mabibigyan nito ng tamang solusyon ang problema. "Mama, the truth is I don't love Jerson." "What?" "You heard me right, mama. I don't love him." "Imposible!' "Totoo po. Sa simula pa lang po ng aming relasyon ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya." "Sinungaling ka, Shantel." "Sorry po." Nagtiim ang mga bagay ni Mama Shiela. Napatungo siya nang tinitigan nito sa mga mata. "The truth is I didn't tell him I love you. When he confessed his love to me, I just nodded. At naging sapat na po 'yon sa kanya. Siguro po ay inakala niyang nabigla lang ako sa pagtatapat niya kaya napatango lang ako." "Jerson truly loves you, Shantel. Sapat na sa kanya ang tango mo dahil mahal ka niya. Naniwala siyang mahal mo talaga siya kaya kontento na siya sa ganoon." Bumalatay ang lungkot sa mukha ang mama niya. Hindi talaga nito inaasahan ang pagtatapat niya. "Binalewala mo lang ang pagmamahal niya. Hindi mo pinahalagahan. Sayang, anak. Sayang!" Napaluha siya. Hindi rin naman niya inaasahan na sa kasal agad mauuwi ang relasyon nila ni Jerson. "Kaya nga po nahihirapan ako, Mama. Ayoko naman pong magsinungaling sa kanya pero hindi ko po alam kung paano sabihin sa kanya ang totoo." "Anak, baka magalit sa 'yo si Jerson at kamuhian ka. Huwag mong sabihin ang totoo. Nasasaktan siya." "A-Ano pong gagawin ko, mama?" "Hayaan mo na lang siya. Ilihim mo ang totoo. Don't tell him that you never love him. Just stay pretending, hija. Kunwari ay totoo mo siyang mahal para matuloy pa rin ang inyong kasal." "Mama..?" Nabigla siya sa sinabi nitong iyon. Hindi niya inaasahang nanaisin nitong patuloy siyang magkunwari. Kahit pala hindi niya mahal si Jerson ay dapat pa ring matuloy ang kasal. "Nakatakda na ang inyong kasal, Shantel. Maayos na iyong naka-schedule kaya dapat ay matuloy. Walang dapat makahadlang pa!" "But it's unfair to Jerson, mama. I need to tell him the truth. Dapat po ay malaman niyang hindi ko siya mahal. At hindi na po dapat matuloy ang aming kasal." Umiling ito. "No need, hija. The most important is the wedding. Dapat ay matuloy iyon. Magpakasal ka kay Jerson kahit hindi mo siya mahal." Masuyo nitong hinawakan ang isa niyang kamay. Maluwang ang ngiting pinawalan nito. "Shantel, anak," anitong tinitigan na naman siya sa mga mata. "Believe me, magiging maayos ang buhay mo kay Jerson." "Baka hindi po ako maging masaya sa piling niya, mama. Wala po akong nararamdamang kilig kapag magkasama kami. Mas mabuti po na maging magkaibigan lang kami. Hanggang doon lang po." "Walang puwang ang romance at ang kilig na iyan sa mundong ginagalawan ninyo si Jerson, anak. That doesn't matter anymore." "Kulang, mama. Alam kong hahanap-hanapin ko po 'yon. Gusto ko po ng sapat na relasyon. Iyon po ang makakapagpasaya sa akin." Hinawakan siya sa kamay ni Mama Shiela. "Hija, ang mahalaga ay love," sabi nito. "Kailangan mong mahalin si Jerson at sapat na iyon para maging matibay ang relasyon ninyo sa hinaharap. Napag-aaralan ang pag-ibig. Darating ang panahon na mamahalin mo ang iyong asawa lalo na at mabait siya." "P-Paano po kung hindi ko siya matutuhang mahalin?" "Huwag mong sabihin 'yan. Ang lalaking tulad ng mapapangasawa mo ay hindi maaring hindi mo mahalin. Napakabuti niya. Sayang kung babalewalain mo siya, hija. Wala ka nang makikitang gaya niya." Hindi siya naka-imik. Binigyan niya ng pagkakataon ang sarili na makapag-isip. Iniwan siya ng kanyang ina na umaasang makapagdedesisyon siya ng maayos. Nang tama, na ayon dito ang pabor sa kanila ng papa niya. Higit sa lahat, kay Jerson. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nanlalambot na napaupo siya sa gilid ng kanyang kama. "Diyos ko," bulong niya. "Bigyan Mo po ako ng pagkakataon na makapagdesisyon ng tama. Ikaw na po ang bahalang magturo sa akin ng dapat kong gawin."   ATUBILI si Shantel sa pagkatok sa kuwarto ng nag-iisa at bunsong kapatid na si Shara. Nakadama siya dito ng hiya kaya nagdalawang-isip kung itutuloy ang balak na sabihin ang pinuproblema. Close siya sa kapatid. Kahit ang totoo'y ugali na talaga nitong kontrahin ang kanilang mama ay magkasundo sila. Kailanman ay hindi pa sila nag-away. Madalas ay ipinagtatanggol niya ito at pinagtatakpan. Kapag may bagay itong ginawa na hindi maganda ay gumagawa siya ng paraan para hindi ito masisi o mapagalitan. They have secrets in their personal lives that they share with each other. There are things they were talking about that only the two of them knew. They are happy as siblings and they say there is nothing better than their company. Pero hindi niya alam kung bakit ngayon ay nagdadalawang-isip siya na lapitan si Shara, para ibahagi ang gumugulo sa isip niya. Ilang minuto na siya sa harap ng pintuan ng kuwarto nito ay hindi pa rin niya magawang kumatok. "But I need someone to talk to," she whispered. "And I know only Shara will understands me." Nagkapuwang sa isip niya si Mama Shiela. Naisip niya na baka dahil dito kaya nag-aalangan siyang magkuwento kay Shara. Siguradong nakakarinig siya ng pula o hindi maganda salita mula nito paukol sa kanilang ina. At ayaw naman niyang mangyari iyon kaya nagdadalawang-isip siya. "Bahala na," bulong niyang kakatok na sana pero bahagya siyang nagulat nang bumukas ang dahon ng pinto ng kuwarto ng kapatid. "Shara..." "Ate," sabi nitong kunot-noo. "Kanina ka pa ba 'yan? Bakit hindi ka kumakatok?" "Kadarating ko lang," pagsisinungaling niya. "Actually, kakatok na sana ako pero bigla kang nagbukas ng door." Tumango-tango si Shara. "Para kasing naramdaman kong may tao dito sa labas kaya nagbukas ako ng pinto. Ikaw pala. Come-in. May kailangan ka ba?" Tumango siya. Nang lakihan nito ang pagkakabukas ng pintuan ay tuluyan na siyang pumasok. Kasabay nang pag-upo niya sa maliit na sofa sa gilid ng malaki nitong kama ay isinara nito ang dahon ng pinto. Ini-lock. Saka nakangiting lumapit sa kanya. "Mukhang importante ang sasabihin mo kaya ini-lock ko," sabi ng kapatid niya. "For sure na walang magiging istorbo. So, what's the problem?" Bumuntonghininga muna siya. "Sha, si Jerson..." Tumango ito. "What about him, sis?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD