CHAPTER 3

2000 Words
CASUAL na ipinamulsa ni Shara sa suot na walking short ang dalawang kamay habang naghihintay ng tugon ni Shantel. "Sis, I never love him," sabi niya. "And this is my biggest problem right now." Tumawa ito. Nabagsak na umupo sa gilid ng kama. Kunot-noo naman siyang napatunghay dito. Naisip niya kung bakit ganito ang naging reaksiyon nito. "Sha..?" "Halata ko na 'yan, Sis." "T-Talaga ba?" "Naisip ko na 'yan pero nanahimik lang ako." "Kaibigan lang ang turing ko kay Jerson." "Eh, bakit mo siya sinagot?" "Hindi ko siya sinagot talaga, Sha. Nang magtapat siya na mahal ako at tinanong ako kung mahal ko rin siya ay napatango lang ako. At naging sapat na iyon sa kanya. Nagpasalamat siya dahil mahal ko din daw siya." Lumakas ang pagtawa ni Shara. "He really loves you, sis. Obvious na takot siyang ma-basted kaya tinanggap na niya 'yong tango mo. Mas okay nga naman 'yon kesa sa tanggihan mo siya. Kawawang Jerson." "Naaawa nga ako sa kanya kaya gusto ko na sanang sabihin na ang totoo." Sinabi ng kapatid niya ang malaki niyang pagkakamali. Dapat daw ay noon pa niya ginawa ang pagtatapat at hindi ngayong huli na. "Nakaplano na ang kasal n'yo, Ate. Maayos na ang lahat. Pero bakit ngayon mo lang inamin ang iyong kasinungalingan?" "Ngayon ko kasi naramdaman ang kulang, Shara. Ngayon ko hinahanap ang romance and love na hindi ko nasumpungan kay Jerson. Gusto kong maging ganap na masaya ang buhay ko." Dahil hindi naman niya inilihim sa kanyang kapatid ang tungkol sa ginawa ng papa at mama nila, na ipinagkasundo siya ng kasal kay Jerson ay naungkat ang tungkol doon. "Masyado ka kasing mabait, ate. Hinayaan mong pakialaman nina papa ang buhay mo. Pinanghimasukan na nila ito ay okay lang sa 'yo. Hindi ka man lang umalma." "Hindi ko kasi alam na sa ganito ito mauuwi. Noong una ay inakala ko na walang magiging problema kahit hindi ko mahal si Jerson pero mali pala. Akala ko'y simpleng bagay lang na magpakasal ako sa kanya dahil mabait siya at mayaman pero hindi pala." "Inakala mo na tulad ni mama ay magiging kuntento ka na sa buhay dahil nagpakasal siya sa mayamang lalaki. Ate, iba ang buhay mo kesa sa kanya." "Yes, I'm wrong. At pinagsisisihan ko ito ngayon." "Huwag mong itulad ang sarili mong buhay sa mama. Kung naging sunud-sunuran siya sa parents niya noon... huwag mong gawin 'yan sa buhay mo ngayon." "Anong gagawin ko, Sha? Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" Her sister convinced her to seek the romance and true love that was needed in her real life. Pinapalayo siya nito at sinulsulang magbakasyon sa lugar na puwede niyang matagpuan ang lalaking totoong nakatadhana sa kanya. "Jerson is not your destiny, Ate. Hindi mo pa nakikita ang lalaking nakalaan talaga sa 'yo." "L-Lalayo ako?" "Kung ayaw mong maikasal sa boyfriend mong hindi mo talaga mahal ay lumayo ka. Iyan ang tama mong gawin kung gusto mo talagang matagpuan ang destiny mo." Nahulog siya sa pag-iisip. "Ate, mas masarap mabuhay ng malaya. Iyong buhay na wala kang ibang isinasa-alang-alang. Huwag mong hayaang magsakripisyo ka about love." Naunawaan niya si Shara. Tumimo sa utak niya ang mga sinabi nito. Kaya nagdesisyon siya para sa sarili. Aalis siya. Lalayo. Pansamantala ay iiwan niya ang buhay na kinalakhan. Sisikapin niyang harapin ang simpleng buhay na malayo sa anino ng papa at mama niya. "Thanks sa advice, sis," aniyang hinawakan sa kamay ang kapatid. "Malaking tulong ito sa akin. And please, pray for my success." Nginitian siya ni Shara. Ipinatong ito ang isa pang kamay sa kamay niyang nakahawak dito. "Goodluck, ate," ang sabi nito. "Hangad ko ang kasiyahan mo. At siyempre ay ang kaligtasan mo sa lugar na iyong pupuntahan." Minsan pa siyang nagpasalamat kay Shara. Talagang desidido na siyang umalis. Umaasa siya na malilimutan siya si Jerson kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa. At lalong inaasahan niya na makikilala at matatagpuan ang lalaking totoong nakatadhana sa kanya. "SIGURADO ka bang naka-alis na sina papa, Sha?" tanong ni Shantel sa kapatid na kinakabahan. "Wala na ba sila ni mama?" "Oo, Ate. You're free to go. Dali, ihahatid na kita sa bus station." Nasapo niya ang sariling dibdib. Nagpakawala siya ng buntonghininga. Hindi madali para sa kanya ang gagawin kaya nininerbiyos siya. "Kaya mo ba, ate?" tanong ni Shara na halata ang pag-aalala sa kanya. "Seryoso ka na ba talaga?" Tumango siya. "Kakayanin ko, Sha. Gagawin ko ito para sa ikaka-ayos ng buhay ko. Bilin ko nga, just for me, sis. Malaki ang maitutulong niyon sa akin." "Oo, naman, ate. Ako ang nagbigay sa 'yo ng idea na 'to kaya hangad ko ang kaligtasan mo. At siyempre ay ang tagumpay po." Maluha-luha siyang yumakap sa kapatid. Nagpasalamat siya rito. Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Be brave, sis. Relax lang. Basta kapag nagkaproblema ka o naisip mong hindi mo kaya ay bumalik ka na lang dito sa bahay. Bahala na. Saka na tayo mag-isip ng ating next step." Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Pinalis niya ang mga luha sa gilid ng mga mata. "Gagawin ko ang the best ko para magtagumpay, Sha. Magpapakatatag ako sa paglayo kong ito. Haharap ako sa aking bagong buhay para maging masaya." "Goodluck, ate. Sana nga'y matagpuan mo ang lalaking nakalaan sa 'yo. Iyong talagang mamahalin mo at mamahalin ka rin." Tinanguan niya sa Shara. Saka ibinilin ang kanyang iiwanang mga gamit. Wala siyang dinala isa man sa kanyang mga alahas, mamahaling relos at cellphone. "Dalhin mo na kaya ang cellphone mo, ate. Para may contact tayo." "Huwag na, Sha. Mas makabubuting hindi ako matawagan nina papa at mama. Lalo na ni Jerson. Kung sakaling kailangan kitang kontakin ay puwede naman akong manghiram ng cellphone." "Okay. Bahala ka. Basta magpakatatag ka, Ate. Be wise. Huwag kang magpapa-agrabyado kahit kanino." Isinukbit na niya ang maliit na travelling bag na kinalalagyan ng ilang piraso niyang damit at personal belongings. Inaya na niyang umalis si Shara para ihatid siya sa isang bus station. "Let's go, sis," ani Shara na nagpakawala ang malalim na hininga. "Wala sanang makakita sa atin isa mang maid. Baka magsumbong sila sa papa o kay mama." "Huwag tayong bumaba ng sabay. Mauna ka na. Dapat ay walang makakita na ihahatid mo ako para puwede mong itanggi kina papa na may alam ka sa pag-alis ko." "Sige, sis," sabi ni Shara na kinuha sa kanya ang travelling bag. "Ako na ang magdadala nito. Ilalabas ko na ang kotse ko at sa labas ka na lang ng gate sumakay." Lalo siyang nakadama ng nerbiyos. Pero tumango siya sa kapatid, na nauna nang lumabas ng kanyang kuwarto. "NOLI, pabalikin mo sa bahay ang driver," utos ni Mama Shiela sa asawa. "Nalimutan ko palang magpalit ng earrings ko." "Kailangan mo pa bang magpalit?" tanong ni Papa Noli na nagusot ang mukha. "Maganda naman 'yang suot mong pearl, Honey. Okay na 'yan." "Maaga pa naman kaya puwede pa tayong bumalik. Ang gusto kong suotin ay gold earrings. Iyong gift mo sa akin last birthday ko. Mas bagay sa dress ko ngayon ang isang 'yon." Walang nagawa ang asawa niya kundi ang pagbigyan siya. Inutusan nito ang driver na ibalik sa kanilang bahay sa kotse. Ngiting-ngiti niya itong pinasalamatan. Talagang wala pa rin itong pagbabago bilang asawa. Mabait pa rin ito at nanatili ang pagiging mapagbigay. "Ikaw pa rin talaga ang mabait kong asawa. Hindi ka rin nagbabago. Salamat, Noli." "Naging mabait at mabuting asawa ka rin kasi sa akin, Shiela. Wala akong mairereklamo sa 'yo kaya sinisikap kong maging mabuting asawa mo." "Sana'y maging mabuti ring asawa si Jerson kay Shantel. Huwag sanang pagsisihan ng anak natin ang pagpapakasal niya rito." "Kung magiging mabuti ring asawa si Shantel kay Jerson," seryosong sabi ng kanyang asawa. "Wala silang magiging problema. Hanggang sa kanilang pagtanda ay mananatili ang pag-ibig nila sa isa't-isa." Natameme siya. Naalala kasi niya ang pag-uusap nila ni Shantel noong isang araw. Nagulat talaga siya sa pag-amin nitong hindi mahal ang lalaking pakakasalan. Napatingin siya kay Papa Noli. Nang makita niyang nakatingin din ito sa kanya na ngiting-ngiti ay mapawi sa utak niya ang pagnanais na sabihin nito ang katotohanan. "Tingin ko naman ay nagmamahalan talaga sina Shantel at Jerson kaya wala silang magiging problema. Magiging masaya sila sa kanilang buhay mag-asawa." Iniiwas na lang niya ang tingin kay Papa Noli at tumango. EKSAKTONG pagkalagay ni Shara sa travelling bag ng Ate Shantel niya sa backseat ng kanyang kotse ay dumating ang sasakyan ng mga magulang nila. "s**t!" sabi niyang agad na isinara ang pinto ng kotse. "Bakit sila bumalik?" Agad niyang naisip si Shantel. Baka agad itong sumunod at makita ng papa at mama niya. Baka mahalata ng mga ito na aalis ang kanyang ate kaya mabilis niyang pinuntahan para pabalikin sa kuwarto kung sakaling nakalabas na. "Salamat at 'di pa sumunod si ate," bulong niya ng wala pa si Shantel sa labas. "Hindi ko muna siya palalabasin sa room niya." Ilang hakbang na lang niya ay bumukas ang pintuan ng kuwarto ng ate niya. Binilisan niya ang paglapit dito. "Ate, balik," sabi niyang isinenyas ang dalawang kamay. "D'yan ka muna sa room mo at huwag lumabas. Bumalik sina mama at hindi ko alam kung bakit." "Ha? Oh, my God. Mabuti pala at hindi kaagad ako sumunod sa 'yo. Bakit kaya sila bumalik? Aalis pa kaya sila?" "I really don't know. Just stay inside your room and I will call you when our parents leave again. Okay?" "Okay, Sha. I will close the door. Bye." Agad siyang tumalikod pagkasara ni Shantel sa pintuan. Humakbang na siya pabalik sa hagdaan at nakita niyang pumasok sa main door ang mama niya. "Sha," bati nito nang makita siyang pababa sa hagdanan. "May lakad ka ba, anak?" "Wala, mama. I will stay here at home all day." "Good. Maghapon kaming wala ng papa mo." "As always," natatawa niyang sabi. "Wala naman pong bago. Busy kayo lagi sa activities n'yo ni papa. By the way, bakit po ba kayo bumalik?" Dugtong niya sa isip, "Sana'y nakaalis na kami ni ate at naihatid ko na siya sa bus station." Tumaas ang kilay niya ng sinabi ni Mama Shiela ang dahilan nang pagbalik ng mga ito. Totoong importante dito ang bagay na iyon. Wala pa rin talaga itong pagbabago. She's still sophisticated. She must be well-dressed when leaving. "Ayokong may masabi sa akin ang mga tao," paliwanag pa ni Mama Shiela. "Hindi ko gustong mapulaan ang papa mo." "Well, well, well," sabi niyang lumabi at nagkibit-balikat. "As usual!" "Wala ka talagang alam kundi ang kontrahin ako, Shara. Parang wala akong tamang ginawa para sa 'yo." Tumawa siya. "Ikaw ang nagsabi niyan, mama. Hindi ako." "D'yan ka na nga," sabi nitong inirapan niya. Nilampasan siya sa hagdanan na bumubulong. "Wala ka talaga sa ate mo na mabait!" Malinaw pa niyang narinig ang huling sinabi ni Mama Shiela. Tumirik ang mga mata niya. Saka bumuntonghininga din, na sinigurado niyang hindi na nakarating sa pandinig nito. "Si ate na mabait," aniya na bumaba na sa hagdanan. "Si ate na ngayon ay nagsisi dahil sa pakikialam ninyo sa buhay niya." Nang makababa siya sa living room ay umupo muna siya sa sofa. Doon niya hinintay ang muling pagbaba ng kanyang mama, na amino'y nagpalit ng buong kasuotan sa tagal nang iginugol na oras. "Diyos mio," bulong niya ng tila hindi siya nakita sa salas nang lumabas na ito sa unahang pintuan. "Daig pa ang dalaga. Naku, mama, iyan ang gusto mong mangyari sa buhay ni Ate Shantel. Ang maging asawa rin ng mayaman na walang alam gawin kundi ang makipag-sosyalan." Umiling siya saka tumayo mula sa sofa at lumapit sa pintuan. "I'm not going to be like you, mama. I'm going to force myself to be rich with a meaningful life." Sumilip siya sa hinawing kurtina ng front glass windows para tiyaking umalis na uli ang kotse ng mga magulang. "Kaya ipinagtulakan kong umalis si ate para makisalamuha at makakilala ang ibang tao," she whispered. "Sana'y makakita siya ng lalaking mas magiging makabuluhan ang buhay niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD