Chapter 2

2611 Words
Chapter 2 Dumating ang araw ng Sabado. Nakahanda na si Thalia. Nakabihis siya ng maputing dress. Simple lang itong tingnan at bumagay naman ito sa kanya. Walang emosyon siyang bumaba sa naghihintay na ama. Naroon din si Marga, nakangising nakaupo habang pinapanood siyang naglalakad papalapit sa kanila. “You look dashing, Sister,” plastik nitong komento sa hitsura niya. “Thanks,” walang gana niyang sagot. “Let’s go,” malamig na utos ng kanilang ama. Tahimik siyang sumunod sa lalaki habang papalabas sila ng bahay. Kumakaway at nakangisi sa kanya si Marga. Hindi ito sasama at may party itong dadaluhan. Pinagbuksan siya ng driver ng kanyang ama at pumasok siya sa loob ng sasakyan. Habang nasa biyahe ay nasa labas ng bintana ang kanyang paningin. Nilalamon siya ng katahimikan at nasasakal na siya. Nakipaghiwalay na rin siya sa kanyang nobyo. Mali. Ito ang nakipaghiwalay sa kanya samantalang ipang beses pa siyang lumuhod upang huwag lang aiya nitong iwan. Bumalik sa kanyang alaala ang mga sinabi nito sa kanya. “Hindi kita gusto, Thalia. I just settled on you because you are an easy target,” nakangisi nitong saad. Umiling si Thalia. “No!” kontra niya sa sinabi ni Ben. “Hindi iyan totoo! You love me! I feel it! Huwag mo namang gawin ’to sa ’kin? Please? I’m begging you, babe! Don’t do this!” “Tsk! You’re pathetic! Ginamit lang kita. See? Ang dali mo lang makuha. Sawa na ako sa ’yo! You always call me. Magkasama na tayo ng buong araw, pag-uwi mo pa’y gisto mo pa akong kausapin nang magdamag! Nakakasakal ka! I don’t like this relationship, really. It’s toxic and exhausting!” Natahimik si Thalia sa narinig. “Why? Dahil ba kay Marga? Huh? I already forgive you! Hindi pa ba ’yon sapat? Huh? Ben, we’ve been together for so long! Huwag mo namang sayangin ang mga pinagsamahan natin!” umiiyak na sambit ni Thalia habang nanginginig ang kanyang mga labi. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang nobyo. Hindi niya alam kung paano ito kukumbinsihing huwag siyang hiwalayan. Wala nang pumapasok sa kanyang isipan. Puro pasakit na lang ang kanyang nararanasan. “Well, we’ve been together far too long,” anito na ikinatigil niya. “Hindi ko na dapat hinayaan pang tumagal tayo. Hindi kita mahal at may mahal na akong iba,” dagdag pa ng binata na lalong sumakal sa puso ni Thalia. Para bang pinagsasaksak iyon ng ilang libong kutsilyo. “I’m going and please,” anito. “Stand up and fix yourself. Nakakahiya ka,” anito bago naglakad paalis. Wala na siyang pakialam at tuluyan nang napaupo sa lupa. Kung bakit naman kasi sa parke niya pa naisipang makipagkita at makipag-usap sa binata. Maraming tao ang nakatingin sa kanya. Maraming saksi sa kanyang pagguho. Wala na siyang pakialam pa at tuluyan na siyang pumalahaw ng iyak hanggang sa siya ay mapagod. Napabalik siya sa huwisyo nang huminto ang sinasakyan nila hudyat na narating na nila ang kanilang destinasyon. Bumuntonghininga si Thalia. Ito na. Ito na ang kanyang katapusan. Hindi na siya puwedeng umatras. Tatanggapin na lamang niya ito bilang parusa. Kapalit nang kalayaan ng kanyang ina ay siya namang pagkakabilanggo niya sa kasalang walang pagmamahal sa isa't isa. “Fix yourself and smile.” Nabigla siya sa narinig ngunit kaagad niyang sinunod ang ama. Tahimik siyang bumaba nang pagbuksan siya ng pinto ng driver nila. Hindi na dapat siya naghintay. She's not a princess, at least, in the family. Nauunang naglakad si Mr. Green at tahimik lang na nakasunod si Thalia sa lalaki. Nagsisimula nang manginig ang kanyang mga tuhod at bumibilis ang kanyang paghinga. She’s trying to compose herself and smile ngunit natatalo siya ng takot at pangamba. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kapag nakita niya ang binata. Hindi niya rin alam kung paano batiin ang mga magulang nito. Naunang pumasok ang kanyang ama. Nakatutok ang kanyang paningin sa likuran ng ama at nang maupo ito sa harap ng isang pamilya ay gusto na lamang niyang lamunin na ng lupa. Gusto niyang bumuka ito at nang mawala siya mundo. Hindi man lang nag-angat ng tingin ang binata kahit pa nakaupo na siya. Kataka-takang nakangiti sa kanya ang ginang sa kanyang hinuha ay ito ang ina ng binata. Magaan rin ang pagkakangiti sa kanya ng ama ng binata. “H-Hello po,” nanginginig ang labi na bati niya rito. “Hi! You're Thalia, right?” magiliw na tanong sa kanya ng ginang. Nakangiti siyang tumango ngunit ramdam niyang naging ngiwi iyon. “Opo. I’m Thalia Ameliè Green,” aniya. Pinapakiramdaman niya ang sarili at mukhang bibigay ang kanyang mag tuhod. She feel sick in her stomach. “Nice to meet you, Thalia and welcome to the family, anang ama ng binata. Hindi pa rin natinag ang lalaki at patuloy lang ito sa pagkain. Wala namang pakialam ang ama ni Thalia. Saka pa lang tumingin sa kanya ng binata nang sikuhin ito ng ina. Sinalubong nito ang kanyang mga tingin at matapang naman niya itong tinitigan. Hinding-hindi siya magpapatalo rito. Kung gagawin man nitong miserable ang kanyang buhay ay magdadala naman suya ng delubyo sa buhay nito. Hindi man lang ito ngumiti. “Give me your hand,” malamig nitong wika habang nakatitig pa rin sa kanya. “Huh?” takang tanong niya. “Why would I?” “Psh! You think I would like to touch you? Dream on, woman!” maangas nitong singhal kaya naman nagugulat niyang iniangat ang kanyang kamay na pinagsisihan niya rin kaagad. Nanatili sa ere ang kanyang kamay at hinintay niya ang gagawin ng binata. Manghang-manghang nanonood sa kanila ang kani-kanilang magulang at gusto na niyang himatayin na lang sa hiya. May inabot ang binata sa ilalim at hinawakan nito ang kanyang kamay. “I, Timothy Lawrence Parker, take you as my fiancee, right here, right now.” Dahan-dahan nitong isinuot sa kanyang palasingsingan ang isang mamahaling diamond ring. Malaki ang batong nakaukit dito at halatang galing pa sa ibang bansa. Pigil-hininga niyang pinagmasdan ang singsing at hindi niya napansing nakatitig pala sa kanya ang lahat. Natakpan niya kaagad ang sariling bibig gamit ang kamay na may singsing nang maalalang nakanganga pala siya. “Did I make your heart skip a bit?” nakakalokong tanong nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Tama ang binata. Muntik na siyang hindi makahinga dahil sa sobrang kaba. Inis niyang pinaalalahanan ang sarili na naroon siya dahil sa fix-marriage at hindi nila mahal ang isa’t-isa. Hindi dapat siya nakararamdam ng kilig sa binata. “You’re too easy, Thalia.” Natigilan siya. Iyon din ang sinabi sa kanya ng dating nobyo kaya naman gumapang ang galit sa kanyang katawan. Wala siyang magawa kundi tanggapin ang mga pang-iinsulto nito sa kanya. “I hate you,” hindi niya na napigilan ang sariling magsalita. Ramdam niya ang mabilis na pagbaling sa kanya ng ama. Nandidilat ito ngunit hindi siya nagpatinag. “Same here, woman.” Ano nga ulit ang pangalan niya? Tobias? Tsk! Bantot ang pangalan! “Gosh! Bakit ang cute ninyong panoorin?“ Nagulat si Thalia dahil sa narinig. Binalingan niya ang ginang at hindi man lang ito kakikitaan ng inis sa mukha. Ganoon din ang ama ng binata. Mukhang tuwang-tuwa pa ang mga itong panoorin sila maliban sa kanyang ama. Hindi man lang ba nila ako pagagalitan? Inaaway ko lang naman ang kanilang anak? Nagtataka siya sa mga ito. “Matutunan n’yo ring mahalin ang isa't isa.” “Mom, I have to go. May kailangan pa akong gawin,” malamig na wika ng binata. “Isama mo na si Thalia. Igala mo. Alam ko ang schedule mo kaya hindi mo ako malulusutan,” mataray na wika ng ina ng binata na ikinagulat na naman ni Thalia. Nang bumaling ang ginang sa kanya ay nakangiti na ito. “It is okay, Cliff?” tanong ng ginang sa ama ni Thalia. Tumango ito. “I have to go, too. I have to attend to a meeting,” paalam ng kanyang ama nago tumayo at naglakad palabas. Hindi man lang sila kumain at nagugutom na siya. “Hmm. Take care of her, Timothy.” “Yes, Dad,” sagot ng binata sa ama habang may nakakalokong ngisi sa labi. Mukhang hindi magandang nagpaiwan siya rito. Gusto niyang habulin ang ama at sumama rito ngunit alam niyang itataboy siya nito. “We are going, Thalia. Kumain ka muna bago kayo umalis,” baling ng ginang sa kanya na tinanguan niya lang bilang sagot. Nahihiya siya rito. “Timothy,” baling nito sa anak. Nandidilat ito habang nakatingin sa binata. “I’m warning you. Don't do something stupid.” “Ugh! Mom, I know! Just go,” pagtataboy pa nito sa sariling ina na hindi niya nagawa kailanman sa Mommy niya. Nakatanggap ito nang mahinang batok. Napabungisngis siya dahil sa gulat. Hindi niya aakalaing ganoon ang ina ng binata. Nang mahagip ng kanyang mga mata ang masamang tingin ng binata ay nagpanggap siyang walang nakita. Sumandok siya ng pagkain at sinimulan itong lantakan. “Are you happy?” galit na tanong ng binata sa kanya. Wala na ang mga magulang nito kaya malaya ito sa kung ano ang gusto nitong gawin. Bumuntonghininga si Thalia. “Sa tingin mo nakakatuwa itong pinaggagawa natin?” mataray niyang tanong pabalik sa binata. Dahil pagod na siyang maging mabait ay ngayon niya naisipang protektahan ang sarili. Masyado na siyang naabuso at hindi na iyon maganda. “I have a girlfriend. Today is her birthday and here I am, sitting in front of my fiancee,” mapait nitong wika. “Mmm? Eh, bakit kasi nandito ka? Hindi ka na dapat sumipot! I have a boyfriend, too! Tsk!” singhal niya sa pagmumukha nito. Wala siyang pakialam kung matapunan ito nang kanyang nginunguyang pagkain. Gusto niyang umatras ang binata sa kasal. Gagawin niya ang lahat upang matigil ito. “I don’t have a say in this. Kapalit ng pagpapakasal ko sa ’yo ay ang pagtupad ko ng aking mga pangarap. I want to be a Doktor at ayaw ni Daddy. Marrying you is the only way para mapapayag si Daddy sa gusto ko. This is just a deal. After a year of our marriage, I will file a divorce. I don't want this marriage,” mahabang litanya ng binata. “Same here,” buntonghininga niyang sagot. “Bayad na ba ’to?” tanong niya patungkol sa pagkain. Kunot-noo siya nitong tiningnan. “What do you think?” balik-tanong nito sa kanya. She sighed in frustration. “I don’t know. Hindi naman ako ang nag-order. Gusto ko lang malaman para puwede mo na akong iwan. Mauna ka na. Maglalakad ako,” walang ganang aniya bago isinubo ang isang peraso ng lettuce na isinawsaw niya sa sauce. “You’re coming with me. Sa akin ka ibinilin kaya isasama kita. Pumayag ang Daddy mo at wala ka nang magagawa,” anito. Umirap siya sa kawalan ng masabi. “Sige,” aniya saka tumayo na. Nawalan na siya ng ganang kumain. Wala pa naman siyang dalang pera kasi akala niya ay mabilis lang sila. Nagpapadyak siya sa inis nang marating nila ang parking lot. “Sakay,” utos sa kanya ni Timothy. Kaagad naman siyang tumalima. Nanatiling nasa labas ng bintana ang kanyang paningin sa buong biyahe. Hindi niya alam kung nasaan sila ngunit nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa labas. Nagulat pa siya nang biglang huminto ang sasakyan at muntik pang mabagok ang kanyang ulo sa binata. “Ano ba!” malakas niyang singhal ngunit nakababa na ang binata at hindi man lang siya nito hinintay. Mabilis itong pumasok sa isang club. “C-Club?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa sarili. “Dinala niya ako sa club?” Nagmadali siyang bumaba at sumunod sa binata. “Slow,” inis nitong bungad sa kanya na ikinagulat niya. Hinintay pala siya nito. “Nauna ka na sana. Hindi ako kinikilig sa pahintay-hintay mo, Tobias!” inis niyang singhal sa binata na ikinagulat nito. Kunot-noo itong tumingin sa kanya. “What did you just call me?” iritable nitong tanong sa kanya. “Tobias. Bakit?” palaban niyang tanong. “Tsk! Timothy. Timothy is my name, Thalia. At least naman tandaan mo ang pangalan ko,” nainsultong anito bago nagpaumunang maglakad. “Tsk! Hindi bagay ang pangalan,” komento niya ngunit hindi na iyon narinig ng binata. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay may sumalubong na sa binata. Babae. Patalon itong yumakap at humalik kay Timothy na ikinainis ni Thalia. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang inis niyang iyon. Wala siyang karapatan sa binata. “Umayos ka, Thalia. Don't embarrass yourself please lang,” pagpapakalma niya sa sarili. Parang napako siya sa kanyang kinatatayuan. Nang lumingon sa kanya ang binata ay saka pa lang siya natauhan. Ramdam niya ang matatalim na tingin sa kanya ng dalagang nakayapos pa rin sa binata. “D*mn! He’s my fiance and here we are! Harap-harapan akong iniinsulto! Tang-inang buhay ’to!” singhal niya sa sarili bago lumapit. Ipinakilala siya ng binata sa mga kaibigan nito. Lahat naman ay nakangiti sa kanya at tinutukso silang dalawa. Humahaba naman ang nguso ng dalagang nakakapit pa rin sa binata na parang tuko. That’s his girlfriend. Hindi siya umiinom kaya hindi rin siya makasabay sa mga ito. Natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya at iisipin pa lang niyang naghihintay sa kanya ang ama ay natatakot na siya. Gusto na lang niyang umuwi. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay pansin ni Thalia ang pananahimik ng isang lalaki. Nasa grupo ito ni Timothy ngunit hindi siya nito kinausap. Dahil gusto niyang may pagkakaabalahan ay nilapitan niya ito. “H-Hi,” nahihiyang aniya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya saka ngumiti. “Thalia, right?” “Yes.” “Hmm. You're beautiful yet damaged,” komento nito na ikinagulat niya. “Huh?” “Nothing.” Umiling ito saka uminom ulit. Hindi siya kumibo at pilit na inaalala ang sinabi ng lalaki. “I’m Tobias,” pakilala nito. Nanlaki ang mga mata ni Thalia dahil sa gulat ngunit hindi siya nagsalita. Ramdam niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan ng binata at hindi niya alam kung ano ang dahilan nito. “I love Kriss. I love her so much but she chose Timothy over me,” malungkot nitong kuwento. “We are about to get married but she cancel our plans. She fell out of love and I'm hurt she chose my bestfriend.” Hinayaan ni Thalia na magkuwento ang binata. She listened patiently to Tobias. Pati siya ay nasasaktan para sa binata. Hindi niya alam kung paano ito aaluin gayong maging siya ay may dinaramdam din. Nakatulog ang binata kalaunan. Maging ang iba pa nilang kaibigan ay nakasalampak na sa upuan at hindi na niya mahanap si Timothy. Nag-aalala na siya para sa sarili lalo pa at hindi niya kabisado ang lugar. Wala siyang dalang cellphone at wala rin naman siyang matawagan. Dahil pagod na ay naisipan niyang lumabas at hinanap ang sasakyan ng binata ngunit hindi niya ito mahagilap. “Paano ako uuwi?” natatawang tanong niya sa sarili. Naglakad siya ng ilang metro hanggang sa mahagip nang kanyang paningin ang isang sasakyan. It looks like Timothy's kaya lumapit siya rito ngunit nagtaka siya dahil gumagalaw iyon. She looked closely and it was Kriss, on top of Timothy. They were making out in the dark at nainis siya sa sarili dahil pinakatitigan pa niya ito. Dumaan ang kirot sa kanyang puso at mabilis siyang tumalikod. She realized that Timothy was staring at her. Mabilis siyang naglakad kahit hindi niya alam kung saan pupunta. “Paano ako uuwi?” pagod na tanong ni Thalia sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD