Chapter 1
“Marga.”
Pansin ni Thalia ang pag-irap ng kapatid nang tawagin ito ng kanilang ama. Si Mr. Clifford Green, ang tunay na ama ng half-sister niyang si Marga. Tahimik na nakikinig sa usapan ng mag-ama si Thalia. Ayaw niyang makisali. Sa bahay na kinagisnan niya ay wala siyang boses. Wala siyang karapatang magsalita. Hindi kailangan ang kanyang opinyon.
“Dad, come on! You knew I can’t do what you want?” reklamo kaagad ng dalaga. Mahinang bumuntonghininga si Thalia at nagpapasalamat siyang hindi iyon narinig ng ama. Sigurado siyang sisinghalan siya nito kahit nasa harap pa sila ng pagkain.
“Marga, I am warning you! This is for you own good! Sa tingin mo ba ay may magkakagusto sa ’yo? Look at you! You can’t even cook! You can’t clean your mess!” pangangaral ng ama sa anak.
Umirap lamang ang dalaga at marahas na huminga dahil sa inis. Ayaw nitong magpakasal sa isang aroganteng lalaki. Ayaw njtong matali sa isang fix marriage. “Si Thalia na lang,” suhestiyon ng dalaga dahilan upang manlaki sa gulat ang mga mata ni Thalia. Nandidilat niyang binalingan ang kapatid. She’s begging her using her eyes ngunit inismiran lamang siya nito. “Si Thalia na lang, Dad. Siya na lang. I’m still young,” anito.
Iiling-iling na binalingan ni Thalia ang ama at takot ang kanyang naramdaman nang mataman siya nitong tinitigan na animo ay tinitimbang nito at pinag-iiisipan ang sinabi ng anak.
Please don't do this to me! I have a boyfriend!
Her mind screamed because im reality, she can’t. Hindi niya kayang suwayin ang itinuring na ama. Ang nagpalaki at nagpa-aral sa kanya. Their mom is not here. Nasa ibang bansa ito for business purposes.
“We’ll see,” sumusukong anito bago nagpatuloy sa pagkain.
Malungkot na yumuko si Thalia. As usual, wala na naman siyang magagawa. Wala na naman siyang karapatang kontrahin ang mga desisyon ng ama. Wala na naman siyang karapatang mag-desisyon para sa sarili. She can’t even look straight to her fathers eyes. Natatakot siyang sigawan nito. Sa masama pa lang na tingin sa kanya ng ama ay naduduwag na siya.
“I will talk to the Parker’s this coming Saturday,” usal ng kanilang ama. Maingat na pinunasan ni Mr. Green ang gilid ng labi nito gamit ang malinis na table napkin. Inilapag nito iyon sa lamesa at maingat din itong tumayo.
“We will talk later, Thalia Ameliè,” wika nito. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at dire-diretso itong naglakad papalabas ng kanilang dining room.
Ngingisi-ngising buming sa kanya si Marga. Hindi niya ito binigyan ng pansin dahil nawalan na siyang ganang makipag-plastikan sa kapatid. Sa sinabi pa lang ng kanilang ama ay naubos na ang kanyang lakas at ayaw na niyang makipagbangayan pa sa kapatid.
“Smile, Thalia. It’s your time to shine!” pang-iinis nitong sambit sa kanya habang tatawa-tawa.
“Marga, kung sa tingino nakakatuwa ang ginawa mo, sa akin hindi. Ilang beses mo bang gagawing kalbaryo ang buhay ko?” malumanay niyang tanong sa kapatid habang naghihiwa siya ng steak.
Umismid lang ito. “Of course you’ll suffer in my hands. I will do everything to ruin you, sister! That’s my goal in life,” anito na sinabayan pa ng flying kiss. Gusto na niya itong sabuyan ng sabaw ng isda. Kung hindi lang madadagdagan ang kanyang magiging problema ay ginawa na niya ang iniisip ngunit pinigilan niya ang sarili. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang tinidor.
Matapang niyang sinalubong ang masasamang tingin ng kapatid habang sinusubo niya ang isamg peraso ng beaf steak.
“Psh!”
“Hindi ka ba napapagod sa mga pinaggagawa mo?” intrigang tanong ni Thalia sa dalaga habang umiinom ng juice. Nakalahati na niya iyon.
Ngumisi ito nang nakakaloko sa kanya bago umiling. “Why would I? I love seeing you cry, stressed, depressed,” sagot nito habang kunwari ay pinag-isipan nito iyon. “I love seeing you being miserable,” dagdag pa ng dalaga.
“It’s a fuel to my soul. I love it and I want to see you suffer forever,” nangangarap na wika ni Marga.
Tumango-tango si Thalia kahit pa nasasaktan siya sa mga pinagsasabi ng kapatid. Ito talaga ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang bumangon araw-araw upang salubungin ang panibagong araw na ng pambubuyo nito sa kanya.
“Hindi na tayo mga bata, Marga. In fact, ikakasal ka na which is ayaw mong mangyari kaya naisipan mo akong gawing patuka. You knew I have a boyfriend. Bakit ba ganiyan ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Thalia sa kapatid. Hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ng dalaga. Masyadong iyong komplikado at nahihirapan siyang basahin ang mga laman ng isip nito. Hindi niya rin mahulaan ang mga susunod nitong gagawin sa kanya.
“Hmm,” animo ay nag-iisip na usal ni Marga. “It’s simple. I don’t want to get married and I want your boyfriend,” kampante nitong sagot.
Natigilan si Thalia sa narinig. Kumunot ang kanyang noo at nandilim ang kanyang paningin sa kapatid. “Layuan mo si Ben!” galit niyang singhal. Nagkibit-balikat lamang ito saka pangiti-ngiting nagpunas ng labi.
“Hmm, I don't think I can do that,” Marga answered, not minding her feelings.
“Huwag na huwag mong lalapitan ang boyfriend ko, Marga! I love him dearly at ayaw kong maghiwalay kami.”
“Huh? You are going to be married! Unfortunately, to a Parker. I don’t really like him. I prefer your boyfriend over him kaya ikaw ang magpakasal kay Timothy Parker. Don't worry, Sister! Ako na ang bahala kay Ben,” pakindat nitong wika sa sinabayan pa nang nakakainis na tawa.
Galit siyang tumayo upang sugurin ang kapatid ngunit mabilis itong nakatakbo palabas ng dining area at dire-diretso ito paakyat sa sariling kuwarto. Naiwan siyang tulala, nanginginig, at kinakabahan. Natatakot siya sa posibleng gawin ng kapatid. Masyadong itong goal-driven at alam niyang mangyayari ang gusto nito.
She fetch for her phone at mabilis niyang tinawagan ang numero ng boyfriend. Ilang ring bago nito sinagot iyon. “H-Hello?” sa nanginginig na boses ay nagsalita si Thalia. “Babe,” tawag niya sa nobyo.
“Yes? Bakit? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Maluwag siyang nakahinga nang marinig ang boses ng kanyang nobyo..
“N-Nothing,” aniya. “I just miss you so much,” dagdag niyang wika.
“I miss you, too. I have to go,” paalam nito sa kanya.
“It’s okay. I just check on you,” aniya. She said her I love you’s and goodbye’s then she hung up on him.
Maingat niyang inilagay sa bulsa ang kanyang cellphone at lumabas na rin siya ng kusina. Dumaan siya sa backdoor dahil gusto niyang magpahangin sa labas. Dumiretso siya sa likod ng kanilang bahay. May maliit na lake roon na puwedeng tambayan. Marami-rami rin ang tanim na ounong nakapalibot doon. May bench sa ilalim ng isang puno at doon siya naupo habang nagmumuni-muni.
All is well.
Bumalik sa kanyang isipan ang sinabi ng kanilang ama. Kapag pumayag ito ay siya ang ikakasal sa lalaking ayaw rin niyang makasama. Tapos na siya sa pag-aaral at wala na siyang ira-rason sa ama. Masusunod at masusunod pa rin ang mga plano nito para sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pang madamay siya. Si Marga dapat iyon ngunit dahil spoiled brat ang kanyang kapatid, hindi siya manalo-nalo rito. Mas paborito rin ito ng kanilang ama. Buntonghininga siyang pumikit upang pakalmahin ang sarili.
She’s furious yet she can’t defend herself. Pati ang kanyang mommy ay walang pakialam sa kanya. Mas pinipili pa nitong labanan ang kapatid niyang hindi naman nito anak. Nagpapa-good shot ito sa asawa. Sabagay, ang lalaki ang dahilan kung bakit gumaan ang kanilang pamumuhay. Hindi niya rin masisisi ang ina.
ISANG malakas na sampal ang iginawad si Thalia sa kapatid. Sinugod niya ito sa kuwarto nito habang natutulog pa. One of Marga’s friedn sent her a picture of Ben and Marga sleeping in one bed while both naked and cuddling each other. Sumigaw ang kapatid niya dahil sa gulat. Nagme-makeup ang dalaga bago niya ito hinatak nang malakas upang makaharap ito sa kanya.
Galit itong bumaling sa kanya habang hawak-hawak ang pisnging namumula dahil sa lakas nang pagkakasampal niya. “What is this?” demanding nitong tanong sa kanya. “Why did you slap?”
“Ha!” buntonghiningang singhal niya. Kinakain na siya ng galit at isang pitik lang ay sasabog na siya. Masyado na siyang inaabuso. “You f*cking slept with my boyfriend! Sa tingin mo ba’y matutuwa ako?”
Natigilan ang kaharap sa kanyang sinabi at mukhang natauhan ito. Biglang umamo ang mukha nito ngunit kalaunan ay bumalatay ang ngisi sa mga labi ng dalaga. “Oh!” gulat na sambit nito. “Sorry,” walang ganang wika ng dalaga.
Lalong kumulo ang dugo ni Thalia. She had enough of Marga’s stupidity. Sinampal niya ulit ito nang malakas dahilan upang mahilo ito at mapahandusay sa sahig. “Napuno na ako sa ’yo! Ilang beses na kitang pinagsabihan. Tigil-tigilan mo na ako’t masasaktan ka talaga sa ’kin!”
Isang malutong na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon namalayan. Halos umikot ang kanyang paningin dahil sa lakad niyon. Binalingan niya ang taong gumawa niyon sa kanya and to her surprise, it was her father. No. Her step-father. Nakanganga niya itong tiningnan. Hindi nuya aakalaing makakatikim siya ng sampal mula sa ama.
“D-Dad,” maang niyang tawag dito.
Masama itong tumingin sa kanya. “Don’t call me that? Hindi kita anak!” malaka nitong singhal sa kanya na ikinagulat niya. Ngayon niya lang nakitang galit na galit ang ama. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit nagalit ito sa kanya.
“P-Pero . . . ”
“You deserve a slap in the face! Pareho kayo ng nanay mong malandi! You think hindi ko malalaman ang nga pinaggagagaaa niya sa ibang bansa? She’s living a luxurious life because of my money and she cheated on me! She f*cking cheated on me!”
Nagitla si Thalia sa narinig. “No!” pagkontra niya sa sinabi ng ama. “Hindi ’yan totoo! Hindi!”
Mom. Why did you do this? Again?
Nanlulumo siyang napaupo sa sahig. Nawalan na siya ng lakas na makipagsagutan sa ama. Lalo lang lalaki ang away nila kapag nagkataon.
“And you dare slap my own daughter? In my territory, Thalia! Ang kapal naman ng mukha ninyo ng Nanay mo!”
Narinig niya ang madramang pag-itak ni Marga. Tumayo ang dalaga at niyakap nito nang mahigpit ang ama. “Now, you will suffer in my hands,” ani Mr. Green sa malamig boses. Lumabas ang mga ito at naiwan siyang nakatulala. Tumingala siya sa kisame at hinayaan niyang umagos nang masagana ang kanyang mga luha. Kanina pa siya nagpipigil ngunit sadyang traydor ang kanyang nga mata. Pagod na siyang magkunwaring maayos lang ang lahat.
“Bakit? Bakit, Mommy? Ano ang pumasok sa isip mo? Bakit mo ginawa iyon?” Tumayo siya at lumabas sa kuwarto ng kapatid. Nanginginig ang kanyang mga tuhod at namamanhid ang kanyang pisngi. Hinimas-himas niya ito at pansin niyang namamaga iyon. Hindi man niya suriin ang kanyang mukha ay bumakat ang palad ng kanyang itinuring na ama.
Hindi niya makontak ang nobyo. Pinapatayan siya nito ng tawag at mukhang wala itong planong magpaliwanag sa kanya. Hindi niya rin matawagan ang ina sapagkat inabandona na siya nito. Kaya pala ayaw na nitong umuwi. May rason pala talaga ang pag-alis nito ng bansa. Huwag na lang sana itong bumalik at makipag-usap sa kanya. Puno nang pagkamuhi ang kanyang puso dahil sa naranasan at ngayong mukhang nakapagdesisyon na ang ama ay wala na siyang magagawa.