"Your boyfriend gave you that?" tanong ni Sir Hendrickson. Nakangiti akong tumingin sa kan'ya at bigla rin napawi 'yon dahil seryoso siyang nakatingin na parang kanina lang ay nakangiti siya. Tumingin ako sa bulaklak na hawak ko at tumingin muli sa kan'ya. "No, sir. I don't have any idea who gave this to me." Ngumisi siya. "Secret admirer?" Nagkibitbalikat ako. "Maybe?" "Psh! Corny." Binaling niya ang tingin niya sa mga papelis na nasa desk niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang bumubulong sa sarili ko. "Balik na po ako sa desk ko," wika ko sabay talikod sa kan'ya. Anong nangyari doon? Nakangiti lang siya kanina ah ang ganda nga ng mood niya tapos biglang bumalik na naman sa dati na napakasungit. "Starting today, I will not allow anyone to give anything inside the company." "Hmm

