"Hello Ms. Kylie!" masiglang wika ni Naya at biglang tinupi ang kan'yang bibig. "Ops! Bawal pala ang maingay dito, baka marinig na naman ako ng napakasungit nating boss pero gwapo!" kinikilig niyang sabi. Napailing ako habang natatawa. "Anong kailangan mo?" "Hello? Lunch break na kaya tara na!" yaya nito. "Oo nga pala hindi ko nasabi sa'yo na nakapag-lunch na pala ako with Sir Hendrix," sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya. "What?!" Tinakpan niya ang bibig niya sandali bago muling nagsalita. "Why? How?" "Sinabayan ko na kasi siyang kumain kanina, gusto ko rin kasing masanay na siyang may kasabay kumain." "Pumayag siya? Hindi ba ayaw niyang may nakikisabay sa kan'yang kumain, right? Kaya hindi natin siya magkita-kita dati." "Yes, pumayag naman siya at naging masaya ako doon. Kung pwed

