"No, ayoko," pagtanggi ko habang nakangiti na umiiling. Napatingin ako sa CEO na parang himihingi pa ng tulong para lang humindi siya. "Why? Bagay na bagay ka na maging model," sambit ni Ms. Angelica. "She doesn't want it, let her," saad ni Sir Hendrickson sa seryosong todo sabay tingin niya sa mga papers na nasa table niya. Nakahinga ako ng maluwag doon. Mabuti na lang talaga hindi pumayag si Sir Hendrickson. Muli na naman nag-isip ang dalawa kung sino ang kulunin nilang temporary na model nang biglang pumasok sa opisina ang mama ni Sir Hendrickson, Ma'am Camila Sy. Agad kaming napatingin sa kan'ya. "Good morning po, Ma'am Camila," sabay sabay naming bati na tatlo. "Good morning," nakangiti niyang wika. "Where's Hendrickson?" Gumilid ako para makita niya ang CEO. Lumapit ito sa ka

