Nagkibitbalikat ako bago ako pumasok sa bahay. Nakita ko si mama at lane na nasa sala at mukhang maganda ang kanilang pag-uusap kaya dumiretso na muna ako sa kuwarto ko para maligo. Basang-basa kasi ako at kailangan ko na rin maligo para hindi ako magkasakit. After kong gawin ang mga kailangan kong gawin, bumaba na ako at nakita ko si mama na naghahain na ng hapunan. Si Lane naman ay tinulungan siya kahit na ilang beses itong pinapaalis ni mama sa kusina para maupo na lamang at huwag na tumulong pa. "Doon ka na, ako nang bahala dito," wika ni mama at pilit na pinapaalis si Lane sa kusina. "Wala na po kayong magagawa," sagot naman nito nang makakuha na ng tatlong plato at dumiretso sa lamesa. Napatingin siya sa akin at mas lalong lumawak ang kan'yang ngiti. "Maupo ka na lang diyan," na

