"Tuloy ba tayo ngayon sa bar?" tanong ko kay Tria habang naglalakad kami papunta sa mga kotse namin. Tiningnan niya ako sabay kibitbalikat. "I don't know... baka hindi na muna?" "Ikaw... ikaw bahala." "Naalala ko madami pa pala akong kailangan na i-check na designs. Isasantabi ko muna ang kagustuhan kong magbar ngayon." Huminga siya ng malalim. Natawa ako dahil sa kan'yang reaksyon. "Madami pa namang araw. Basta kapag naging free ulit tayo, magbar tayo." "Sure 'yan ah?" Tumango ako. "Oo naman. Sige na bye na... see you tomorrow!" "See you tomorrow!" wika nito bago sumakay sa kan'yang kotse. Hinayaan ko na muna siyang maunang sumakay dahil iisang payong lang naman ang hawak ko at malakas din ang ulan. May isang kotse lang ay nasa pagitan ng kotse naming dalawa. Mabilis na hinarurot

